Gitara - Chapter 45

3.4K 42 0
                                        

Chapter 45:  (Janessa’s POV)

 

Paggising ko nung umaga, ang una kong tiningnan ay ung orasan...  At ang unang pumasok sa isip ko: Gutom na ko.”  Kaya lang, kahit anong rebelde ng tyan ko, hindi ako makatayo dahil inaantok pa rin ako.  Ayaw bumukas ng mga mata ko.  Abah, 8am lang oh!  Anong oras na kame natulog ni horsey?  Halos 2:00am na!  Shosyal noh?  Kumain lang kami habang nag-uusap.  Ang tagal ng heart-to-heart namin. :P

Abah, teka...

Napabukas uhlet ung mata ko at nakinig nang mabuti. May kung anong kamakaluskos sa apartment. o.O
Napatayo akong bigla.  Ninanakawan na ba kame?  Dahan-dahan kong binuksan ung pinto, tapos sumilip sa labas.

"Biglang may box from outerspace
Nakita ko sabay kinuha ko
'Yung box from outerspace
Binuksan ko at nasindak
May picha pie sobrang laki
Tinikman ko within five seconds
Naubos ko parang mani7"

My golay... Si horsey ba ung kumakanta na un?  Gising na ung kabayo?!

Lumabas ako ng kwarto ko at dahan-dahan na lumakad papunta sa kusina. Napatigil akong bigla nang nakita ko kung anong nangyayari.  My gush! Si horsey! Nagluluto!  Anong kababalaghan itoh?!

Napatayo na lang ako dun sa likod nya.   Pinapanood sya magluto (na once in a blue moon lang kung mangyari) -- tsaka nakikinig na rin sa kanyang early morning na alarm clock -- este, kanta pala.

"'Coz now I love my picha pie
As long as I eat picha pie
I know I'll be alive
I want all my garlic beef
Pepperoni, double cheese
Ang picha pie, picha piieeeee...Penge!7"

Hindi nya naman masyadong kabisado ung lyrics, noh? :P

Tinanggal nya ung kawali sa stove at nilagay sa naghihintay na plato ung niluluto nya.  Mukhang dapat sunny-side up na itlog ung niluto nya – nagmukha lang scrambled. -__-  Nung umikot sya para ilagay sa lamesa ung plato, dun nya lang ako napansin.

Joshua:  Nessy, gising ka na pala...
Ako:  Sa lakas ba naman ng pagkanta mo, sinong di magigising?  Buti hindi pa bumabagyo sa labas.

Tukso lang~

Joshua:  Hoy, maganda naman boses ko noh.
Ako: Sige, sabi mo eh...

Umupo na ko at naghintay na pagsilbihan ng kabayo ko. ;D  Nilagay nya naman ung hawak nyang plato sa harap ko.


Joshua:  Pa-deny ka pa dyan…  In lab ka rin naman sa boses ko. ;D
Ako:  Horsey, ang yabang mo.

ding! dong!

Napatigil kaming dalawa.  Tumingin ako sa kanya... Sya naman, tumingin din sa'kin.

ding! dong!

Joshua:  Ano? Makikipag-bato-bato-pick ka nanaman?

Psh.  Tinignan ko sya nang masama.  Porket ba malas ako sa bato-bato-pick, kailangan ako na lang lagi ang magbukas ng pinto?!  Pero anoh pa nga ba...  Tumayo ako – pero dahil hindi ako papayag na basta-basta na lang syang manalo – habang dumadaan ako sa kanya, ginulo ko ung buhok nya! ^o^

Joshua:  Oy, anoh ba?!?

Wahehe Tumakbo na ko kagad para buksan ung pinto.  Pagsilip ko sa labas, sumalubong kagad sa mukha ko ung three stooges!

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now