Gitara - Chapter 38

3.4K 37 1
                                        

Chapter 38: (Janessa’s POV)

Kinabukasan, maagang-maaga, tumayo ako ng kama, tumingin sa cellphone ko, sabay collapse uhlet sa kama -- tulog uhlet! aga pa eh! :D  Joke! Hinde, nung makita ko ung oras, tumayo na ko... Nagshower, syempre, toothbrush, suklay...ung mga seremonyas sa umaga.  Tapos pumunta na ng kusina para magluto ng almusal.  Baka ma-spaced out nanaman si Joshua nang buong araw pag di nakakain ng almusal eh.

Sumilip ako sa labas ng pinto, nandun na ang aming daily newspaper. Kinuha ko na rin, buklat -- entertainment page kagad! nyaha!
 
Ava'y teka...


Nakita ko ung advertisement ng Star City.  Ang tagal-tagal ko na ring di nakakasakay ng ferris wheel! Weeeeehhhh!!!


Napatakbo kagad ako sa kwarto ni Joshua, dahan-dahan sumilip sa loob... Tulog pa si horsey.  Lumapit ako sa kama nya.  Lumuhod ako para matitigan ung mukha nya. Ang cute-cute nyang matulog... Parang di makabasag pinggan.


Pero pag gising naman, basag na lahat ng plato!


Nilapit ko ung mukha ko sa mukha nya.


Ahem.


Ako:  HoRSEEEEYYYYYYYY!!!!!!!!!!

Biglang napatayo si Joshua... As in talon talaga! wahahahaha Pati nga ako nagulat eh.  Di ko naman akalain na tatalon sya nang ganon noh!  Ung mukha pa nya, parang na-panic na nalilito na ehwan...

Syempre, ako naman, tumawa nang tumawa.


Joshua:  Bwiset. (umupo sa kama) Aga-aga, nambubulabog ka... *yawn*
Ako: (ngiti)  Good morning~ :)
Joshua: Good morning ka dyan... Ano bang ginagawa mo dito?!


Tinapat ko sa mukha nya ung advertisement ng Star City.


Ako:  Look mo oh, may discount ang Star City ngayon... Halika!

Joshua: Ano ba?  Ang aga-aga pa eh...
Ako:  Eh, sige na~ Para naman mawala na yang paawa affect sa mukha mo.
Joshua:  Anong paawa effect!?
Ako:  Masyado kang nag-ssulk after Trixie eh.  Kaya, i-ttreat kita sa Star City para di ka na mukhang horsey na natalo sa race, okay?
Joshua:  Anong natalo sa race?!?!  Di ako pangkarera noh!


Hehe... Parang inaamin nya nang horsey sya. :D<br>
Napa-blink si Joshua as if na-realize rin nya ung sinabi nya.  Tinignan nya ko nang masama. ;D

Joshua: Anyway, di ako nagmumukmok!
Ako:  Suureeee~


Tumayo na ko.  I know for sure medyo gising na sya.  Di na yan makakabalik sa tulog nya kahit gustuhin nya pa.  Hinablot ko ung tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto nya, tapos binato ko sa inaantok-antok nya pang mukha.


Ako:  Maligo ka na.  Pag di ka nagmadali, iiwanan kita.
Joshua:  Di ko naman gusto pumunta in the first place.
Ako:  Kaw rin, la kang MATH.
Joshua:  . . . . Ha?
Ako:  (ngiti sa kanya)  Wala kang MATH: Merienda, Agahan, Tanghalian, at Hapunan!

After kong i-declare un, happy-happy akong lumabas nang kwarto para bumalik sa kusina at sa mga daily chores ko.  Narinig ko pa si Joshie na may pahabol na sigaw paglabas ko.


Joshua:  Akala mo ba may pakielam ako dun!?!?  Binagsak ko Math simula nung Calculus noh!

Yup. Gising na sya ngayon. :D

Gitara [Official] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon