Mission 58

2.4K 77 3
                                        

[Saya's POV]

"Wag po," naalala ko pang umiiyak ako noon habang nagmamakaawa kay Daddy na wag na nya akong pageksperimentuhan. Yun ang mga huling minuto na alam kong ako pa ako.

Walang bakas ng kahit ano sa mukha nya... liban sa kagustuhan nyang ibahin ako... na gawin akong katulad ni Mommy. Takot na takot ako. Halos lahat na ng maaring pagdasalan ay pinagdasalan ko na dahil satakot, pero...


wala ding nangyari.


May itinaklob sya sa ulo ko na kulay itim at matapos noon, wala na akong maalala.


Pero may nararamdaman ako.

Masakit.


Masakit na masakit. Pakiramdam ko, pinipiga ang dibdib ko dahil hindi ako makahinga. Hindi nagtagal... tuluyan na akong namawalan ng malay.


Hanggang... may marinig ako...

ang boses... boses ng isang importanteng tao sa buhay ko.


------

[Mikko's POV]

"Mikko?"

Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita si Saya kabang nakaharap ako sa kanya. Totoo ba to? Bumalik na sya sa ulirat?

"Mikko..." agad kong nakita ang luha nyang dumaloy pababa ng pisngi nya.

"Saya? Ikaw na yan... di ba?" Tanong ko.

"Masaya ako... Mikko.. masaya ako," sabi nya.

"Tumahimik ka nga," sabi ko, "iaalis kita dyan sa makinang yan para makaalis na tayo dito."

"Mikko, hindi na pede.."  bulong nya.

"Saya!!" Nagulat ako nang sumugod si Rury sa aming dalawa. Lumuluha si rury at saka umakap kay Saya. Gulat na gulat naman ang mukha ni Saya nang makita nya si Rury. I doubt that she'll know that she's her friend, Sherwin.

"S-Sino ka?" Tanong nya.

"Mamaya mo na ko tanungin. Kailangan ka muna naming maalis dyan, para sama-sama tayong makaalis." Nagmamadaling sabi ni Rury sabay tingin sa katawan ni Saya.

Napangiti si Saya sa kanya, "kilala na kita."

Natigilan si Rury.

"Kahit na mahaba ang buhok mo at iba ang boses mo... alam kong.. ikaw yan, Sherwin." Nahihirapang sabi ni Saya at saka nya hinawakan ang mukha ni Rury.

I just sat there... watching them. I don't know what to say.

"Kung paano ka gumalaw at kung paano ka magsalita... alam kong ikaw yan, Sherwin."

Nakita kong lumuha si Rury at saka hinawakan ang kamay ni Saya.

"Ililigtas kita, Saya!"

"Sinabi sakin ni Daddy noong makarating ako dito na nagpapanggap lang kayong mga kaibigan ko... pero hindi ako naniwala. Salamat, binalikan nyo ako," tuluyan nang umiyak si Saya.

"Syempre naman!! Kaibigan kita!" Sigaw ni Rury.

"Kaibigan din kita, Sherwin.. o kung ano man ang pangalan mo, pero... hindi nyo na ako magagawan pa ng paraan. This is a goodbye," nakangiti nyang sabi.

Humawak si Rury sa kamay ni Saya habang umiiyak. Nangangatog silang parehas.

I'm sad.. but I don't know, I can't cry like the way the do. I'm an abnormal.

Code Name: Agent RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon