Gitara - Chapter 56

2.9K 30 0
                                        

Chapter 56: (Joshua’s POV)

 

Wahahahaha... Wahahahaha...Wahahaha... Tapos na homework ko!

Sinarado ko ung libro ko, kinolekta ung mga papeles ko, at tinambak silang lahat pabalik sa bag ko. Iba talaga ang feeling pag nakatapos ng isang bundok ng homework.  Tumayo ako sa upuan, stretch, sabay tingin sa relo--

Whoa! 7:30 na?!?

Napasarap yata ako masyado dun sa homework na di ko namalayan na bumalik na si Janessa ah.  Pumunta ako sa kusina para tingnan kung tapos na magluto si meatballs...

Teka...  Nakalabas na ung manok, pati ung kawali... Nasan ung magluluto?

Tumingin uhlet ako sa orasan.  Halos mag-iisang oras nang wala si Janessa.  Sang kanto ba ung sinasabi nyang 'dyan lang' na tindahan?

Bumalik ako sa living room, binuksan ung TV.

Hmp! Kala nya ba hahanapin ko sya? Ha! Pagkatapos nya kong awayin?!

Nanood ako ng TV… Enjoy~ Enjoy~

Tingin uhlet ako sa relo. 5 minutes pa lang ang lumilipas.

Langya! Nasan ba si Nessy?!?

Pinatay ko ung TV, kinuha ung susi ng apartment, tapos patakbong lumabas.  So much para sa di hahanapin noh?

Tumakbo ako dun sa tindahan sa may kanto na sabi ni Nessy na bibilihan nya -- well, ahyon sa pagkakaintindi ko eh dun sya bibili.

Ako: (dun sa nagbabantay) Gary...

Suki na ko dito kaya kilala na ko nung bantay – at halos ka-edad ko lang si Gary kaya minsan, tumatambay kami sa kung saan.

Gary:  Oh, Joshua... Bakit ganyan itsura mo?
Ako:  Bakit?
Gary:  Mukha kang patay~ :D
Ako:  Heh! Teka nga, dumaan ba dito si Janessa?
Gary:  Janessa? Ung maganda mong roommate na sobrang galing kumanta?

Magandang description yan..

Ako: Oo.
Gary: (umiling) Hinde, bakit?
Ako:  Sh*t.

Tinalikuran kong bigla si Gary na tinatawag pa ko.  Deadma lang.  Tumakbo ako dun sa kanto bago ung tindahan.  Kung di dumaan si Nessy dun sa tindahan, ibig sabihin di sya nakaabot dun sa kantong un.

Nasan na kaya un?!?

Nag-papanic na ko – kahit pwede naman na sa ibang tindahan lang talaga sya pumunta… Pero pwede rin na may kung anong nangyari sa kanya, di ba?  Di ko lam kung san hahanapin si Janessa... Di ko lam kung anong nangyari!  Bwiset!  Sabi na kaseng magkotse eh!

Mabilis akong naglakad dun sa street na hula ko eh pinuntahan ni Nessy.  Eyes wide open para sa kahit anong makita ko na magbibigay ng clue na dumaan dun si Janessa at may kung ano lang nangyari – ung parang nangyayari sa TV.


Nessy…

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now