Mission 47

2.4K 75 4
                                        

[Mae's POV]

Tahimik akong nagpapahinga sa infirmary matapos akong bisitahin ni Lali. Pinainom ako ng gamot at pinakain para daw mapabilis ang paggaling ko.

Sean is such an asshole.

Nakakainis. Sinabi ko na sa kanyang kaya ko namang tumulong, pero hindi nya ako pinakinggan. ANo ba tingin nya sa akin? Ganun kahina? Kayang-kaya ko naman na eh. Ayokong humiga dito habang natataranta ang agency para magsigawa ng bagong mga gadgets para maging hadna sa susunod na hakbang ng C.C.

Napapikit ako. Nang maidilat ko ang mga mata ko, bumungad sa akin ang madilim na bintana at ang nakakasilaw na ilaw ng kwarto. Gabi na siguro. Alas tres na nang mapatingin ako sa orasan.

Pero mas nagulat ako nang makita ko si Sean na nakayuko sa kama ko at natutulog.

My face flushed. Hindi ko inaasahan na nandito sya. Paano ba naman, talganag nagkasagutan kami kahapon, but I guess... wala na sa akin yun. Ang mahalaga, he cares. And I care for him. Yun talaga ang dahilan kung bakit gusto ko nang magtrabaho, dahil gusto ko syang tulungan.

I love him...so much.

------

[Rury's POV]

"Good mo--" natameme ako sa tapat ng infirmary nang makita ko si Mae na natutulog at si Sean din na natutulog dun sa kama ni Mae. Si Sean, nakayuko sya. Si Mae naman, nakahawak sa kamay ni Sean.

Ay, buti di sila nilanggam?

"Wag ka nang mangistorbo ng tulog," narinig kong sabi ni Ice na naglalakad papunta sa akin at may dala syang cart.

"Ikaw na bagong nurse dito?" Tanong ko.

"Hinde. Inayos ko lang yung ilaw sa banyo ng infirmary." Sabi nya. "Mamaya nyan, iba naman kakalikutin ko. Napunta akong Technical team uli."

"Bakit?"

"Hindi nyo ramdam ang taranta ng buong Blue Dogs dahil working agent ka, pero yung mga part ng intelligence, controls, technical at machine teams, nagkakagulo na. Gumagawa na kasi kami ng mga gadgets para kung susugod man ang CC, may panlaban tayo," paliwanag nya.

"Eh, di ba hindi ka na part ng Technical team?" Tanong ko.

"Oo nga, pero double time sila, pati ako damay na din."

"Ahh," tumatangong sabi ko.

"Paniguradong pati ang H.F., nagkakagulo na din," sabi nya.


Doon na pumasok sa isip ko si Mikko. Nagkakausap pa naman kami, pero hindi na madalas. Mas madalas magtext sa akin si Jasper kaysa sa kanya, siguro, busy yun.

Pero wala naman sigurong masama kung tatawagan ko sya, di ba? Kakamustahin ko lang naman sya.

Lumabas ko ng infirmary at sumunod kay Ice habang tinatawagan ko si Mikko via video call. Sabi kasi ni Ice, sumunod ako sa kanya dahil may papakita daw sya sa akin.

[Bakit?] Bungad ni Mikko nang saguti nya yung video call. Halatang nasa agency nya sya.

"Nangangamusta," nakangiti kong sabi.

[I'm fine, you?]

"Okay naman," sabi ko, "parang andami mong ginagawa ah?"

[Marami nga,] mahinang sagot nya habang nakatitig sa camera [...Rury,]

"Oh?" Sagot ko habang naglalakad kami papasok ng Laboratory ni Ice.

[Pwede bang--] pero hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang makarinig ako ng pagsabog at pagugong doon sa camera nya. Sa yanig, puro itim na lang ang nakita ko. Malamang nalaglag ang cellphone nya.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now