Gitara - Chapter 60

3.2K 46 6
                                        

Chapter 60: (Joshua’s POV)

 

Halos 6:00 na ng gabi.  Saang lupalop nanaman kaya nakarating tohng si Janessa?  Sabi nya di raw sya papagabi ah.

ding! dong!

Napatayo akong bigla sa pagkakaupo ko sa couch, at tumakbo papunta sa pintuan. Haayy, sa wakas, umuwi na rin tohng si Nessy.

Ako: (bukas ng pinto) Ang ta--

Whoa!

Napataas ang kilay ko nung nakita ko kung sinong mga kasama ni Janessa.  Si Ken at ung aso!

Janessa: Uh, hello, Joshie.  Look kung sinong mga nakasalubong ko sa mall…
Ako: (tingin kay Warren) Kailan pa nila hinayaang pumasok sa mall ang aso?
Warren:  At kailan pa natutong magbukas ng pinto ang butiking katulad mo?
Ako: Gusto mong masipa palabas?

Gumitna si Janessa sa’min.

Janessa:  Okaaaaaaaaayyyy... Tama na yan... (tumingin sya kina Warren at Ken) Gusto nyong pumasok?
Ken:  Di na. Baka naghihintay na ng tawag ko si Nica eh.

Ahhh... oo nga pala... May girlfriend nga pala tohng Ken na toh...

Tumingin ako dun sa aso. Send ng mental message.

Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na..

Warren:  Next time na lang din, hinihintay na ko ng parents ko eh.

Message sent! bwahahahahaha

Janessa:  Oh... okay. Thanks sa paghatid sakin.  Ingat kayong dalawa.

Nag-bye na si Ken at ung aso. Sinarado ni Janessa ung pinto. Bumalik ako sa living room, pero syempre, di ko papatakasin tohng si Janessa noh.  Hinintay ko hanggang pumasok rin sya ng living room.

Ako:  Akala ko ba di ka gagabihin?
Janessa:  Hmm?  Di naman ah.
Ako:  Ano ka? Dilim na sa labas oh!
Janessa:  But it's not even 6:00 yet. Technically, di pa gabi, madilim lang. So technically, I did go home bago maggabi.
Ako:  Heh, tama na nga yang excuses mo... Techinically, technically...baka gusto mo magkaron ng technical problems... Kasama mo pa ung aso na un!

Umupo si Janessa sa tabi ko sabay titig sa’kin.

Janessa:  Horsey, are you still jealous of him?
Ako:  A-anong jealous?!?  Di ako nagseselos noh!  Bahket naman!?
Janessa:  Oh, really?  So di ka pala nagseselos ha...

*gulp*Pinagpapawisan yata ako....

Ako:  Di naman un ung point eh!

Pano ba ko makakalabas dito?

Ako:  Inaaway mo nanaman ako!

Whe?  Yan lang way mo para makalabas? Joshua naman...

Janessa:  Anong away ka dyan?  You started it.  (tumayo) Sasabihin mo lang nagseselos ka, pahirapan pa... Geez, horsey..
Ako:  Tigilan mo na nga ako!

Tumawa si Janessa tapos pumasok sa kwarto nya para siguro mag-shower at magbihis... Lam na lam ko na habit nun noh?

Selos daw... Suz! Ako?  Magseselos?  Dun pa sa asong un?!  Di na noh!



Pasaway lang kaseh ung asong un, dikit ng dikit kay Nessy! Gawin ko syang asosena eh!





Anoh?!  Di ako nagseselos noh!  High blood lang ako sa aso! Sumulpot nanaman.

…teka.  Parang natakasan yata ako ni Janessa ah!

Gitara [Official] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon