Gitara - Chapter 65

3.3K 37 0
                                        

Chapter 65: (Joshua’s POV)

 

One week after nung rehearsal nina Janessa, ehto na ung "debut" nya – and “moment to shine”, sabi nya nga.  Nako, syam-syam ang inabot ko bago ko pa napasok sa kotse ung babaeng un! Langya, di mapakali eh!  Silip ng silip sa salamin tapos tanong ng tanong kung ok lang ba raw itsura nya -- eh ang ganda nya naman kahit anong suot nya --- whe!  ano ba tohng sinasabi ko?

Kaya para matahimik sya eh hinalikan ko nga!  Naka naman! Joke lang...hahahaha  Nung almost 6:25pm na at takbo pa rin sya nang takbo, eh ang ginawa ko, tinapon ko sya sa balikat ko, binuhat hanggang sa labas ng apartment, ni-lock ung pinto, tapos eh binaba sa kotse...oh, eh di natahimik! Hahaha  Nakarating pa kami on time dun sa bar.

Janessa:(bulong sa'kin habang papasok kame) Kinakabahan ako...
Ako:  Eh?  Bahket?
Janessa:  Anong bahket?  Eh ang dami-daming tao...Tsaka first time kong kumanta para sa pera noh.
Ako:  First time mo bang kumanta sa harap ng maraming tao?
Janessa:  Hindi.
Ako:  Tsaka di ba ikaw ung "music" snyo nung kakambal mo?

Medyo nag-tense ung shoulders ni Janessa.

Nice going, Joshua... Sa dinami-dami ng encouraging words, kailangan mo pang banggitin ung kakambal nya...  Shtupid! Shtupid! Shtupid ka talaga!

"Yo, Shtupid!"

What the--?!

Napaikot kami bigla ni Janessa at lo and behold, may naglalakad na aso! Lumapit sa'min ung aso, nakangiti kagad kay Janessa – aba!  At may pahawak-hawak pa ng kamay na nalalaman!

Warren:  Nessy, I heard na kakanta ka dito ngayong gabi kaya ehto ako para suportahan ka.
Janessa:  Uh...hehe  Thanks.
Ako:  Huy!

Gumitna ako sa kanilang dalawa.  Ang tagal, pahawak-hawak pa ng kamay eh!

Ako:  Wag mo ngang hawakan ung kamay ni Nessy!  Baka mahawahan mo pa sya ng galis!
Warren: Hoy butiki!  Wag ka ngang umeksena dito at hindi naman yang kamay mo hinahawakan ko!
Ako:  Eh loko ka pala--
Janessa:  Okayyyyyy. (gumitna sa'ming dalawa) Tama na yan at baka ganda-ganda ng gabi eh may lumipad pa na aso at butiki palabas ng pinto.

Nanahimik kaming dalawa ni Warren. Biglang sumulpot si Ken sa likod ni Janessa.  Tumingin sya sa'ming dalawa tapos napangiti nung napansin nyang pareho nanaman kami nung aso na nakasimangot.

Ken:  Mukhang nagkita nanaman kayo ah..  (kay Nessy) Janessa, ready ka na?
Janessa:  Yup.  (tumingin sa'kin) Wait for me, Joshie, okay?  Behave.

Lumakad palayo si Janessa para mag-ready na. Nagkatinginan kami bigla nung aso.  Pwe!  Lumakad na rin ako papasok nung bar para maghanap ng upuan.  Mahirap na.  Baka may tumalon pa sa'king garapata.

Kakapasok na kakapasok ko pa lang, napatigil na kong bigla sa nakita ko.

Sh*t!  Anong---?!?

Sa kung anong malas, mukhang nakita rin nila ako...

"Joshua!"

Di ko pinansin kahit na tinawag nila ako.  Umupo ako dun sa counter sabay order ng beer.  Kailangan un para mapa-kalma dugo ko.  Anong ginagawa nina Paolo dito? Di kaya... Si Nessy...?

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now