Chapter 46: (Janessa’s POV)
Halos 11am na nang makarating kami sa Cembo. Ang dami nang tao at ang init-init. Ang tagal kasing maligo ni Joshua. Pinagpilitan pa nya na kumain ako at sa bahay na raw kami kumain ng lunch (early lunch, di ba?). Ang tagal tuloy bago kami nakaalis. Syempre, buntot sa'min ung tatlong makukulit na kaibigan ni Joshua. Baka raw kaseh may ma-miss nanaman sila. Ano bang na-miss nila na nangyari? Eh alam na naman ng buong world na bumalik na si Trixie?
Ang drama naming walo. Sakay dito, sakay dun. Pilitan na sumakay sa ganito, pigilang sina Mark at Ralph na magpaulit-ulit ng sakay. Kahit dun sa ferris wheel, aba, hinila ko uhlet si Joshua. Pahirapan pa!
Joshua: Ayoko nga! Eh kung bumagsak yan!?!?
Ako: Ano ka ba?! Nakasakay ka na dati eh. Halika na!
Joshua: Ayoko!!!
Ako: Horsey!!! Dali na!!!
Joshua: Ayokooooooo!!!!
Langya, kulang na lang maglupasay sya dun eh. Pero syempre, ayoko magpatalo. Binitawan ko bigla ung braso nya.
Ako: Hmp! Fine!
Joshua: Hala... galit ka na nyan?
Ako: Che!
Tinalikuran ko sya – dagdagan pa ng stomp ng foot para special effect – sabay lakad papunta sa ferris wheel. Just as I expected, habol naman kagad si Joshua. :D
Joshua: Nessy! Ano ba?
Ako: Ano rin ba?Natahimik sya sandal tapos tumayo sa likod ko sa pila. Pinigilan ko ung sarili kong humalakhak ng tawa.
Joshua: Ehto na nga oh... Sasama na...
Nagpalakpakan sina Mark, Ralph at Paolo. Nakapila na rin ung mga kaibigan namin sa ferris wheel, at mukhang kanina pa nila kami pinapanood. Alam rin yata nina Mark ung phobia ni Joshua sa ferris wheel. :P Oh di ba, one point for me! Bwahahahaha
Pero… di ko alam na mababawi pala ni horsey ung point na un. Ang next ride: rollercoaster!!!
Waaaaaaaaaaaaaaaahhhh... mommmmmyyyyyy!!!!!Bumaliktad ang roles namin. This time, si Joshua naman ung nanghihila sa’kin.
Joshua: Tara na! Tara na! Tara na! Tara na!
Ako: No way! Gusto mo bang magka-heart attack ako?!?!
Joshua: Di yan! Dali na!
Ako: Hell no!Tumigil si Joshua sa panghihila nya at tinignan ako – paawa effect ever?
Joshua: Sandali lang toh, promise. Ni hindi pa nga masyadong malaki ung rollercoaster eh. Sige na. Pleasssssseeeee~
Ako: You can't make me!!!
Gustung-gusto ko nang kumapit dun sa poste! Waaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh
Joshua: Ayaw mo?
Ako: Ayoko talaga
Joshua: Pag di ka sumakay, uuwi na ko.
Ako: Eh di umuwi ka. Dala ko ba ung jeep?
Joshua: Langya, sungit mo!
Ako: Excccuuuuuuz-ze moi, mabait pa ko noh.Nagsimula nanaman syang hilahin ung kamay ko.
Joshua: Halika na, sakay na tayo... Rollercoaster lang toh! Pleaaassssssseeeee~
Ako: Di talaga kaya ng powers ko ang rollercoaster, horsey. Hintayin ko na lang kayo dito.
Tumingin sa'kin si Joshua sandal. Humarap sya kina Mark at Paolo na naghihintay sa’min with amused expressions – kanina pa sila naaliw sa’min. Nakapila na ung iba sa rollercoaster. Matapang sila. =__=
Joshua: Sige na, tol. Sakay na kayo. Samahan ko na lang si Janessa dito.
Hm?!
Mark: Sigurado ka? Akala ko ba roller coaster ang tanging buhay mo sa pyerya?
Joshua: Oo nga. Kaya lang, ayaw sumakay ni Janessa eh... Baka kung san pa toh mapadpad pag iniwan mag-isa. Ayoko na pilitin, baka umiyak. Ok lang naman eh, may mga tao lang talagang sobrang takot, di ba?
Takot?! Sinong ‘takot’!?? At sinong may sabing iiyak ako?!
Kinuha ko bigla ung kamay nya, tapos hinila sya papunta sa pila. I think, na-manipulate ako ditto, pero ok lang. Hindi ko iiyakan toh noh!
Ako: Paawa effect ka pa, sipain kita dyan eh. Halika na nga!Nagtawanan sina Mark habang sumusunod sa’min. Kung di lang ako masyadong focused sa task ahead, baka nabato ko sila ng sapatos.
Nung nakaupo na kami sa roller coaster, waaahhhh, nag-sink in na. Nasa rollercoaster ako! Maluha-luha ako sa takot habang chine-check ko ung restraints to make sure na hindi ako mahuhulog habang ibinabaliktad-baliktad kami.
Joshua: (ngiti sa'kin) Wag kang mag-alala, Nessy... Pag nahulog ka, promise...
Sasaluhin mo ko?
Joshua: Ako mismo magbabalita sa parents mo. :D
Langya ka!
Bago ko pa man sya mabugbog, nagsimula nang umandar ung roller coaster. Hindi na ko nakasagot kay Joshie dahil naging busy ako sa pagsigaw at pagkapit for dear life. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
Pagbaba namin sa roller coaster, suz! Na-shock yata ang system ko. Avah, napaupo nga ako dun sa isang bench sa gilid. I can't bilib na sumakay ako dun?!?!? My golay! Nahulog yata puso ko dun sa isang loop! Umupo si Joshua sa tabi ko.
Joshua: Enjoy noh?
Ako: Anong enjoy?! Eh sapakin kaya kita dyan!
Tumawa lang si Joshua. Pinanood namin ung mga kaibigan naming na nag-ikutan sa iba't ibang booth. Maya-maya, medyo okay na ko. Naramdaman ko nang nakakahinga na ulit ako.
Ako: Tara na.
Joshua: San tayo?
Ako: Ehwan? Lakad lang tayo.
Naglakad-lakad nga kami, pasilip-silip sa mga booths at prizes. Hanggang sa may makita akong shooting booth... Ang cuttteeee nung isang prize na teddy bear. Nilapitan ko ung booth para makita nang maayos ung bear.
Ako: Ang cute naman...
Ngumiti si Joshua. Lumapit din sya tapos nag-abot ng pera dun sa taong nag-mmanage nung booth. Naaliw ako na susubok syang maglaro. Nakz... 1... 2... 3… 4... 5... 6...Avah! Halos hindi nag-mmiss ang mokong! Asentado!
At ang prize nya? Ung teddy bear!Nung inabot na sa kanya ung bear, nginitian ko kagad sya.
Ako: Wooowww... thank you.
Joshua: Para saan?
Ako: For the bear?
Joshua: Hehhh~ Akin toh noh. Bumaril ka nang sarili mo~ :D
-_____________-
Naglakad na sya palayo, pasipol-sipol pa. Handang-handa na nga akong sumugod para batukan eh. Angkinin ba naman ung teddy bear! hmp! Kuuuriiiiipottttt!!!

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...