Chapter 75: (Joshua’s POV)
BANG!
Parang biglang tumigil ang oras. Di ko alam kung anong nangyari... Bastah naramdaman ko na lang ung fingertips ni Janessa na dumali sa braso ko. Tapos nakita ko syang bumabagsak. Syempre, ang reflex ko, umikot at saluhin sya.Nung nakita nya ko, ngumiti kagad sya.
Janessa: Horsey... Okay...ka lang...ba?
Ako: I’m okay. Oh my god, Janessa…
Janessa: Good... I'm glad..
Nagblangko ang utak ko. Ang nararamdaman ko na lang ung puso kong sobrang bilis ng tibok. Tulong. Kailangan ko ng tulong. Tumingin ako sa paligid. Napatulala lang sa'min sandali sina Victor tapos hinaltak na sya nung mga kasama nya paalis. Nagtakbuhan sila palayo.
Mga duwag!Naramdaman kong hinila ni Janessa ung sleeve ng t-shirt ko.
Janessa: Joshie…
Bumalik ung atensyon ko sa kanya.
Ako: Just..hang in there, Nessy. Sandali lang…
Tumingin sya dun sa waist nya sa kanan. Nanlaki ung mata ko. Parang gusto kong humagulhol nang iyak.
Janessa: Horsey... Can you bring me to the hospital? Namamantsahan ung damit ko eh... Penshoppe pa naman toh...
Napatango na lang ako. Binuhat ko si Janessa at patakbong bumalik sa apartment. Pinasok ko kagad sya sa loob ng kotse na naka-park lang dun sa kalsada. Pagkababa ko sa kanya sa upuan, nag-wince sya.
Ako: Sh*t... Masakit ba?
Janessa: Eh...ikaw kaya.... barilin ko dyan...at...
Napatingin ako bigla sa mukha nya.
Ako: Nessy... Nessy? Janessa?!
beep! beep!
May palapit na kotse at biglang nagpreno sa tabi ko. Lumabas bigla si Paolo at tumakbo sa’kin.
Paolo: Sh*t! Anong nangyari?!?!
Ako: Mamaya ko na sasabihin... We have to take her to the hospital!Binuhat ko ulit si Janessa at sa kotse na lang ni Paolo sinakay. Bumalik si Paolo sa driver’s seat at humarurot sa pagtakbo. Di ko na bibilangin kung ilang kotse at jeep ang muntik na namin mabangga. Wala pa ring malay si Janessa. Pagdating namin sa hospital, di pa man tuluyan nakakatigil ung sasakyan, binuhat ko na ulit si Janessa at sinugod sa Emergency Room.
Ako: (sigaw sa paligid) Doktor! Nurse! Kahit ano!
Unang pagtingin sa'min, may tumakbo na kagad na doktor. At ang bilis ng pangyayari, bastah kinuha nila si Janessa sa braso ko, nilagay sa stretcher. Napaligiran kagad sya ng mga nurse.
Pinasok nila si Janessa sa operating room. Naiwan kami ni Paolo sa labas.Napakindat na lang ako nang nagpipitik-pitik si Paolo sa harap ng mukha ko.
Ako: Ano ba?!
Paolo: Ok ka lang ba?
Ako: (sigaw) ANONG OK?!?!?! DI MO PA BA NAKIKITA?!?! NASA OPERATING ROOM SI JANESSA!!!
Napa-stepback si Paolo. Nagulat yata sa biglang sigaw ko.
Bakit ba sa kanya ko binubuhos toh?Huminga ako ng malalim tapos naupo dun sa upuan sa waiting room.
Ako: Sorry.
Paolo: Ok lang.
Umikot sya para umalis.
Paolo: Ako na tatawag sa mga kaibigan ni Janessa. Kung gusto mo, pati na rin sa mga magulang nya.
Ako: Salamat
Inabot ko sa kanya ung cp ko -- nandun lahat nung number eh. Narinig ko na lang na naglalakad na sya palayo. Nag-collapse ako dun sa upuan at inuntog-untog ung ulo ko sa dingding.
“Horsey... Ok...ka lang...ba?”
“Good... I'm glad...”
Sheesh...Pano nya pa naisip na tanungin ako kung ok lang ako...eh sya na nga tohng tinamaan?
Sheeshhh...
Napatingin ako dun sa pintuan ng emergency room...
Nessy...
________________________________________________
Lumipas ang...teka... di ko alam kung ilang oras na. Matagal-tagal na rin siguro. Madilim na sa labas eh. Nagdatingan na rin sina Arianne, tapos si Jodi at Richie, na nasa probinsya, luluwas na rin daw kagad.
Arianne: Josh... Pupunta kami sa canteen... May gusto ka bang kainin?
Ako: Hindi na... Sige...
Nagtinginan sila ni Paolo tapos naglakad na paalis.Hay! Bakit ba ang tagal nila sa loob?!
As if on cue, may lumabas na doctor sa emergency room. Tiningnan nya ko tapos lumapit. Tumayo kagad ako.
Doctor: Kaw ba ung nagdala dun sa babaeng nabaril?
Ako: Opo... Ok lang ba sya?
Doctor: Well, she's lucky. Wala namang tinamaan na vital organs... She should be awake by noon tomorrow. (hinawakan ako sa balikat) You should stop worrying. Ililipat na namin sya sa Room 317. Go get yourself something to eat.
Ako: S-salamat poh...
Lumabas yata lahat ng hininga ko dun. She’s okay. She’s okay daw. She’s okay.Napaupo ulit ako at kinusot ung mata ko. Di ko alam kung bakit parang naiiyak ako.

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...