Gitara - Chapter 35

4.1K 51 0
                                        

Chapter 35:  (Janessa’s POV)

 

The next day, tahimik kame ni Joshua na nakatunganga sa harap ng TV, nanonood ng MYX, at kumakain ng V-Cut (special request ko, op cors!). Balak namen na mag-stay lang sa bahay, kaseh one week holiday... Araw ng mga patay....wooooooohhhhh~ Pero di va nga? Don't expect anything, dahil madalas, hindi nangyayari.

Ding! Dong!

Nagkatinginan kami ni Joshua.

Joshua: Jack-n-poy, one point. Talo magbubukas ng pinto.

Sheesh! Kala ko pa naman mauunahan ko sya sa pag-utos ko!

Kaming dalawa: Jack-n-poy!

Ay! Bubwit!

Ang hina ko talaga sa jack-n-poy! Anong kamalasan ba ang nakakapit sa'kin at lagi na lang akong talo?! Kailangan ko pa tuloy tumayo para magbukas ng pinto. Sino ba naman kasi yang storbo na yan?!

Tamad noh? hehe

Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong!

Ako: (sigaw sa pinto) Oo na! Wait lang!

Ni-unlock nung door -- nagbabalak na sipain kung sino man ung intruder sa lazy day namin ni Horsey. Sya na nga tohng nanggugulo, sya pa may balak na manira ng doorbell. Aba---

Napatigil ako nung nakita ko kung sino ung bisita namen.

Nakatayo sa harap ko, at nagmamaganda pa, si Richie... at mukhang bitbit nya pa si Arriane.

Ako: Anong ginagawa nyo dito?
Richie: Anoh ba yan? Wala man lang 'Ay ganda! Hello!'

Ako: Ah! *ahem* -.- Ay, bakla! Hello! ;D
Richie: Bruha!

Sumugod na papasok si Richie. Talagang pinagkatulakan pa ko patabi. Ako raw ang bruha? Psh.
Sumunod papasok si Arriane. At least sya, nagawang ngumiti sa'kin. At mukhang naalala nyang unannounced visitors sila dahil may dala syang mga bag ng pagkain.

Arianne: La kame magawa eh... Kaya ehto, bubulabugin ka na lang namen.

Sinundan ko sya sa kusina kung san pinatong nya ung mga plastic bag. Nakita ko na lang si Richie na dire-diretso pumunta sa living room -- kung san malamang eh parang Greek god na nakahilata pa rin si Joshua...
At sa kinikilig na sigaw ni Richie, feel ko lang, nakumpleto na ang araw nya sa nakita nya. Of course, lalo syang kikiligin dahil isang loose na wife beater shirt at long shorts lang ang suot ni Joshie.

Richie: Fafa Joshie!!!
Joshua: WAaaaaAAAAAAAAAHHhhhhhh!!! Anong ginagawa mo dito?!?

Napangiti kaming dalawa ni Arriane. Sumunod kagad kami sa living room para pigilan if ever man sa kung anumang krimen *cough* rape *cough* na pwedeng magawa ni Richie. Na-amuse ako sa scene na lumantad sa'min. Nakatayo si Joshie sa couch at mukhang ready nang ihampas ung throw pillow sa mukha ng starstruck na si Richie.

Napatingin sa'kin si Joshua, at konting-konti na lang talaga, gugulong na ko sa kakatawa. Panic na panic ang face ni horsey! hahahaha Syempre, di naman ako ganon ka-salbahe, nilapitan ko na sila para i-save ang aking horse.

Ako: Joshie, hinga muna...
Richie: Fafa naman, masyado ka namang excited sa pagkakakita sa'kin. Grabeh! Flattered ang beauty ko!

Dahan-dahan bumaba si Joshua sa sofa -- kung makatingin kay Richie, kala mo kakainin syang buhay nung bakla.... na siguro may pagka-posible kung titignan ung mukha ni Rich. :P As soon as tumapak ung paa ni Joshie sa sahig, tumakbo kagad sya sa likod ko. Talaga naman.....

Joshua: Anong excited?!? Langya, eh natakot nga ako nung nakita kita! Kala ko maligno!
Ako: Horsey...

Ding! Dong!

Eh? Napatingin ako kay Arriane.

Ako: May bitbit pa kayo?
Arianne: Uy wala na noh. (ngiti kay Richie) Ung skeleton lang ang bitbit ko.
Richie: Ay bruha ka! Anong skeleton?!?

Haaaayyyyy... Palagay ko lang, wala na talaga ang lazy day ko kung ganitong may mga sumusulpot na lang kung saan-saan.

Lumakad ako papunta ulit sa pinto para pagbuksan ung bagong dating.... at nag-double ung shock ko nung nakita kung sinong nakatayo sa labas.

Warren?!?

Warren: Yo!
Ako: W-Warren? Anong ginagawa mo dito?

At parang may kung anong radar na nag-announce ng "Mortal Enemy #1 Detected", biglang nag-appear si Joshua sa tabi ko. Ni di ko man lang narinig na paparating. Nanliliit nanaman ung mga mata nya nung nakita nyang si Warren ung bisita.

Joshua: Sabi na nga ba may naaamoy akong masama sa hangin eh... Hoy, aso, di ka pa naliligo noh!
Warren: (tingin kay Joshua) Hoy, butiki, wag ka ngang makisingit... Si Nessy lang binisita ko dito noh!
Joshua: A-anong butiki?!?

And as usual, ahyan nanaman ung very tensed at sobrang pikon na titigan nung dalawa... Kung anime lang toh, makikita mo na ung kuryente na dumadaan between sa mga eyes nila eh... Pwede nang saksakan ng charger! :D

Hinila ko palayo si Joshua para makapasok si Warren... Kasi feeling ko pag iniwan ko silang dalawa dun, buong linggo na lang silang magtitigan...... Parang ang sweet din pala noh? ;D

Ako: Okay. Awat na. Pasok ka, Warren... Nandito rin mga kaibigan ko eh.

Habang naglalandian sina Joshua at si Warren sa likod ko, napatingin ako sa orasan. Just as I thought, mag-tatanghalian na... Ang dame kong ipagluluto... T^T

It doesn't help na malapit nang magpatayan ung dalawang lalake sa likod ko. haaayy..

Ako: Bakit di na lang kayo manood ng TV habang nagluluto ako? Para naman may magawa kayo...
Joshua: Papaupuin ko yang asong yan sa sofa?!? Eh pano kung may garapata yan?!?
Warren: Bakit? Kung ung butiki nga nauupo sa sofa, malay ba namen kung san-san ka lumusot!

Iba rin ang tension nitong dalawang toh eh... Tinulak ko sila papunta sa living room, all the while, nagbabangayan pa rin.  Napatahimik lang sila nung biglang nagtatalon si Richie nang makita silang dalawa. Lalo yatang nag-twinkle twinkle ung eyes nung vakla nung nakita si Warren.

Richie: Oh my chuva! Helloooooo, lover! ;)
Warren: Uh...

Iniwan ko sa living room ung tatlong lalake.... dalawang lalake + 1 lalakwe? Sumama sa'kin si Arriane para tumulong magluto. If I know, umiiwas lang sya sa awkwardness ng atmosphere sa pagitan nung tatlo. :P  Oh well... As long as walang dugo na kakalat sa sofa, bahala na sila. Mahirap magtanggal ng mantsa ha.

After ng isang oras, natapos na rin kami sa pagluluto (which might be a miracle considering ilang beses kaming inistorbo ni Joshie na di mapakali). Naghain na si Arriane habang ako naman, binuksan ko ung ref para maglabas ng Coke. Lam ko laging may stock si Joshie eh...

..or maybe not.

Ubos na ung Coke. Bakit walang Coke?

Ako: Joshua?
Joshua: (sumilip sa pinto) O?
Ako: Tinungga mo nanaman ung Coke?
Joshua: Ah... eh...
Ako: i-o-u?
Joshua: Nauhaw ako eh!
Ako: Sabi syo, matuto kang uminom ng tubig.

Nilabas ko na lang ung pitchel ng tubig. May magagawa pa ba ko?

Joshua: Oh sige na, bibili na nga ako eh.
Ako: Hmm? Di na. Ok lang. Umiinom naman siguro ng tubig ung mga people dito, di ba?
Joshua: Psh. Baka magreklamo pa ung aso na tubig lang ang pinapainom natin sa'kanya.

Ang bitter? :D

Warren: (biglang sulpot) Hoy! Narinig ko un!
Joshua: Eh ano naman ngayon?!?

Haaaaaaaaaayyyy... Ang ingay talaga ng dalawang toh. Sexual tension kaya itoh? hahahaha

Umalis na si Joshua. Ako naman, sumunod na kay Arianne pabalik sa living room. Hintayin na lang namin si Joshie bumalik bago kami kumain. Sandali lang naman tumawid sa tindahan eh. 5 minutes.








6...7...8...9...10...11...12...13...14...15..

15 minutes na!

Abah, nasan na si horsey? Nalunod na yata nung coke!

Nag-ring bigla ung cellphone ko. Reflex movement -- nag-dive kagad ako para sagutin.

So sick of love songs, so sad and--5

Ako: Hello?
Joshua: Nessy?
Ako: Nasan ka na? Nilamon ka na ba nung tindahan?
Joshua: Di...

Hmmm... Bakit ganito boses nito?

Ako: What's going on?
Joshua: May sumusunod sa'kin, kanina pa eh... Nagpaikot-ikot na nga ako... Mga sampu siguro...

Oh dear...

Ako: Takbo ka na lang. Ibalik mo na dito ung Coke!
Joshua: Langya, mas concerned ka pa sa coke.
Ako: Ayiieee~ Joke lang. Magiging okay ka lang ba?
Joshua: Oo naman. Di ako makikipag-away. Nag-promise na ko syo, di ba? Sinasabi ko lang, in case-- Sh*t!
Ako: Josh? Joshie?!?

Wala. Line was dead na. Ano kaya nangyari?
Oh no! Baka kung anong mangyari kay horsey ko! Sampu raw?! Kaya ba ng kabayo ang sampu?
Pano kung hindi? Ohh no. Sabi nya hindi raw sya makikipag-away.... Pano kung hindi sya lumaban? Baka mapuruhan sya...

Napansin ko na nakatingin pala sa'kin ung tatlong nambubulabog sa'min.

Ako: Si Joshua. May sumusunod daw sa kanya eh. Naghahanap yata ng away... And, then... May narinig ako... Tapos nawala si Joshie... Baka kung anong nangyari sa kanya...

Tumayo bigla si Warren.

Warren: Ung butiki talaga na un... Lampa!

Nagmamadali syang lumabas ng apartment. Syempre, sunod naman kaming lahat sa kanya. Ehwan ko rin kung bakit. As if naman may magagawa kami ni Arriane pag nagsimula na ang riot... At baka magtitili lang si Richie habang nanabunot ng mga sumusugod sa kanya.

Arianne: San ka pupunta?
Warren: Hahanapin ko ung butiki. (tingin sa'kin) Pag-alalahin ba naman si Janessa ng ganito!
Ako: Kasi naman... Pano kung may weapon ung sumusunod sa kanya? Tsaka...10 against 1?! Di fair un! Baka... baka...kung anong mangyari kay Joshie.. This is all my fault. Dapat pinilit ko na lang sya na wag umalis. Coke lang naman un.. Anoh ba naman ang silbi ng Coke sa buhay?!
Warren: Nessy, di mo kasalanan un noh. Di mo naman alam na may susunod sa kanya. Tsaka, malay ba nating lampa pala ung butiki na un.

Pak!

"Anong lampa?!?? Sinong lampa!?"

Napatingin kaming lahat sa tsinelas na nasa lupa -- na pinangbato sa ulo ni Warren. @.@ Tapos napatingin dun sa tao na nagbato nung tsinelas na tinitignan nang masama si Warren habang naglalakad palapit sa’min.  Kahit nung sinusuot nya na ung binato nyang tsinelas, ang sama pa rin nung tingin nya kay Warren.

Joshiieeeee!!!! ToT

Warren: Butiki ka! Anong ginagawa mo dito?!? At binato mo ba talaga sa'kin yang madumi mong tsinelas!??
Joshua: Oo, bahket?! Kung anu-anong pinagsasabi mo... Kala mo ba ganon lang ako kadaling matakot nung mga un?! Eh nabugbog ko na ung mga un dati pa noh!
Warren: Sira ka pala eh! Tatawagan mo pa si Nessy para lang pag-alalahanin sya?!
Joshua: Eh malay ko bang tatakbo na kagad ung mga gunggong na un!? Ni di man lang umabot ng limang minuto!

He's okay... Nakikipagtalo pa sya kay Warren, buhay na buhay. Ni walang gasgas o kahit anong sugat... Pati ung coke na dala nya, walang damage.  Nung nag-sink in na walang nangyaring masama sa horsey ko, napatakbo kagad ako sa kanya, sabay yakap. Oo, yakap.  Mamaya na ko mahihiya.

Joshua: (nagulat) Nessy...?
Ako: Akala ko may nangyari na syo... Baka napuruhan ka nung mga un! Baka naghihingalo ka na kung saan... Duguan... I'm sorry I made you go out. T^T
Joshua: Nessy... Iba rin ang imagination mo noh? o.O Hey...

Inabot nya kay Richie ung dala nyang coke (very much willing naman ung kinikilig na loka). Hinawakan ni Joshua ung balikat ko tapos medyo tinulak ako palayo para makita nya ung mukha ko.... Wala syang black eye o kahit anong pasa sa mukha. Isang himala...

Joshua: It's alright. Tignan mo oh, I’m fine.  Wag mo nang isipin un. Di mo kasalanan na may mga taong walang magawang matino, ok?

Niyakap nya ulit ako.

Joshua: Sige na, tahan na.

Dun ko lang na-realize na tumutulo pala ung mga luha ko. Adik.
Nanahimik sandali ung buong mundo namin... Hanggang hindi na nakatagal, umeksena na si Richie. Lumapit sya kay Warren para manukso.

Richie: Oh, Warren, la kang gagawin? ;D
Warren: Pagbibigyan ko muna since upset si Janessa. (kay Joshua) Hoy, butiki! Wag kang masanay na payakap-yakap kay Janessa ha! Hindi na uhlet mangyayari toh!
Joshua: (tingin kay Warren) Mag-give up ka na nga! Di mo ba nakikita?! Talo ka na! Shtuuuuuupid!
Warren: A-ano?! Heh! Wag ka ngang magmalaki sa isang yakap lang! Shtuuuuuupid!
Joshua: Sumuko ka na! Obvious namang la ka nang pag-asa! Shtuuuuupid!!!

Nagkatinginan sina Arriane at si Richie. Na-amuse yata sa special relationship nina Joshua at Warren.

Arianne: Wow... They're calling each other stupid.
Richie: Okay lang yan. Sa mga pinaggagawa nila, mukha naman talaga silang parehong stupid.
Joshua at Warren: Ano?!?

Napangiti ako. Langya, pano ka ba naman mag-eemote kung ganyan mag-usap mga tao sa paligid mo?
Oh well... It's all good. Okay lang si Joshua... and he's hugging me pa! wahahaha

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now