Gitara - Chapter 84

2.3K 33 3
                                        

Chapter 84: (Janessa’s POV)

 

Pinark ko ung kotse sa official parking spot sa tapat ng apartment namin.  Pagkapatay ko ng makina, tumingin muna ako sa building.  Parang ang tagal-tagal na since last time na umuwi ako.  Nasa bahay kaya si Josh?  Huminga ako nang malalim tapos bumaba na ng sasakyan.  Binitbit ko ung mga bags ko paakyat. Dahan-dahan kong binuksan ung pinto – as quietly as possible para maka-surprise ako.  Wag lang po sana ako mapagkamalan na magnanakaw at baka masapak pa ko nang wala sa oras.

Parang tahimik sa loob.  Naririnig ko ung TV na bukas.


"Joshie?"

Sinarado ko ung pinto behind me and kinaladkad ung mga bags ko papasok.

"Joshua?"

Iniwan ko ung mga bag ko sa hallway at naglakad papunta sa living room.  May nakahiga sa couch, natutulog (at humihilik pa), nakasiksik ung mukha dun sa sandalan.  Nilapita ko at pinindot-pindot ung likod.  Ang bilis lang nya mapatalon at nagising.  Pati tuloy ako napatalon sa gulat.  Lalo na nung nakita ko kung sino ung natutulog.

Ako:   Ralph?

Tinitigan ako ni Ralph.  Mukha syang confused.  Ilang segundo pa ang lumipas bago na-process ng utak nya kung sino ung nakatayo sa harap nya.  Ay josko, ang bilis nyang tumayo at yumakap sa’kin.

Ralph:   Janessa!!!  Nakalabas ka na ng ospital!!!

Binitawan nya ko at tinignan ng baba-taas.

Ralph:  Ok ka na?
Ako:  (smiles) Yup, I'm feeling okay na, pero kung di mo ko bibitawan ngayon.
Ralph:  Buti naman.

Inayos ko ung damit ko habang tumingin-tingin sa paligid.

Ako:  Nasan si Joshua?
Ralph:  Ah ung labz mo?

Nanlaki ung mata ko.  Alam nya ba?  Nagkwento na ba si Joshua?

Biglang tumawa nang malakas si Ralph.

Ralph:   Nako, namula ka pa! Aminan na ba toh? Nasa McDo --

vbbrrrrtttt

Napapunta bigla ung kamay ni Ralph sa bulsa nya...  Nag-vvibrate pala ung cp nya.

Ralph:  Wait lang, Nessy ha... (sinagot ung cp) Hello?

Tumingin ako sa paligid, naghintay sandal.  Nung ang TAGAAAAAAAAAAALLL-TAGAAAAAAAAAALLL ni Ralph matapos dun sa cellphone, pinatay ko na ung TV, hinila sya palabas ng apartment, ni-lock ung pinto, then habang may kausap sya, sinabi ko:

Ako:  Ralph, ako na lang pupunta sa McDo, umuwi ka na, ok? Ok..Babye!

Tumango naman sa'kin si Ralph, ehwan ko lang kung naintindihan nya ung sinabi ko since mukhang busy sya dun sa kausap nya.  Iniwan ko na syang nakikipagdaldalan sa phone nya.  Sumakay ako ng kotse.  Di na ko makapaghintay, puntahan ko na si Joshie sa McDo.

Excited much.


__________________________________________________________________________
(Joshua's POV)

Naupo kami ni Trixie sa may window after namin umorder ng pagkain.  Kalmado lang syang kumain, habang ako naman, panay ang tingin sa relo ko. Maaga pa naman. After nitong lunch, tatawagan ko na si Janessa – at kukulitin na payagan na kong bisitahin sya.

Binuhos ko ung gravy dun sa kanin.  Natawa si Trixie nung nakita nya ung ginagawa ko.


Trixie:   Balak mo bang ubusin lahat ng gravy na yan?
Ako:  Oo, bahket?  Masarap naman ah!

Yup, friends na lang talaga kami ni Trixie. Ni hindi na nga awkward na magkasama kami.  Parang nawala ung tension na nararamdaman ko bastah mabanggit lang ung pangalan nya.  Mamaya, pag-uwi ko, papalayasin ko na si Ralph sa apartment, tapos pupuntahan ko na talaga si Janessa... Kumontra man sya o ano.

All is well.  Aalis na si Trixie, di na malalaman ni Janessa na nakipagkita pa ko sa kanya – baka kung ano pang isipin nya.  Langyang selosa kaseh nung meatballs na un eh.  Ano pang masamang pwedeng mangyari?

Gitara [Official] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon