Chapter 85: (Janessa’s POV)
Pinark ko ung kotse sa side ng kalsada – sabay dasal na sana poh eh di ako masagi nang kung anong trak o tricycle o kahit anong pasaway na sasakyan. Ni-lock ko ung car, then paganda muna...wahehe... As if naman 5 star-restaurant ung papasukin ko, eh McDo lang naman.
Pagkatapos kong siguraduhin na mukha pa rin akong dyosa, pumasok na ko sa crowded na McDo. Tumingin tingin ako sa paligid. Pano ko ba naman makikita si horsey sa sobrang daming tao dito sa loob? Siksikan lang ang trip? Pumasok pa rin ako at nakipagsiksikan din. Tignan mo nga naman ang mga pinagdadaanan ko mahanap ko lang si–
Horsey?
Tinulak ko ung taong nakaharang sa harap ko – wa care kahit tinignan pa ko ni ate nang masama – at nag-step palapit sa direction na I think si Joshua ung nakaupo. Lumapit pa ko nang konti – at, yay! Si horsey nga!Napatigil ako bigla nang nakita kong may kasama sya. Napataas ang kilay ko nang na-realize kong si Trixie ang kasama nya.
Okay. Syempre, selos ako. Konti. Medyo. Sobra. Ex ba naman nya ung kasama nyang ka-lunch? Pero hanggang dun lang un. Di ba nga sabi ni horsey, ako na ang labz nya? hohoho
Although di yata ibig sabihin nun di nya na labz si Trixie… pero since sinabi nya na sa'kin un, di ba ibig sabihin lamang na ko?
Ayyy naka, intindihin nyo na lang ang aking line of reasoning!
Maglalakad na sana ako papunta sa kanila para maki-tsismis nang biglang...
screeeeeching-nezz to the stop!!!
Woist! Anoh yan?!?
Nag-lean forward si Trixie palapit kay Joshua na nakaupo sa tapat nya. Tapos, hinaplos nya ung pisngi ni Joshie!
Woist! Woist! Anoh yan?!? Ako lang nanananching dito ah!
Napatulala ang beauty ko. Nung nakita kong hinawakan din ni Joshie ung pisngi nya na hinawakan ni Trixie, ahyan na, nag-collapse na ang aking heart! Anong ka-tender-an moment itoh!?
Marami-rami na rin naman akong napanood na mga drama eck-eck sa channel 2, kaya by instict, alam kong ito na ung time to make a melodramtic exit -- complete with the getaway car!Talikod kagad ako at nagmadali lumabas ng McDo. Sakay kagad kotse ko, start ng makina, atras --
BEEPPPP!!!!
Ako: Damn it!
May kotse pala sa likod ko. Atras kaseh ng atras! Eh sa bad trip ako, kaya dinedma ko ung pag-tataratitat nung driver at go pa rin sa paglayas.
All the while eh nagbblink sa mind ko ung picture moment nina Trixie and Joshua.
Bwiset na kabayo yan…
Pa-I lab you-I lab you pa.
_______________________________________________________________________(Joshua's POV)
Ako: San ba?
Trixie: Ehto nga...
Tinuro uhlet ni Trixie ung spot raw ng gravy sa pisngi ko. This time, dinikit nya na ung daliri nya mismo para malaman ko kung nasaan. Hinawakan ko naman ung pisngi ko sabay punas.
May gravy nga.
Trixie: Dami mo kasing maglagay ng gravy eh.
Kinuha ko ung tissue at un ang ginamit kong pamunas. Lumalagkit kaseh ung kamay ko. Napa-ikot kaming bigla sa labas nang may bumusinang kotse. Since nasa likod ko ung busina, si Trixie na lang ang tumingin.
Ako: Anoh un?
Trixie: (nakatitig sa labas) Mukhang nagmadaling kotse…
Natahimik sya sandali habang inubos ko na ung kinakain ko.
Trixie: Josh, what car does Janessa drive?
Ako: Huh? Black na Honda Civic... bahket?
Trixie: Do you remember ung plate number?
Ako: WMA314... Bahket?
Biglang nagligpit si Trixie nung mga kalat sa mesa, then tumingin sa'kin.
Trixie: I think you should go home na.
Ako: Kumakain pa ko eh…
Trixie: You should hurry up...if you still want to catch up with her.
Napatingin ako sa likod then pabalik kay Trixie... Dun lang biglang nag-sink ung sinasabi nya sa utak ko.
Sh*t! Nandito si Nessy?!?
Napatakbo kagad ako palabas (nakalimutan ko nang mag-thank you for lunch). Sumakay kagad ako sa kotse at nagmadali pauwi. Anoh nanaman kaya ang pinag-iisip ni Janessa sa nakita nya? Di ba dapat alam nya nang wala nang namagitan sa’min ni Trixie?
Ngayong araw sya lumabas ng ospital!?? Langya, sa dinami-dami naman ng pwedeng mangyari oh!

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...