Mission 9

4.6K 129 6
                                    

[Rury's POV]

Wow, fantastic baby. (Bigbang)

Ngangabels na ngangabels ako habang nakatitig sa halimaw na nasa harap ko. Hindi ako makapaniwala. As in. Ilang beses ko pang pinikit pikit ang mata ko kasi baka may mutang nakabara lang sa mga mata ko kaya akala ko si Mikko yung nakatayo, pero si Mikko pa rin nga ang nakatayo. 

"Blue Dogs." Narinig kong bulong nya tapos binitawan nya yung pagkakahawak sa hoody jacket ko. "Agent ka ng Blue Dogs, hindi ba? Nakita ko yung pin ng Agency na yon sa jacket mo." Sabi nya sa akin sa iritableng bored na tono.

Hindi ako nakasagot nang magsalita sya. Kay Mikko talaga yung boses na yon. Teka nga, paano nya nalaman ang tungkol sa Agency namin?!

May kinuha sya sa loob ng bulsa nya sa didib at pinakita nya sa akin ang I.D. nya. "Mikko Santos, agent ako ng Howling Flames Agency." 

Para akong batang nakakita ng bagong laruan habang nakatitig sa I.D. nya. Punyatera, paki sapak nga ako sa mukha para magising na ako sa katotohanan. HINDI AKO MAKAPANIWALANG SECRET AGENT SI MIKKO THE HALIMAW SANTOS! TOTOO BA TOO?! YANG TATAA! BINABANGUNGOT LANG AKO DI BA?! DI BA?!

Pero mas lalo pa akong naloka nang makita ko ang alias nya. Punyatera, "Agent Red King?!" Hindee! Oh hindeee! More like seriously, HINDEEEEE!!

Dinukot ko ang I.D. ko sa bulsa ko pero hindi pa rin maalis ang mga mata ko sa I.D. nya "R-Rury dela Cruz ng Blue Dogs Agency." Nakangangang sabi ko

Tiningnan lang nya sandali yung I.D. ko tapos tumalikod sa akin at mukhang may kinakausap sa earphone nya.

"Agent Vodka, tama ka nga. May isa pang agent ang nandito sa hotel. Taga Blue Dogs." Sabi nya

Pero ako, tulalang parang si Sisa na nakatingin sa kanya habang may kinakausap sya. Readers, pasapak nga ako sa mukha para magising naman ako. Don't worry, hindi ako gaganti.

"Oo. Nandito kami ngayon. Kokopyahin ko na lang yung laman nung disk, tapos kayo na ang bahala para sa pagtakas." Sabi pa nya.

[Red Queen, may problema ba?] Si Ms. Seri sa kabilang linya na nagpabalik ng ulirat ko. Umiling ako ng mabilis habang nakapikit para gisingin ang sarili ko. Okay. Tama na ang arte mo Rury! Hindi ka binabangungot... kasi mas malala pa ro sa bangungot.

"M-Meron. May naencounter akong isang secret agent dito sa room mismo ng researcher. Mukhang yung C.D. din yung habol nya. Galing sa Howling Flames."

[Rury, magiingat ka. Kahit na hindi natin sya kalaban, alam mong hindi magkasundo ang agency natin at agency nila. Bastat gawin mo na lang ang mission mo ng hindi ka sumasabit.] Ms. Seri.

"Sige."

Napabuntong hininga ako matapos non. Okay! Wala ng atrasan to! Gising Rury, gising! Tanggapin mo na ang katotohanang secret agent din pala ang halimaw na yon at inagawa ka pa nya ng alias! Basta't wag ka lang magpapatalo sa kanya!

"Oy, ikaw." Sabi ko sa kanya.

"Ano?" Tapos nilingon nya ako habang nakababa ang isang kilay nya.

"Sabi mo kanina na... alam nyong may isa pang secret agent na pumasok dito. Paano nyo nalaman?" Ako

"Hacked na yung system ng CCTV, at sigurado kaming investigative agencies lang naman may kaya noon, kaya napagsuspetyahan namin na may agent na dito." 

Plano din pala nilang ihack yung CCTV system.

"Eh paano ka nakapasok dito?" Kunot noo kong tanong.

Code Name: Agent RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon