Mission 16

4.1K 112 3
                                        

[Mikko's POV]

Nang matapos na yung pinapanood ko, pinatay ko na yung T.V. at humiga na lang sa kama.

Thanks to that damn Sherwin at 10pm pa ako matutulog. Tsk. He's a damn troublesome. Mas gusto ko pa kung ako na lang mag-isa sa kwarto na to gaya ng date.

Habang nakahiga ako at nakatingin sa kisame, biglang nagring yung phone ko. Kinuha ko yon. Si Tristan (Wine) yung tumatawag. Lumingon muna ako sa paligid bago ko sagutin yung tawag nya.

[Hey,  Red King!] Bati nya sa akin na para bang wala syang problema sa buhay. Like always.

"Oh?"

[Nakakuha na kami ng readings dun sa files na nakuha mo. Sensya na medyo late, ang hirap iextract nung files eh. Hindi kasi sya copied dun sa original disk.]

"Ano lumabas?"

[System ng laro eh.]

"Laro?" Kunot noo kong tanong.

[Yep. Laro. Mukhang about sa fantasy tong laro na to. Hindi kasi namin malaman yung exact plot ng game kasi system lang to. Naghahanap na kami ng paraan para mahanap yung kulang-kulang na parts.]

"Sige."

[Stay put ka lang, Red King! Haha. Sasabihan ka na lang namin kung may balita uli kami.]

"Sige."

[Siguro ganun din plano ng Blue Dogs, dont you think?]

"Don't make me remember about that. Ayoko nang maalala yung nakakairitang OA na babae ng Blue Dogs."

[Hahaha si Red Queen?] Natatawang sabi nya. [Sir Vodka, si Red King naiinis sa reyna nya.] Narinig kong sabi pa ni Tristan sa phone.

"Tristan, damn you. I'll hit your head when I get back." Irita kong sabe.

[Peace!] Natatawa pa nitong sabe. 

[Mikko, ganun lang talaga mga babae.] Singit ni Sir Vodka.

"Wala namang babaeng kasing O.A. nya. Akala ba nya, sya lang ang kinikilabutan sa nangyare? Tsk." Inis kong sabe.

[Ninakawan mo kasi ng first kiss eh.] Sir Vodka.

"Tigilan na nga natin ang paguusap sa kanya. It gives me the shivers."

[Okay. Red King, ititigil na namin ang paguusap tungkol sa reyna mo, di ba Wine?!] Sir Vodka.

"Tsk." Inis kong sabi at saka binabaan ko sila ng phone. 

Humiga ako ng kama ko at nagbuntong hinga. Loko-loko talaga yung mga tao na yon, pinaalala pa sa akin yung pangyayare na yon. Kinakalimutan ko na nga.

That Red Queen, madalas ko syang naririnig sa Agency namin. Sya daw ang pinakamagaling na secret agent ng Blue Dogs, at sya daw yung triumph card nila. Narinig ko na ring marami syang naaccomplish na mission, kaya inaasahan kong matino syang babae, pero nagulat ako nang makita ko sya. NapakaO.A. nya at kung ano-ano naiisip. Nakakadisappoint. 

Napabuntong hininga ako at bumangon sa higaan para magpuntang banyo. Pagbukas ko ng banyo, may naapakan akong malambot na bagay. Napatingin ako sa baba.

Isnt this a feminine pad? Bakit meron nito dito?

Nagtama ang dalawang kilay ko nang pinulot ko yon. Si Sherwin lang naman ang huling gumamit ng banyo, kaya sigurado akong sa kanya to.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now