Chapter 57: (Janessa’s POV)
Tinitigan ko nang masama ung dalawang ogres. hmp! Kala ba nila aatrasan ko sila! Hah! Ako pah!? Kaya yata nitong sumigaw na rinig sa tatlong kanto noh!
Ako: Shoo fly na nga kayo. Iiuwi ko pa tohng kasama ko noh.
Shrek 1: Umasa ka, bebot. (lumapit sa'min) Pa-kiss muna!
Ako: Neknek mo! Tadyak sa bibig, ok pa.
Tapang noh? Pero deep inside nagkakaputok-putok na ang veins ko sa sobrang kaba.
Ako: Subukan mo lang lumapit dito, at nako, meeting sa dentista para sa isang buong pustiso ang aabutin mo!
Trixie: (bulong sa'kin) You're trembling... Is that from rage or fright?
Ako: (bulong pabalik) Actually, sa gutom. :P
Trixie: Joshua must be worried already…
Heh?
Ako: (natawa) I don't think so. We just had another fight kanina eh... Though I'm sure nothing like that happened when he was with you--
Shrek 1: Oh ano? Tapos na ba kayong mag-usap?
Oo nga naman. Sa dinami-dami ng panahon na mag-usap, ngayon pa kame nagdadaldalan noh?
Ako: Bahket? Makiki-tsismis ka?
Shrek 2: Eh kung puruhan na kaya natin tohng mga toh?! Pilosopo eh!
Ako: Mga bubwit kayo! Ginugulo nyo gabi ko, magulo na nga! Lumabas lang ako para bumili ng mantika! MANTIKA!
Medyo naramdaman kong natawa si Trixie. Oh well, at least, may isang relaxed sa'min.
Napatigil kaming bigla nang makita naming nagsisimula nang lumapit ung dalawa... Nako poh, nagtayuan ang aking mga balahibo!
Nag-flash bigla sa isip ko ang aking life. My golay -- pati ung incident na muntik ko nang malunod ung pet dog ko sa bathtub -- kala ko pa naman eh pinagkabaon-baon ko na un sa ilalim ng paa ko.
Now, I really AM scared.
Joshuaaaa!!!
beep! beep! beep! beep! beep! BEEP!!!
Napaikot kaming apat dun sa direction nung busina...and salamat kay Lord, may tricycle! Nag-panic bigla ung mga ogres!
Shrek 2: (hinila si Shrek 1) Tol, halika na!
Pinanood namin ni Trixie na magkandarapa sa pagtakbo ung dalawang ogres – medyo mahirap dahil pareho silang laseng. Still… Di ko alam na pwede palang makatakbo nang ganon kabilis si Shrek.
Tumigil ung tricycle sa harap namin ni Trixie, at bumaba kagad ung driver.
Driver: Okay lang ba kayo?
Ako: O-opo... Salamat poh.
Opo, ok lang daw… pero nanginginig naman ung boses ko. :P
Driver: Nako, mag-iingat nga kayo pag naglalakad kayo dito... Lalo na't gaganda nyong yan... tsk tsk...
Ako: Opo..
Driver: Uuwi na ba kayo? Hatid ko na kayo...At mukhang namumutla pa kayo sa nangyari eh.
Napatingin ako kay Trixie. Namumutla nga sya. Siguro dahil dun sa paa nya…
Ako: Anoh, ehto na lang pohng kasama ko ang paki-hatid. Malapit lang poh naman kaseh bahay ko, kaya ko na poh maglakad.
Driver: (kinuha ung pag-alalay sa'kin kay Trixie) Sigurado ka ba? Baka makasalubong mo pa ung mga lokong un.
Ako: Wag poh kayong mag-alala. Paki-uwi na lang poh tohng kasama ko.
Tinulungan nyang pumasok si Trixie dun sa tricycle. Pagkapasok ni Trixie sa loob, lumayo na ko sa tricycle at hinintay na umalis sila.
Driver: Mag-ingat ka, iha. Maraming loko dito sa kalyeng toh.
Ako: Opo, salamat poh.
Aalis na sana sila nang biglang humabol pa si Trixie. Talagang muntik na syang mahulog sa upuan dahil bigla syang sumilip ulit sa’kin.
Trixie: Wait!
Ako: Oh bahket?
Trixie: I just... *sigh* Why did you stick with me? Why didn't you run or hide when you had the chance?
Napatingin ako dun sa driver. Naghihintay lang sya patiently. Man, kung atat sana si manong driver, baka pwede ko pang sabihin kay Trixie na next time na kami mag-usap. Nakatakas pa sana ako.
Ako: Well, imagine mo na lang pag iniwan kita dun. Nako, ang bigat sa konsensya nun noh. Pano na lang kung someday eh bigla kong mag-decide na mag-madre? Eh di may pasanin na kagad sa conscience ko?
Tinaasan nya ko ng kilay. Sige na… Ako na ang awkward sa mga heart to heart talks…
Ako: *sigh* And besides... Pag may nangyari syo, someone will be very sad…
Parang di inaasahan ni Trixie ung sagot na un, kaseh nagblink sya eh... Tapos, sa kung anong himala, abah, nginitian akowh!
Trixie: (dun sa driver) We can go now.
Un na un?
Tumingin sya sa’kin one last time bago sila umalis.
Trixie: And, Janessa...just to let you know... Ikaw din.
…Weh?
Umalis na ung tricycle. Ako naman, eh napatanga dun. Umandar nanaman ang pagka-slow ng brain ko. Ano naman kaya ang ibig sabihin nya na ako rin? -___- Oh well, better go home... Baka nababaliw na si Joshua dun kakahintay.
Naglakad na ko pabalik. Haaaayyyy... What a night.. Imagine, ma-stranded ba naman with Trixie at makipagsapalaran with ogres--- Whoa!
Bigla akong napatigil sa paglalakad ko. May tao na mabiliiissss na tumatakbo papunta sa’kin. Tinitigan kong mabuti ung tao -- para just in case, eh magsimula na kong magsisigaw.
Ay, teka...Nagulantang ako nung nakilala ko ung tumatakbo.
Ako: Joshie?
Tumigil sya sa harap ko, naghahabol muna ng hininga. Awkward moment muna kaseh kakaaway ko lang sa kanya kanina eh. :P Kanina pa kaya sya tumatakbo kakahanap sa’kin?
Ako: Uh... You came to get me...?
Joshua: (biglang tingin sa kabilang direction) Syempre! Halika na nga. Uwi na tayo.
“Syempre”?
Nagsimula na uhlet sya maglakad pabalik. Habol naman kagad ako. Oo na, nakalimutan ko na ung mantikang bibilin ko. Oh well. May de lata pa naman…
Should I tell him about Trixie?
Ako: Uh, horsey...
La sagot... Multo ba ko? Deadma?Hayaan na nga. Okay na naman ang lahat.
Ako: Thanks for coming to get me.
Hinook ko ung kamay ko dun sa braso nya. Lam nyo ung arms nung bride and groom pag naglalakad sa aisle, parang ganon... Pero, oist ha, di sa altar tuloy namen noh, uuwi lang kame. Kaya sige, sabit ko ung kamay ko sa braso nya, and lumapit na rin me nang konti sa kanya -- chansing! haha
Tinignan lang ako ni Joshua… pero hinila nya rin naman ako papalapit.

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...