Gitara - Chapter 5

5K 60 1
                                        

Chapter 5:  (Joshua's POV)


Gising na
buksan ang iyong mga mata gising na
halina at silipin ang pagdilat ng umaga
tahimik at saksakan ng ganda--
2


*yaaawwwwwnnnnnn*

Umaga na.  Kinapa-kapa ko ung kama at pinatay ung kumakantang alarm ng cellphone ko.  Umupo ako at sinipa paalis ung kumot. Ang tahimik talaga ng mundo pag umaga. Sarap umupo lang at makinig sa katahimikan—

"Good Morning!!!"

Ako: WAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!

Nahila kong bigla pabalik ung kumot sa mukha ko... Tumingin ako sa pinto... Nakatayo dun si Janessa.

Sheesh!

Janessa: Ano ka ba?! Parang nakakita ka ng multo ah
Ako: Ah, ibig sabihin tao ka?
Janessa: Ha..ha, funny. Tumayo ka na nga dyan.  Tagal-tagal mong matulog, nagutom tuloy ako. Nagluto na ko ng almusal.
Ako: (tumayo) Aba, feel at home ka ah.
Janessa: Bahket ayaw mo? Iuuwi ko un.
Ako: Neknek mo, grocery ko ginamit mo tapos iuuwi mo?!?
Janessa: Pa-simple ka pa... Gusto mo rin naman.
Ako:  Hoy hinde ah! Lumabas ka na nga! Maliligo pa ko! (ngiti) Oh baka naman, maninilip ka pa ha..
Janessa: Sipain kaya kita dyan?!

Hala, namula oh!  XD

Lumabas na sya, tapos ako naman, kinolekta na ung bath towel ko para maligo.  Nakita ko pa si Janessa na nanonood ng TV nung papunta ako sa banyo. Feel at home talaga.

Ilang minuto lang ako naligo, tapos lumabas na ko kagad para kulitin si Janessa (bait ko noh?).  Kaya lang, paglabas ko, aba, nakaalis na kagad si Meatballs! Ang bilis!  Napansin ko na lang na may nakatakip na pagkain sa mesa.  Syempre, sinilip ko na rin kung anong niluto nya. Bacon and eggs?  Hehe, akala ko naman Pansit Canton lang kayang lutuin nun.  May nakita pa kong note sa may ref:


"Oist, panget! Kumain ka nga... Lalo kang nagmumukhang skeleton eh!^,^ See u sa school later!"


Skeleton!?!? Skeleton?!?! Ehtong gwapo kong toh?!?! Mukhang skeleton?!?! Batukan ko un eh!

Kinuha ko ung note para itapon sa basurahan… Napatigil ako.  Binalik ko sa pagkakadikit sa ref ung note.  Para lang may evidence ako sa dahilan kong asarin sya. Umupo na ko para kumain... Minsan lang ako magkaron ng bacon and eggs for breakfast ha!

Gitara [Official] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon