Gitara - Chapter 87

2.3K 40 0
                                        

Chapter 87: (Joshua’s POV)

Walang tao nung nakabalik ako sa apartment. Kahit ung sinabihan kong wag aalis at magtaong-bahay dun sa apartment, nawawala! *cough* Ralph *cough*

Nakita ko ung bags ni Janessa sa hallway. Oh well.. at least alam kong babalik pa sya.  Di nya naman basta-basta iiwan ung mga gamit nya.  Kinuha ko ung mga bag at nilagay sa kwarto nya.  Pagkalagay ko sa sulok, napatingin ako sa paligid nung kwarto.  As usual, simula nung na-ospital si Nessy, tahimik ung kwarto.  Walang nagbago.  Pero sandali na lang, babalik na si Nessy dito.

Lumabas na ko ng kwarto tapos dumiretso sa living room... Kinuha ko ung gitara na binigay ni Janessa sa'kin nung Pasko...

Haaaayyyy...

Sinimulan ko ung intro nung gitara habang nakatunganga dun sa space.  Okay... iniisip nyo siguro bakit di ko man lang hinahanap si Janessa noh?  Hala, yoko nga! Sayang ung gas ko.

Jowkkk~  Eh pano kung hanapin ko sya tapos bigla syang bumalik para kunin ung gamit nya?  Eh di nagkasalisihan pa kame!  Nakuha nya pa ung mga gamit nya!

Kaya dito na lang ako...  Uupo na lang at aawit.. Maghihintay ng pagkakataon..

Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw syo...
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ng tugtog ng --


ding dong!

Sheesh, sino bah tong umiistorbo sa pagkanta ko?!

Kanta na un kahit sa isip lang noh! :)

ding dong! ding dong! ding dong! ding dong! ding dong!

Napatayo akong bigla.  Kung makapag-doorbell lang ha!  End of the world na ba?!


Ako:  Oo na!  Sandali lang!

Napatakbo ako sa pinto.  Madali kong binuksan at sisigawan na sana ung taong kung makapag-doorbell, kala mo hinahabol ng zombie.  Napatigil lang ako nang nakita ko kung sinoh ung nakatayo sa labas.

Ako:  Nessy.

Napatingin sya sa hawak kong gitara.  Nag-step aside ako para makapasok sya.  Dumiretso kayad sya sa kusina at kumuha ng baso ng tubig.

Promise!  Sa twing na-ttense sya, imbis na beer ang tunggain, ung tubig ang pinag-iinitan nya.

Hinintay ko hanggang maubos nya ung tubig.  Medyo kinakabahan pa ko.  Nung binaba nya na ung baso, tumitig sya sa’kin.

Ako:  Janessa--
Janessa:  Ok, horsey, five minutes.
Ako:  Huh?
Janessa:  Five minutes to explain.
Ako:  Five minutes?
Janessa:  (tingin sa relo) Four minutes...
Ako:  Anong four minutes?! Eh wala pa ngang 60 seconds?!?
Janessa:  Th-rre-ee--
Ako:  Okay!  Okay!

Langya, tinuruan ba ng tama toh na ang one minute eh 60 seconds?

Sinandal ko ung gitara sa wall tapos lumapit sa kanya.

Ako:  Okay, four minutes.

Sinimulan ko sa pagdaan ni Trixie, hanggang sa order ng maraming gravy hanggang sa pagpunas... Pinaliwanag ko lahat un. Di ko naman alam kung anoh ba nakita nya, pero ehto na! Naglantad na ko! *ahem!* I mean, nag-confess na ko.

Pagkatapos kong magsalita, tumingin ako kay Janessa.

Ako:  Ahyun lang.  Wala naman akong ginawang masama, Nessy.

Tinitigan akong pabalik ni Nessy... tapos medyo nag-lean forward...

Janessa:  Really?  Ganon ka-dami kang maglagay ng gravy?
Ako:  Gravy?

Anong gravy?!?  Bakit gravy?!?  Sa dinami nang sinabi ko, ung gravy ang naalala nya!?

Ako:  Anywayyy, ok na ba tayo?
Janessa:  Okay!

Hala, astig din tohng babaeng toh ah.. Kanina lang eh pa-emote-emote, ngayon, bouncing meatballs nanaman sya.  Ibang klase rin ang mood swings eh noh?

Janessa:  Umalis na si Trixie?
Ako:  I think so.
Janessa:  Sayang naman... Di ako nakapagpaalam.

Bakit kailangan magpaalam?  Hayaan mo na un.

Tahimik kami sandali.  Huminga ako nang malalim at kinuha ung kamay nya.

Ako:  Nessy...
Janessa:   Horsey...
Ako:  Anoh ba?! Wag ka ngang tumingin nang ganyan!
Janessa:  Nang ano?

Ka-baliw ung tingin eh!  Di ko alam kung tatawa ba ko o anoh!  Lam nyo ung trying hard na mag-mukhang seryoso pero kitang-kita mo naman na konti na lang, tataas na ung labi nya.  Kaloko eh.

Ako: Janessa...
Janessa:  Anoh ba?  Kanina mo pa ko tinatawag.

Ngumiti ako tapos bigla ko syang niyakap.

Ako:  Don't scare me like that again, ok?  Akala ko nawala ka na.  Ayoko na nang ganun.  Ayoko na nang nawawala ka sa tabi ko.
Janessa:  Joshie?
Ako:  Kaya, Nessy... Pwede ba..  Just stay here... Stay with me... for as long as you want.  Don't ever leave me again, ok?

Natahimik si Janessa sandali... Aalis pa ba sya?  Bakit di sya nagsasalita?  Sasama ba sya sa Chicago?  Nasan nga pala mga magulang nito?  I should ask her later...

Naramdaman kong niyakap din ako ni Janessa...  tapos bumulong sya...

Janessa:  Joshie... Don't worry... I'll never leave you.

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now