[Mikko's POV]
"Baliw ka talaga," bulong ko uli sa kanya habang lumilipad kami pataas.
This woman does stupid and crazy things. Paano kapag hindi naging maayos yung mga pinaplano nya? Nakakainis. Parang kung kumilos sya, hindi sya nagiisip sa sarili nyang kalagayan.
"Oo na," sinabayan nya ng tawa.
"Ewan ko sayo," inis ko pang sabi.
[King, nascan ko na yung buong underground tunnel, deretsuhin nyo lang yan, tapos sundin mo na lang yung mga susunod kong instructions para makapunta kayo ng control room.] Si Tristan.
"Roger that," bulong ko.
"Nakakaconnect ka pa sa back ups mo?" Tanong ni Rury.
"Oo."
"Bakit kaya ako nawalan ng connection kila Mae? Baka may problema sa signal nila?" Medyo nagaalala ang boses nya.
"Ako na ang bahala," sabi ko.
Nginitian nya ako, "maasahan ka talaga."
[King... King!] Nagulat ako nang tawagin ako ni Tristan. [May mga papalapit sa inyo! Hindi ko alam kung ano, pero marami. Makakasalubong nyo sa west side ng tunnel.]
Nang mapalingon ako sa bandang west side, nagulat ako nang biglang may lumabas na isang damakmak na itim na robots. Mukhang mga T-Rex ang mga yon, na gawa sa itim na bakal. Nagfullspeed ako habang tumatakas.
"M-Mikko, binubuka nila yung bibig nila!" Narinig kong sabi ni Rury.
Maya-maya pa, nakakita ako ng kung anong kulay orange ang papalapit sa aamin, lumipad ako pataas para maiwasan yon. Apoy?!
"Muntik na!!" Sabi ni Rury.
[King, lumiko ka sa bandang kanan!] si Tristan.
Lumiko kami ni Rury. "Trsitan, paano ko makakaalis sa mga humahabol sa amin?!" Tanong ko.
[Sa control room ang kailangan. Nasa control room yung power ng buong tunnel, pag nakapunta ka don at nahuli mo si Mr. Konohana, tapos na!]
"Sige, papunta na kami."
"Mikko," narinig kong tawag ni Rury, "kung nasa control room yung nagpapatakbo sa kanila, that means nakacamera yung mga mata nila?" Tanong nito.
"Malamang," sabi ko. "Malaki ang posibilidad. Hindi tayo makikita nung nagkokontrol sa kanila kung walang camera sa paligid."
"Mikko, pakitanong naman yung back ups mo kung ano yung mga susunod na daan para makapunta tayo sa control room!"
Napalingon ako, "ano na naman yang binabalak mo?" Sabi ko.
"Basta, dali!!"
"Tristan, ano yung mga susunod na daan para makapunta kaming control room?!"
[Ahh, eto! Within 190 meters, kakaliwa ka, and then, for 60 meters, may passage pababa, pag taas mo, 5 meters, andun na yung pintuan sa room.] Sabi nito,
"Mikko, iauto pilot mo yung jet mo at iset mo sa sinabi nya," si Rury.
"Huh? Bakit?!"
Nakita kong may kinukuha sya sa bulsa nya, "may naisip ako," mukhang maliit na bilog yung hawak nya.
Naalala kong may bomba syang sinabi na dala nya kanina. Rury... dont tell me--

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...