Gitara - Chapter 77

2.6K 33 2
                                        

Chapter 77: (Joshua’s POV)

 

Yaaaaaaaawwwwwwwwwwwwnnnnnnn

Dumilat ako at napatingin sa orasan nang napansin kong mataas na ang araw sa labas.  Halos ganito na lang ang gawain ko the last three days.  Oo, tatlong araw na.  Magigising nang bandang 10am, check si Janessa, mag-sshower nang mabilisan sa adjoining na bathroom, uupo ulit sa tabi ni Nessy hanggang sa may dumating na ibang bisita.  Tatlong araw.  Amp.  Hindi pa rin nagigising si Janessa!

Sabi nung doktor baka raw psychological na un. Parang inuutos nung brain na wag muna syang gumising... Langya!  Posible ba un?!  Hindi naman ganon ka-complex ang brain ni Janessa.  At kung alam nya lang na ilang meals na sa isang araw ang namimiss nya, nako, sure ako, gising na dapat sya!

Narinig kong bumukas ung pinto.  Akala ko siguro ung mga kabarkada ko o kabarkada ni Janessa – kaya laking gulat ko na lang nang isang malakas na batok ang sumalubong sa’kin.

PAK!

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko kung sino ung mga dumating.  Shet.  I knew dadating sila, pero parang kahit anong pilit kong i-ready ang sarili ko, tumayo pa rin ang mga balahibo ko ngayong nandito na talaga sila.


Kasama pa si Kristine.

Oo, nandito na ung parents ni Janessa.  Parents ni Nessy at si Kristine.  Syempre, ang bati kagad sa’kin nung amazonang pinsan ni Janessa eh isang malakas na hampas sa ulo.

Kristine:  LOKO KA!  ANONG GINAWA MO KAY NESSY!?  INIWAN KO NGA SYA SYO PARA BANTAYAN TAPOS NGAYON---
Mom ni Nessy:  Kristine...

Tumahimik ung amazona.  Tinignan nya ko nang masama bago sya sumunod dun sa parents ni Janessa na lumapit sa kama. Tinitingnan si Nessy...  Lumabas muna ako para maupo dun sa visitors' lounge. Parang na-OP ako dun sa loob eh.  Na-guilty rin siguro sa sinabi ni Kristine…

"Joshua..."

Napatingin ako. Di ko namalayan na katabi ko na pala ung nanay ni Janessa...

Ako:  Ah, hello po.

Bigla nyang pinakita sa’kin ung sapatos nya.


Mom:   Can you tell me kung san ko nakuha ung sapatos ko?

Whe? WTH?!?  Pano ko malalaman!? Kasama mo ba ko nung binili mo yan?!

Tinitigan ko ung sapatos.  Mukhang matibay… tsaka mamahalin…

Ako:  Sa Marikina?
Mom:  (natawa)  Kung may sapatos ng Marikina sa Chicago, binili ko na un.  Nope, these are Ferrigamo's.
Ako:  Ahhh...

What the heck are Ferrigamo's?!

Mom:  I knew you were straight.

Straight? Anong straight?!?  Mukha ba kong crooked?

Napatingin ako sa damit ko.  Mukha pa naman akong matino ah.  Dinalhan ako ni Pao ng bagong damit kanina kaya naligo ako sa CR nung kwarto.  Anong straight?

Mom:  Alam mo bang para mapaiwan lang si Nessy dito, they had to lie na you're gay para pumayag lang ung dad ni Janessa na maiwan sya dito kasama ka.
Ako:  WHAT?!?

I swear...di ko alam kung sinong sasakalin ko si Janessa ba o si Kristine...

pero dahil unconscious si Nessy, I guess I have to settle with Kristine.


Mom:  Nung una kitang nakita, I had doubts whether you were really gay na.  You looked too good to be gay.  At sa dami ng gwapong pinsan ni Janessa, you didn't even glance at any of them!

*shudders* Oh imagine the horror!

Mom:  I kept on calling Nessy to find out how she is... At alam mo ba sabi nya?
Ako:  Uh, mabait ako?
Mom:  (natawa uhlet) Nope, far from it.  Sabi nya, you're a conceited, annoying, insensitive, demanding, stubborn slob.  Own words nya.

O___O

Why that--

Mom:  Then... She also said that she's never been happier except when she's with you.

Eh?

Mom:   Nung sinabi nya un, I made up my mind to let her stay.  If it meant that much to her to be with you, then, I thought, hindi naman masama na mag-stay muna sya dito.

San ba papunta toh?

Mom:  But after what happened... Even if what I'm about to do is against her will, kailangan kong gawin toh... She's young and she'll find someone else.

Windang na windang na ko sa usapan na toh.  Hindi ko alam kung oo ba dapat ang sagot ko o mananahimik lang ako at makikinig o kokontra ba dapat ako.

Mom:  Joshua, I appreciate you taking care of my daughter and making her happy... But...

Teka.  Teka!  Kontra!  Kumukontra na ko sa usapan na toh!

Mom:  I don't think she can stay any longer.  When she wakes up... Pag ok na sya, I'm taking her back to Chicago.



Natulala lang ako.  Ano ba dapat ang sabihin?




Mom:  You understand, don't you?

No.  Yes. Maybe.  I don’t know!


Tumayo na sya tapos lumakad na pabalik sa kwarto ni Janessa.  Tumigil sya sa may pinto at tumingin sa’kin.

Mom:  Kami na muna magbabantay kay Nessy.  You should go home. Pag nakita ka ni Kristine, baka ikaw pa ang sumunod sa emergency room. :)


Tapos nun, umalis na sya.  Ako naman, tumayo na sa pagkakaupo at bumaba na sa ground floor papunta sa parking lot.  Umuwi nga ako.  Parang na-frozen ung utak ko habang nag-ddrive pauwi.


After ng lahat nang toh... aalis na si Janessa.



Wala nang magtatatalon sa kama ko hanggang mahulog ako, o kaya magbubuhos dahan-dahan ng malamig na tubig hanggang sa mapatayo ako. Wala nang mangungulit na gusto nya ng ice cream, bumili ako ng ice cream. Wala nang aaway sa'kin at sisipain ako paalis sa couch para ma-solo ung TV.


I should be happy, right?





...Then bakit parang feeling ko eh pinagsakluban ako ng langit at impyerno?

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now