Mission 28

3.1K 121 3
                                        

[Mikko's POV]

[Red King, hindi natin susundan si Saya, got it?] Sabi ni coach Vodka sa linya.

"Got it." Maikli kong sagot.

[Good. Ngayon pagdating nya dyan, kailangan gawin mo lahat para masabi nya sayo ang nangyare sa kanya. Alam naman nating lahat na... hindi normal ang mga magulang ni Saya kaya dapat nating malaman kung anong pinaplano nila.]

"I got it."

[Sige. Take care Red King. Good night.] Sabi nito at saka binaba ang linya.

Napahiga ako sa kama ko habang hawak ang phone ko. Tsk. Paniguradong pahirapan tong mga susunod na mangyayare. Nararamdaman ko na. Alam ko kasing kahit na close na kami ni Saya, hindi pedeng hindi sya magtatago ng sikreto sa akin, lalo na kung tungkol sa mga magulang nya. At nangyare pa to kung kelan wala si Red Queen. Tsk. Hindi nya ako matutulungan.

I know her. Alam kong kahit na magkaribal ang agency namin, tutulungan nya ako, dahil hindi sya makasariling tao.

Yun ang isa sa mga bagay na hinahangaan ko sa kanya.

-----------
[Rury's POV]

Napaupo ako sa lupa habang akap-akap ko ang kapatid kong si Iza sa gitna ng makapal na usok. Ano na naman ba to?! Paniguradong may mga susunod na mangyayare na hindi ko magugustuhan.

"Ate Rury, I'm scared." Umiiyak na sabi ni Iza habang akap ko sya.

"Ate's here. Don't worry. " Sagot ko.

Lumingon lingon ang mga mata ko sa gitna ng makapal na usok at napansin kong may mga pagbabago sa galaw non. Siguradong may gumagalaw sa paligid namin.

"Dan! Aah!" Narinig kong sigaw ni Mama sa bandang likuran namin.

"Ma!" Sigaw ko.

"Rury! Ang mga kapati--" Hindi na nakatapos pa si Mama dahil may narinig akong may tumakip sa bibig nya.

"Mama!" Iyak ni Iza.

Susugurin ko ba, o hindi? Natatakot akong baka mabuko ang cover ko, pero..pero... baka kung ano na ang nangyare kay Mama! Tama. Wala akong pakelam kung mabuko kung sino man ako, basta't... ililigtas ko ang Mama ko!

Napapalitan ang trabaho ko, pero ang nanay ko, hinde.

Papatayo na sana ako sa pagkakaupo ko nang may pumigil sa akin.

"Wag kang kikilos kung ayaw mong paputukan ko sa ulo ang nanay mo!"

Natigilan ako nang maaninaw ko ang isang malaking lalaki na may hawak sa Mama ko sa harap namin. May nakatutok na baril sa ulo ng Mama ko.

Pilit kong pinipigilan ang galit ko.

Sino ka para tutukan ng baril ang pinakamamahal kong ina?

Sumunod kong nakita sila Tito Dan at Tito Den na hawak din ng dalawang lalake. Si Justine, Dess at Adallia naman, ay hawak ng isang lalake.

That's a total of four idiots I'm going to pound tonight.

"Sumama ka sa amin, at hindi masasaktan ang isa sa kanila." Sabi ng ng tao sa likod ko at tinutukan ako ng baril.

So that's five people in total?

Tumayo ako at sinunod ang sinabi nila. Kinuha nila si Iza at marahas itong pinasok sa van. Ganun din ang mga pinsan, mga tito, Mama ko at sa akin.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now