Gitara - Chapter 83

2.5K 31 2
                                        

Chapter 83: (Janessa’s POV)

 

After isa't kalahating araw pa, pinayagan na rin ako sa wakas ng mga doctor na ma-discharge.  Ang nasa tabi ko at ang mga may alam lang ung parents ko at si Kristine.  Gusto ko i-surprise si Joshie pagdating ko sa apartment.  Ung tipong biglang bukas ng pinto sabay sigaw ng, “Honey!  I’m home!” hohoho

Tinutulungan ako ni Kristine iimpake ang konting gamit ko na naipon sa hospital room.  Hanggang ngayon, hindi nya pa rin sinasabi kung anong klaseng help ang gagawin nya.  Abah!  Emergency crisis na itoh!  Maya-maya lang, dadating na sina mommy, at pano kung i-diretso ako sa airport?

Ako:  Tin, anoh na?  Ok na ba ang lahat?

Zinip nya ung isa kong bag, tapos ngumiti sa’kin.


Kristine:  Relax.  Don't worry, be happy.

Anong relax?!  Relax?!?  Mukha ba kong makaka-relax ng ganito.  Bago pa man ako makahirit, bumukas ung pinto ng kwarto and pumasok sina mom.  Tinignan nya ung bag na hawak namin.

Mom:  Oh ano, Nessy, ready ka na ba?

Napatingin akong bigla kay Kristine... Akala ko ba ok na?  Pwede mag-relax!?

Kristine:  Uh, tita, ayaw poh sumama ni Nessy.

Wha-!?  Anong--?!? Help na ba yan?!  Ngayon lang sya aaksyon?!  Nanlaki talaga ung mata ko.  Oo, inaamin ko, may pagka-coward ako at natatakot ako sa kung panong gyera ba ang dapat kong harapin kina mommy.

Mom:  Nessy, pinag-usapan na natin toh di ba?  You're coming.
Ako:  I know, mom, pero… Ayoko talaga.

Tinignan ko nang masama si Kristine.  Anong klaseng help ba toh, eh tinapon nya lang ako sa pating (no offense syempre, mommy.  Ang ganda mo para maging pating).

Mom:  Janessa!

Biglang nag-step forward si dad galling sa likod ni mommy.  Muntik ko nang makalimutan na nandun nga rin pala sya.  Si mommy naman kasi.  Humarang kagad sa pinto.  Tinignan ako ng diretso ni dad.  Di naman ako makaiwas ng tingin.

Dad:  Are you sure ayaw mong sumama?

Napalipad ung tingin ni mommy kay dad nung narinig nya un.  Kahit naman ako, nagulantang.  Is there hope~?


Mom:  Dad!
Ako:  Ayoko po talaga. I mean, syempre, susunod din naman ako…. Eventually…. Siguro…. Pero.. Di muna ngayon.
Dad:  Is it because of Joshua?

Dun dun dun dunnn!

Ahyan na ang question na di ko malaman kung ano ang tamang sagot.  Napatingin ulit ako nang masama kay Kristine.  Nginitian lang ako nung bruha.  Josko, kakalabas ko lang ospital, ganito na kagad na stress ang bumabalandra sa’kin.

Huminga ako nang malalim.


Ako:  Parang ganon na nga po.
Dad:  Do you like him that much?

Naramdaman kong namula ung mukha ko.

Ako:  Opo.
Dad:  Ok, then.  Sige, mauna na kami.

Eh?  Anoh?  Ganon lang un?

Mukhang pati si mommy nawindang sa mga nangyayari.


Mom:  Dad!  Anong--?!
Dad:   Kung ayaw nyang sumama, hayaan mo sya. She's already 18. She knows what she wants. (tumingin sya sa'kin) Pero once na may mangyari uhlet syo, kahit ikulong ka pa ni Joshua sa apartment o itali mo sarili mo sa poste, you're going back to Chicago, ok?

*sniff* I WAB U DADDY!!!

Ako:  Thank you, dad.
Dad:  Sya, una na kami.  Kristine, bumaba ka kagad.  Hintayin ka namin sa tapat.

Nagmukmok lang sandali si Mommy tapos niyakap nya ko.  May pahabol pang sermon na alagaan ko raw sarili ko.  Wag raw ako sugod ng sugod.  Tapos lumabas na sya ng kwarto.  Tampo mode lang.

Pagkatapos ni mommy, si dad naman ang yumakap sa’kin.

Dad:  Pag binigyan nyo na ko ni Josh ng apo na lalake, gusto ko kapangalan ko, ok?
Ako:  DAD!!! O.O

Tumawa lang si daddy.  Niyakap uhlet ako nang mahigpit tapos nagpaalam na rin.  Natulala lang ako sandali sa nakasaradong pinto.

Kristine:  See?  Sabi ko syo, ako bahala syo eh.
Ako:  What did you do?

Kristine:  Abah, nag-heart to heart kami ni tito ha.  Ako ang naging abogado mo ever.

Ako:  Thank you, Tin.

Niyakap ko na rin sya, tapos binigay nya na sa'kin ung susi ng kotse ko.  Pinagtulungan namin ibaba ung mga bag ko.  Pinakita sa’kin ni Kristine kung san nya pinark ung kotse ko.  Pagkatapos namin i-salpak sa trunk ung bags, humarap na rin sa’kin si Kristine at nagbigay ng super hug.  Nung binitawan nya ko, mukhang naluluha pa ako loka.

Kristine:  Alis na kami ha.  Baka naghihintay na ung horsey mo sa apartment nyo. Malamang eh nagmumukmok na un since pinagbawalan mo syang pumunta dito today.  Tapos ninakaw ko pa ung kotse mo.  Kala nya siguro ibebenta ko na since kidnappin ka nanaman namin pabalik ng Chicago.

Tumawa lang ako.  Tumigil sa likod ng kotse ko ung rental car ni dad – di na yata nakapaghintay sa harap para kay Kristine.  Nagpaalam na ulit ako – and ilang ulit na sinabing ok na ko – then pinanood ko na silang umalis.  Medyo sad, pero at the same time, excited ako kasi naiwan ako~ Woohoo!

__________________________________________________________________

(Joshua's POV)


Haaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy….

Nilipat ko ung TV sa Myx.

"Tol, bored na bored na ko... Puntahan na naten si Nessy.”

Kanina pang umaga kami ni Ralph na parang timang na nakatambay dito sa apartment.  Usually, masaya naman makatambay ang kahit sino sa mga kabarkada ko – kulitan, asaran, usapang lalake.  Pero ngayon, ehwan ko ba, panay lang ang tingin ko sa orasan at sa cellphone.  Gusto ko lang makausap at makita si Nessy.  Mukhang ganon din ang trip ni Rap.  Tumingin ako sa kanya habang kumakain sya ng fishball dun sa sahig.

Ako:  Di nga pwede.
Ralph:  Bakit ba kaseh?
Ako:  Sabi nga nya, wag muna raw sya bisitahin.
Ralph:  Ano bang ginawa mo?  Inaway mo si Nessy noh! (tinuro sa'kin ung stick nung fishball) Ikaw!  Nasa ospital na nga si Nessy, inaaway mo pa!
Ako:  Tigilan mo nga ako, wala akong ginawa noh!

ding dong!

Sino naman kaya toh?

Tinignan ko si Ralph.

Ralph:  Anoh?  Tingin-tingin ka dyan?  Apartment ko ba toh?
Ako: Letche.

Tumayo ako para buksan ung pinto.  Kung sina Mark toh, sige lang, magsama-sama kaming mabato ditto.   Nung nabuksan ko na ung pinto, imagine nyo na lang ung gulat ko nung makita ko kung sinong nakatayo sa labas.

Ako:  Trixie?  Anong ginagawa mo dito?

Gumapang pasilip si Ralph galing dun sa living room.  Muntik pa yata syang mabilaukan nung nakita nya ung bisita

Ralph:  Trixie?!?

Pumasok sa loob si Trix, then ngumiti kay Ralph.

Trixie:  Hi, Ralph. (tumingin sa'kin) Aalis na ung flight ko in just a few hours kaya naisipan kong dumaan na lang muna and magpaalam.
Ako:  Ahhhhh... Okay…?

Tumingin-tingin sya sa paligid.  Nagkatinginan kami ni Ralph, pareho kaming nag-iisip kung dapat ba naming sya paalisin, ok lang ba nandito sya?... Anoh ba dapat?

Trixie:  Kumain na ba kayo?
Ako:  Inubos na ni Ralph lahat ng pagkain eh.
Ralph:  Anong ako?!  Sabi mo mag-feel at home ako eh!
Trixie:  (natawa) Kung gusto mo, McDo muna tayo before I leave for the airport.  Libre kita.

Ang bilis napatayo ni Ralph at tumakbo papunta sa’min.

Ralph:   Si Josh, di pwede.  Pero ako, free. :D

Tinulak ko syang patabi.  Nakarinig lang ng pagkain, na-excite kagad.


Ako:   Anoh ba?  Balikan mo na nga ung fishball mo dun.
Ralph:  But… May McChicken daw eh...
Trixie:  He can come if he wants to.
Ako:  Di na!  Bantay yan dito!

Tsaka para maalala kong umuwi kagad.  Baka biglang bumalik si Kristine at magtaka kung nasaan ako.  Josko, gyera nanaman aabutin ko pag nalaman nya na kasama ko si Trixie.  Isa pa, kung iiwanan ko dito si Ralph, magmamadali talaga akong umuwi.  Baka maubos pa lahat ng pagkain sa ref eh.

Hinila ko na palabas si Trixie, sabay sigaw kay Ralph.

Ako: Wag kang aalis ha!
Ralph:  Ang sama mo!  Kung nandito si Nessy, sinama nya na ko!
Ako:  Heh!

Sumakay kami ni Trixie sa kotse ko then nag-drive na papunta sa McDo.

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now