Gitara - Chapter 63

3.3K 37 0
                                        

Chapter 63:  (Joshua’s POV)

 

Kinabukasan, kumakain kami ni Janessa nang almusal nang mabanggit nya na aalis raw sya sa Sabado. Kesyo kinuha raw sya nung Ken na un para maging vocalist nung grupo nila para sa mga gig.  Tinext daw sya ni Ken para magkita sa Sabado, papakilala yata sya dun sa ibang nasa banda tsaka magrrehearse na rin ng kanta.

Abah, eh ako naman, na-shock sa buto.  Vocalist? May gig?

Ako:  Eh?  Bakit ikaw? Desperado?
Janessa: Desperado ka dyan.  Talented ako eh, magagawa mo?
Ako:  (kagat sa tinapay)  Talented... Ginayuma mo un noh?
Janessa:  Anong gayuma...  Naubos na ung mga gayuma ko.
Ako:  Wheeeeee?!??!
Janessa: (ngiti sa'kin) Di mo ba alam?  Naubos na lahat syo~
Ako:  ADIK!

Tumawa nang tumawa si Janessa.  Langya, pinag-tripan nanaman ako ng babaeng toh!

Janessa: (tumatawa pa rin) H-horsey... Na-namumula ka!

Tinungga ko ung baso ng tubig sa harap ko.


Ako: Heh! Tigilan mo nga ako!
Janessa:(nginitian ako) Ang cuuutte mo talaga pag namumula ka, horsey.
Ako:  Anong cute?!  Di ako aso noh!

Pumasok pa tuloy si Warren sa utak ko.  Langya, aga-aga, may ulol na aso na kagad na kumakahol sa utak ko.

Ako:  Anoh?  Bakit ka naman pumayag na kumanta dun? Anoh ka, GRO?
Janessa:  Hey, you're being mean.

Napatulala ako nung sumimangot si Janessa.  Langya, nagtayuan nga ung mga balahibo ko eh.  Huminga ako nang malalim.

Ako:  Joke lang un... Baka umiyak ka pa dyan.
Janessa:  Hmp! Meanie-meanie horsey!

WTH?! Bakit ba parang isip bata toh ngayon?

Ako:  Sige na, sorry na . Bakit ka nga pumayag na maging vocalist nung mga un? Eh halos kakakilala mo pa lang kay Ken ah...
Janessa:  Because... (inom ng tubig) I need the money.
Ako:  Eh?

Kailan nawalan ng pera tohng babaeng toh?

Ako:  Nanakawan ka ba?
Janessa:  Hindi, bakit?

End na ng world!  Walang pera si Nessy!  Si NESSY!!

Janessa:  Anoh ba?!? (kinatok ung ulo ko) Gising na ba yang utak mo?  Helloooo!!!  Horsey!!!!
Ako:  Anoh ba!?!
Janessa: (ngumiti) Kaseh naman because... Sa dami ng sinasabi ko eh wala yatang pumapasok sa brain mo eh.  Anyway, maghugas ka na ng pinggan ha... Maliligo na ko.

At pagkasabi nun, eh umalis na nga sya... Haaaayyyy... Naiwan nanaman ako sa paghuhugas ng pinggan...
Haaaaayyyy...  I hate chores.


+++++++++++++++++++++++++++++++


"Nessssy!!!! Anoh ba?!?!  Bilisan mo nga!!!"

Umagang-umaga nang Sabado, at nagkakagulo na sa apartment namen. Langya, tagal kase ni Janessa magbihis eh!  Kinatok ko uhlet ung pinto nya.  May narinig akong sumigaw sa loob.  So, siguro almost ready na sya.  Kinuha ko ung susi ng kotse.  Maya-maya, biglang lumabas si Janessa...

Janessa: (sinasarado ung bag nya)  Sino ba naman kasing may sabi syong sumabay ka sa'kin!??

Napatitig ako kay Janessa... As in ung titig talaga na parang tumigil ang buong mundo...

Janessa: (tumingin sa'kin) Oh ano?

Bwiset!  Kailangan bang maging ganyan kaganda eh mag-ppraktis lang naman sila!

Di naman sa parang sinasadya nyang magpaganda.  Simple lang naman ung damit nya eh...Simpleng jeans, simpleng blouse, simpleng accessories, simpleng sandals… Ung buhok nya, ung ayos nung una kaming magkita:  ung meatballs! haha Ung parang buhok ni Chun Li sa Street Fighter... May dalawag donut sa side ng ulo.  hehe Halos wala rin naman syang make-up... O kung meron man eh di halata dahil ganyan din ung itsura nya kaninang kumakain kami ng almusal at bagong gising sya... Medyo mukhang may kulay lang ung pisngi nya.

Simple nga lang... Pero langya!  Parang ang ganda-ganda nya na!

Janessa:  Huy, horsey! Na-stroke ka na dyan! (kaway ng kamay sa harap ko)

Napa-blink ako... Gising, Joshua! Kung ano-ano nnaman iniisip mo..

Ako:  Bakit ganyan nanaman yang buhok mo?  Wala bang ponytail o ibang ayos sa bundok nyo?
Janessa:  Huh? Ilang beses ko nang inayos na ganito buhok ko, ngayon mo lang naisipang magreklamo?

*batok sa sarili*  Oo nga naman!

Hinaltak ko na sya palabas.

Ako:  Halika na nga!  Dala mo ba susi mo?
Janessa:  Opo... Teka, san ka ba pupunta?
Ako:  Kina Paolo
Janessa:  Eh bahket?
Ako:(ni-lock ung pinto)  May ibabalik lang ako
Janessa:  Ano?

Dami namang tanong nito...

Ako:  Ung baril
Janessa: Baril??
Ako:  Oo.. Baril...
Janessa:  Ung nag-bbang-bang?
Ako:  Oo nga.
Janessa:  Oooooohhh.. can I see it?
Ako:  Hell no!
Janessa:  Eh bahkeeettt?!??
Ako:  Because I said so.

Kinukulit ako nung meatball-head na un hanggang sa kotse.  Langya, ayaw tumigil, gusto ko na ngang plasteran ung bunganga eh.

Ako:  JANESSA!!!
Janessa:  Yes?
Ako:  Manahimik ka na nga!
Janessa:  Hmp! Sungit! Patingin lang eh...
Ako:  Give up, parang namang papakitaan kita ng baril!
Janessa:  Why not?  Dami nyan sa TV noh... Sige na! Bago mo man lang ibalik!
Ako:  Heh!
Janessa:  Hmp...*pouts*

Ang kulit ng lahi nito!  Sige lang.  Sumimangot lang sya dyan, di ko pa rin ipapakita sa  kanya.

Ngumiti ako sa sarili ko.  Ibabalik ko na ung baril.  Isang step forward para makalabas dun sa gang na un...and then, I'm free! yoohooo!!!


Pati si Janessa magiging masaya nito.

Gitara [Official] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon