Gitara - Chapter 25

3.9K 43 0
                                        

Chapter 25:  (Joshua’s POV)

Pag-uwi ko nung gabing un, nagulat ako nang makita kong bukas pa ung ilaw sa living room, pati ung TV bukas din... Gising pa si Janessa? Halos mag-aalas dose na ng umaga ah!

Dahan-dahan kong sinara ung pintuan, ni-lock, tapos lumakad papunta sa living room.

Sssh! Manggugulat lang ako... ;D

Kaya ahyun, tiptoe-tiptoe papunta sa couch kung san nakahiga si Nessy...

1, 2 --

Biglang umupo si Janessa tapos umikot para tingnan ako.

Ako: WAAAAAAAAAaaaaaaaHHHHHhHH!!!!!! Maligno!!!!

Yoko pa mamatay!!! WAaaaAAAAAAAAAhhhHHHH!!! Janessaaaaaa!!!

Pak!

Langya, kapal ng mukha ng malignong toh! Batuhin ba ko ng unan?!?

"Anong maligno?!?"

Binuksan ko ung isa kong mata, tapos tinanggal ung kamay ko sa mukha ko... Shucks, si Janessa pala ung maligno. :P  Bakit puting-puti mukha nito?

Ako: Langya! (napahawak sa puso ko) Gusto mo ba kong atakihin sa puso?!?
Janessa: Sira! Sino bang may sabi syong magsisigaw ka dyan?
Ako: (umupo sa tabi nya) Ano ba yang nasa mukha mo?
Janessa: (hinawakan nya ung mukha nya) Facial mask. Nag-ddry kaseh ung mukha ko eh... Binigay toh sa'kin ni Richie kanina sa school... Effective na moisturizer raw.
Ako: Naniwala ka naman dun sa bading na un?
Janessa: Oo naman!

Nanahimik kami sandali.  Pinapakalma ko muna ung puso ko.  Napatingin ulit ako sa kanya at napansin ko na bumabagsak-bagsak na ung mata ni Janessa. Kulang na lang eh saluhin ko at ibalik dun sa butas.  Kinuha ko ung remote sabay patay nung TV.

Ako: Bakit ba gising ka pa? Halos madaling araw na oh, matulog ka na nga.
Janessa: Hinihintay ka.  *yawn*
Ako: Eh? Bahket?
Janessa: (binatukan ako) Loko! Eh kanina pa natapos klase mo di ba? Kanina ka pa dapat nandito!
Ako: Aray naman! Anoh ba?!
Janessa: San ka ba galing?
Ako: Eh di san pa? Eh di kina Paolo.
Janessa: Bakit di ka man lang nagtext?
Ako: Bakit pa?
Janessa: (tumayo) Para naman di ako nag-aalala.  Remember, hindi na lang ikaw mag-isa ang nakatira dito noh.

Hmm??!

Pumasok si Janessa sa banyo. It's either mali sya ng pasok at doon sya matutulog, o mag-CCR lang talaga sya.  Maya-maya, lumabas na uhlet sya, nagmumukha nang tao – wala na ung facial mask nya. Naghilamos yata. Hindi na sya mukhang maligno. Medyo mukhang nagising-gising na rin.

Umupo si Janessa sa tabi ko, sabay tingin sa orasan. Narinig ko pang nagbuntung-hininga... Tapos tumingin sya dun sa gitara na nakasabit sa isang sulok...

Janessa: Bakit di mo ginagamit ung gitara mo?
Ako: Wala lang.
Janessa: Ano yan? For display purposes only?
Ako: Parang...
Janessa: Will you play one song for me? Pleeeeaaaassse?
Ako: Hala! At bahket?!
Janessa: Kailangan ba ng reason!?

Napatingin uhlet sya sa relo. This time, di na umalis ung tingin nya. Anoh naman kayang tinititigan nya sa oras? Hindi ba sya sanay na makita na mag-aalas dose na? Dapat ba tulog na sya nang ganitong oras?

Whoa!

Napatayo akong bigla nang mag-vibrate ung cellphone ko sa bulsa ko. Biningwit ko at tiningnan kung sinong hinayupak ang nagtetext sa'kin.

Okay. Di pala text. Reminder lang.....

Janessa's Bday!

Ah. Kaya pala.

Tumingin ako kay Janessa na nakatingin din sa'kin.

Oh, birthday nya na... Anong gusto nyang gawin ko?!

Ako: Uh...happy birthday?

Tiningnan lang ako ni Janessa. Nagiging alien ba ko o ano? Bakit ganyan sya makatingin?
Inalis nya ung tingin nya sa’kin at tumahimik ulit ang buong mundo. Ang awkward.

Sige na, Joshua! Magtanong ka na!

Hala! Yoko nga! Eh kung kagatin ako nyan?!?
O kaya baka bigla akong tabunan ng spaghetti na may meatball?!?



Naririnig mo ba sarili mo?

Ako: Uh, ahem... Ano bang meron sa birthday mo? May nabanggit yata si Tin bago umalis, pero di naman nya sinabi kung anong meron.
Janessa: Gusto mo malaman?
Ako: Magtatanong ba ko kung ayaw ko---?! I mean, *ahem* kung gusto mo lang naman sabihin.
Janessa: I don't mind telling you... pero...
Ako: Ano?
Janessa: (biglang ngiti) Play the guitar and sing me a song muna. :D

Hala!

Ako: Di ko na nga ginagamit yang gitara na yan...
Janessa: Yup, just as I figured. Oh well---

Patayo na sana sya nang bigla kong hinablot ung braso nya, kaya un, napaupo uhlet.
Haaaaayyy... mga ginagawa ko nga naman dahil sa curiosity...

Tumayo ako at kinuha ung gitara, tapos umupo ulit ako sa tabi nya. Tumingin sya sa'kin na parang hinihintay na ibaba ko ung gitara at hayaan na syang umalis. Nag-eexpect yata ng miracle o kung ano.

Sayang lang, mataas ang pride ko (at ang morbid curiosity ko).

Ako: Okay... Anong kanta gusto mo?
Janessa: Hm?! Seryoso ka?!

Gitara [Official] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon