Gitara - Chapter 79

2.9K 45 8
                                        

Chapter 79: (Joshua’s POV)

 

Pagkanood ko nun... Di ko alam... Natulala ako na parang ehwan -- malamang eh pagtatawanan nanaman ako ni Janessa kung sakaling makita nya mukha ko.  Halos tatlong beses ko yatang pinagpaulit-ulit ung part na un ng video.  Nung na-realize kong nagmumukha na yata akong timang na kinikilig sa isang video, pinatay ko na ung TV at dumiretso sa banyo para maligo.  Time na bumalik sa ospital.

Nagpark ako sa bandang likod ng building.  Ang dami rin pala pumupunta sa hospital.  Hirap maghanap ng parking ha!  Papasok na sana ako nang biglang may humaltak sa damit ko at tinapon ako sa may sidewalk.

Aray!

Napagasgas ung kamay ko dun pavement.  Tumayo kagad ako para sipain kung sino man un, pero naunahan ako – ako pa ang nasuntok kagad.

"ANONG GINAGAWA MO?!?!"

Pinunasan ko ung labi ko nung maramdaman kong parang may tumutulo.  Anak ng!  Langya, sinoh ba toh para paduguin ung labi ko?!

Tumingala ako at susugurin na sana kung sino man sya, pero napatigil ako nung nakita ko si Warren na nanggigil sa galet.  Tumayo ako at pinagpag ung pantalon ko.

Ako:   Aso ka talaga... Anong ginagawa mo dito?
Warren:  Loko ka... Anong ginawa mo kay Janessa?!

Napatingin ako sa kanya.  Wala akong ginawa.  Ahyun nga ung problema dun di ba?   Di na ko nagsalita at umikot na lang para pumasok na sa ospital.  Syempre, pinigilan naman kagad ako nung aso.  Tapang lang, talagang hinila ung balikat ko pabalik.

Warren:  Hoy!   Anoh?!
Ako:  Makinig ka... Di kita papatulan ngayon dahil alam kong nag-aalala ka lang kay Nessy.

 

Inalis ko ung kamay nya sa balikat ko.

 

WarrenPero ehto lang sasabihin ko syo. Di ko na hahayaang may mangyari pa uhlet kay Janessa.

Tinignan ako ni Warren nang matagal.  Kala ko nga matutunaw na ko bago pa ko makaabot sa kwarto ni Janessa eh.  Katunaw ang tingin, men!  Pero after a while, tumalikod na rin sya...

Warren:  Siguraduhin mo lang yan, Joshua. Dahil kung hinde, hahabulin kita at ikaw naman ang ipapasok ko sa ER.

Paalis na sana sya nang bigla kong hinawakan ung balikat nya.

Ako:  Aso...
Warren:   Anoh?
Ako:  Tinawag mo kong "Joshua"...  Lumalambot na puso mo sa'kin? :D
Warren:  Anoh!??!

Ang bilis nyang tinabig ung kamay ko.

 

Warren:  Butiki ka!  Wag ka ngang mangarap!

Pagkasabi nya nun, umalis na sya.  Bumubulong-bulong pa.  Kinukulam na yata ako. :P

Umikot na ko at tumuloy na sa ospital.  Dire-diretso sa elevator hanggang sa ma-reach ko ung 2nd floor. Lakad kagad ako papunta sa kwarto ni Janessa.

Pagpasok ko, ung mom nya lang nandun.

Ako:  Uh...hello poh.

Nag-hello rin ung mom nya tapos nag-signal na pumasok raw ako.  Pumasok ako sa loob tapos tinignan si Janessa.  Ganon pa rin itsura nya... Gumising na kaya sya habang wala ako?  Hinanap nya kaya ako?

Mom ni Nessy:  (ngiti) She's doing fine.  Pero di pa rin sya gumigising...
Ako:  Ahhh..

Ang galing, sinagot ung tinatanong ko kahit di pa ko nagsasalita.  Tumingin ako sa paligid... Nasan kaya sina Kristine?

Mom:  Kung hinahanap mo sina Tin, pumunta sa canteen para kumain.  Ung dad naman ni Nessy, pumunta sa apartelle para magpahinga.

Ehhh... Anoh ba toh?!  Mind-reader?!?
Dahan-dahan akong umupo dun sa couch sa isang sulok ng room.

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now