Chapter 41: (Janessa’s POV)
Ang tagal! Ang tagal tagal ha!
Mga 15 minutes na yata since umakyat si Joshua. Malamang nag-uusap na ung dalawa... Grrrr! Nangangati na ung paa kong sumugod sa taas at maki-tsisims.
Pero bad un... Need nila ng privacy... Kailangan kong magtiis at magdusa upang umunlad ang ating bayan!
Weeeh! Bayan-bayan ka dyan! Nakakaunlad din ng bayan ang knowledge – kaya alamin na natin kung anong nangyayari! Knowledge is power!
Ahyan lang ang argument na kailangan ko. Bumaba kagad ako ng kotse sabay takbo paakyat ng apartment namin. Inakyat ko ung stairs na un two at a time pa!
Pagdating ko sa harap ng pinto,napangiti akong bigla. Ang lakas talaga ng hatak ko sa taas... Naiwan lang naman na medyo bukas ung door. :D Tinulak ko pa nang kontiiii pa ung pinto hanggang sa narinig ko na ung nangyayari sa loob. Mukhang di man lang pumasok all the way ung dalawa bago nagsimula ng heart-to-heart nila. Oh well, works for me. Rinig ko sila loud and clear~++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(Joshua's POV)
Ang awkward. Gano na ba katagal since umupo kami ni Trixie sa dining room para mag-usap? Psh. Nagtititigan lang naman kami. Mahulog-hulog na nga ang puso ko nung nakita kong bukas ung pinto nung apartment, halos atakihin pa ko nung nakita ko kung sino ung nakatayo sa loob. Malamang naalala nyang dun sa crack sa dingding ko nilalagay ung spare key... Kaya ahyun, nakapasok kagad.Pero ang tahimik pa rin… -___-
Napatalon ako sa gulat nang biglang tumayo si Trixie.
Trixie: Bakit, Josh?
Huh?
Trixie: Why did you break your word? Sabi mo you'll wait for me... Kahit gano katagal...
Ako: Trix, naghintay ako…
Trixie: Then bakit may kasama ka na kagad na iba dito?!?
Ako: Si Janessa? Trix, I swear, we were forced to live together! Kahit tanungin mo pa sya.. And about dun sa letter... Di ako nagsulat nun...
Trixie: Then who did?!?
Ako: How about your family?
Natahimik syang bigla.
Trixie: No... My dad gave me his permission to go back... They wouldn't write such a thing...
Ako: Kaya nga! Di mo ba nakikita!? It's the perfect crime!
Nakz, perfect crime! wahaha
Ako: Papaisipin nilang ok na sila na magkasama tayo, pero sa totoo, nag-mmanipulate sila para maghiwalay tayo. Ang kinatapusan, inosente sila, guilty ako.
Tiningnan ako ni Trixie. Langya! Ang lamig ng tingin! Kulang na lang may lumalabas nang ice cubes sa mata nya!.... Tapos biglang natunaw ung ice... Halos paiyak na ung mata nya...
Trixie: I don't know what to think anymore...
Lalo akong kinabahan. Langya! Umiyak ba naman sa harap ko!?? Eh na-papanic nga ako pag may umiiyak!
Eh di syempre, ginawa ko kung anong normal na gagawin ng mga tao sa TV (nahawa na yata ako kay Nessy sa panonood ng telanobela). Nilapitan ko si Trixie, tapos niyakap ko...
Ako: Wag kang mag-alala, Trix. Kahit anong mangyari, I’ll be here for you. Lagi yan..
Squuueeakkk...
Napaikot kaming dalawa sa likod ko, kung nasan ung pinto. Parang biglang tumigil ung puso ko. Nanlaki ung mata ko nang makita ko si Janessa sa pinto. Dahan-dahan kong binitawan si Trixie...
Janessa: (biglang tumayo) I... I'm sorry... I...
Tumingin sya sa'kin tapos kay Trixie, tapos sa'kin uhlet... Nangilabot ako sa tingin nya. Di naman ung nakakatakot na galet. Wala ngang expression eh... Un ung nakakatakot... Di ko alam kung anong iniisip nya.
Bigla syang umikot sabay takbo paalis. Eh ako naman, by reflex, eh di hinabol ko!
Ako: Nessy! Sandali!
Ang bilis tumakbo ng meatballs sa hagdan! Buti di sya nahulog...
Ako: (habol pa rin sa kanya) Nessy!
Pumasok si Janessa sa kotse nya. Ako naman, sige, magpaka-Superman na at humabol bago masarado ung pinto. Nahuli ko naman saktong pagbagsak nung pinto... Buti na lang bukas ung bintana.
Ako: Nessy... Ano ba?
Janessa: (inistart ung kotse) Go away, Joshua.
Ako: Wait, bakit ba nagagalit ka?
Biglang syang tumingin sa'kin... Ahyan nanaman tayo dyan eh... Expressionless nanaman... Kakilabot!
Janessa: I’m not.
Napa-stepback ako sa lamig nung boses nya. Nabitawan ko ung pagkakahawak ko sa kotse. As soon as napansin ni Janessa na hindi na ko nakahawak, nag-drive kagad sya paalis. Ako naman, hanggang titig na lang... San kaya sya pupunta?
"Josh..."
Napaikot ako... Nakatayo si Trixie sa likod ko, hawak ung gitara ko. Nagsisimula nang tumibok ang ulo ko.
Ako: Trix.. I'm sorry... (nilabas ko ung cp ko) I just have to make sure na okay si Nessy.
Trixie: Why?!?
Napatingin ulit ako sa kanya. Hmm, at least sya, halatang-halata ung emotions sa mukha nya. Ung tipo bang ready nang makapatay sa galit.
Trixie: Does that girl mean more to you than I do?
Sa mga tanong na ganito, anoh bang dapat na isagot?
Ako: Trix...
Trixie: I knew it... There is something going on between you two.
Umikot sya papunta dun sa other direction...
Oist! Teka! Ba't dala mo ung gitara ko?!?
Trixie: (tinaas ung gitara) I guess you won't be needing this anymore.
Ako: Teka, ano? Trixie!
Bago pa ko makakilos, hinampas nya ung gitara dun sa gilid ng building... And syempre, ahyun, nagkawatak-watak ung gitara.
Ako: (na-shock) A-anong ginawa mo?
Trixie: (tumingin nang masama sa'kin) If I can't be your music muse anymore, then you don't need this at all!
Pagkatapos nyang sirain ang gitara ko at sigawan ako, tumakbo sya paalis. As usual, like the old times, eh galit nanaman sa'kin. Tiningnan ko sandali ung wasak ko nang gitara... Haaaayyyy... Nakakasama man ng loob, di ko na maliligtas yan, i-CPR ko man yan. Tinignan ko uhlet ung cellphone ko.
Teka, tinuruan ako ni Nessy mag-speed dial eh..
Press two nang matagal para sa number nya...
Ahyun, nag-ring! Wahahahaha Galing kong mag-speed dial! haha
Wait lang...
Ring! Ring! Ring! Ring! Ring!
C'mon, Nessy... Answer the phone.

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...