Chapter 78: (Joshua’s POV)
Nakauwi rin ako – kahit di ko matandaan kung pano. Tinapon ko ung mga susi ng apartment at kotse sa mesa tapos nagcollapse sa couch.
Sheesh...
Nakita kong umiilaw ung answering machine... Syempre, tumayo ako para pakinggan kung sino un. Sa tagal kong nawala sa bahay, malamang lang, madaming naghanap, di ba?
toooot~ You have one new message. Message one:
"Janessa! Nasan ka? Si Patten toh. Di mo pa ba kukunin ung pinagawang mong DVD? Sige, bastah, kunin mo na lang pag may time ka na... okay?"
Toooot... 10:31 AM--
Pinindot ko ung Stop tapos kinuha uhlet ung mga susi at lumabas na. Ako na lang kukuha nung DVD kay Patten. May magawa lang at makalabas sa sobrang tahimik na apartment na toh.
_____________________________________________________________________________
Halos isang oras din akong nagtagal kina Patten -- since kasabay nung pagkuha ko nung DVD eh sinagot ko na rin ung interview niya kung bakit na-ospital si Janessa. Kelan pa kaya sila naging close?
Pagdating ko sa bahay, umupo kagad ako sa living room at tinitigan ung DVD case sa kamay ko. Bakit na sa kanya ung DVD eh akin ung camera? Anyway, tinignan ko ung sticker dun sa harap nung case. Mukhang detailed instructions ang binigay ni Janessa kay Patten. “First Christmas. J&J”. Either si Janessa ang gumawa nun, o sadyang corny lang talaga si Patten.
Pinag-isipan ko pa sandali kung papanoorin ko ung DVD. Di rin ako nakatiis, pinasok ko sa player ung DVD and binuksan ung TV. Tapos naupo uhlet ako sa couch. Huminga ako nang malalim bago ko pinindot ung Play.
Janessa: Yan, game horsey! Buksan mo na ung regalo mo!
Ako: Bakit kailangan mo pang i-video?
Janessa: Para masaya!
Ako: Sheesh... I'm not---
Janessa: HORSEY!!! Isa!!!
Ako: Ok! Ehto na nga eh!Hehe...Ehto na ang pasaway na pasko...
Pinanood ko ung movie hanggang dun sa pagbukas nya nung regalo ko para sa kanya... Grabeh talaga saya nya nung nakita nya ung necklace na un.
Aba! Dapat lang na maging masaya sya dun noh! Binutas -- este, sinunog na pala -- nung bwiset na kwintas na un ung bulsa ko! Wawa naman...
Nung nag-cut na ung video, ung mga panahon na tapos na ung pag-eexchange namin ng regalo, tumayo na ko para patayin ung DVD – nang biglang may lumabas uhlet sa TV.
Whoa!
May lumabas pa uhlet na video sa screen. Teka. Hindi pa tapos? Kailan yan?!
Ako yan ah!
Lakas trip talaga ung si Janessa... Pati pagtulog ko kinunan!
Maya-maya, sumingit na ung mukha ni Janessa dun sa camera.
Janessa: Psst... horsey....look mo oh... Your sleeping face~ Lam mo, weird talaga, mukha kang anghel pag tulog. Pero pag gising naman.. Napaghahalataang natulak ka na anghel. :D
Lokong un! Anong natulak na anghel?!
Naupo uhlet ako dun sa couch para panoorin ung "pahabol" dun sa DVD.
Whoa! Nag-ssleeptalking pala ko?!
Napaka-educating ng video na itoh Hehe...kahit si Janessa mukhang nagulat nung nagsalita ako... Napatalon ung camera eh.
Janessa: Ok, horsey. Question and Answer portion tayo. Sasagot ka ok? Hmmm…
Tama bang gawin akong Ms. Universe?!
Nanood pa ko. Gano kaya katagal toh? At anoh kaya ang pinagsasabi ko habang tulog? O_OHeh, malamang ehto rin ung araw na napagdesisyunan ni Victor na magpa-hunting sa'kin.
Nako, humanda lang talaga un pag nakita ko sya---
Napatingin bigla ako screen nung narinig ko ung sinasabi ni Janessa.
Janessa: Horsey, bakit ang shtupid mo? Grabeh... Ang tagal-tagal na nating--
Ako: Anong stupid?... Tina-ta-wag mo kong stupid?.....Loko kang meatball ka ah...... Pasa-lamat ka.......... Mahal kita....
TEKAAAAA!!!
SANDALI LANG!!!!
Napatutok akong bigla sa TV. Nanlaki talaga ung mata ko. Nakita ko lang ung mukha ni Janessa na parang "Wha-!?” Napasugod ako sa TV – na parang magigising ung ako sa video pag yinanig ko ung TV.
Ako: Anong sinasabi mo? Anong. Sinasabi. Mo?!?
Napatigil ung camera sa pag-record. Josko, naiimagine ko lang ang shock at mukha ni Janessa nung narinig nya un.Ehto na. Ehto na ang end of the world.
Pero biglang umikot ung camera at lumabas ang namumula perong nakangiting mukha ni Janessa.At sinabi nya ung isang bagay na di ko akalain na maririnig ko pa.
Janessa: You know, Joshie... Mahal din kita.

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...