Gitara - Chapter 51

3.3K 26 0
                                        

Chapter 51:  (Janessa’s POV)

 

Sit on the bed alone, staring at the phone.
He wasn't what I wanted, what I thought, no.
He wouldn't even open up the door.
He never made me feel like I was special.
He isn't really what I'm looking for 8


Ugh...bubwit...

Stretchingness ako para patayin ung alarm clock sa nightstand ko. Ughh, 7 AM na kagad?! Parang kailan lang eh nag-eemote-emote pa ko dito sa kama ah.. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh... back to school na. T^T

Tumayo na ko.  Wala na rin namang magagawa ang beauty ko kahit magpapaikot-ikot ako sa kama. Di naman nun pipisatin ang school ko.  Pumunta ako sa kusina para magluto ng almusal. Maya-maya pa sigurado gigising si horsey -- mantika un eh.

Speaking of horsey….

Yah...  Ok naman kami kagabi.  Ikot sa grocery, bili ng beef, pork, chicken, konting veggies, mga canned goods, milk, eggs...  Bili kame ng stock for a whole month na… at pinag-debatehan kung ano bang nauna: chicken or the egg?  As usual, di nanaman nagpatalo ung horsey, kaya hanggang sa pag-uwi eh pinagdidiinan na nauna raw ung egg -- di naman masagot kung san galing ung egg.

Okay naman kame...kahit after nung mga narinig kong words na kavoom-pooosh! sa aking heart... I mean, totoo naman ung mga ka-dramahan ko kagabi about sa kanila ni Trixie, pero syempre di ba? Hindi ako si Darna... Wala akong lakas at kapangyarihan upang hindi masasaktan.  Ako ay tao lamang! May puso rin at damdamin~ 9

Teka… Mali yata ung lyrics ah... -____- Di ko na maalala ung sunod.

Pero anyways, un nga... I told him the trut and nothing but the trut, so help me God. Upbeat pa nga ako buong oras na magkasama kame sa grocery store, hanggang sa pagkain namin sa Jollibee, at pag-uwi namin at pagpapak ng ice cream hanggang 10:30pm.

Un nga lang, pagdating ng dilim...mag-isa sa kwarto...woooooooohhhhh~ Nabigyan ako ng chance na mag-todo emote.  Kaya un, reflect ako, at nag-isip, at nag-isip nang nag-isip.  Wala naman talaga akong magagawa kung close si Joshie at Trixie eh.  Ang saket lang, pero shut up na lang ako...

Pagkatapos kong magluto ng breakfast, kumain na rin ako.  Naligo ako at nag-ready na mag-shave ng legs.  Tinatowel-dry ko na ung legs ko para magshave nang mapansin ko:  mapurol na pala ung razor ko.

Isa lang ang alam kong sagot dito.... Kidnappin ang razor ni Joshie!

Balot ng towel, eh dahan-dahan akong pumunta sa kwarto ni Joshua para hiramin -- hiramin lang ha -- ung razor nya.  Dahan-dahan pa ko para di sya magising.  Baka mahuli ako.  Nung nakita ko na ung razor, kinuha ko tapos balik na sa kwarto ko, sa sarili kong banyo.

Avaaaaaahhhh...mas maganda pala talaga mag-shave ang razor ng lalake...bahket ganon? sexist!

Halos 9 AM na nga nung matapos ako.  After kong magbihis, sinilip ko si Joshua kung buhay na pa ung kabayo.  Abah, tulog pa rin ang mantika.  Eh baka atakihin naman ako ng guilt pag di ko ginising at ma-late sya.  Kaya bago ako umalis, eh magsisilbi muna akong alarm clock.

Umupo ako dahan-dahan dun sa tabi nung sleeping horsey.  Tinusok-tusok ko ng daliri ung braso nya.

Ako: Horsey... hhooooorsssseeeyyyy~
Joshua:  (mumbles) Anoh ba?
Ako: Hhoooorseeeyyy..tumayo ka na dyan, may pasok ka pa.
Joshua:  Oo na... (umikot sa kama)

Langyang toh... Talikuran ba naman ako.  Abah, tumayo nga ako... Wait lang, bwelo muna... Tapos takbo, at talon sa kama ni horsey! Yahooo! Talon! Talon! Talon! Talon! Talon! Talon! Talon!

Joshua: (biglang napatayo) Huy! Anoh ba?!?!

Tumigil ako sa pagtalon tapos bumaba ng kama.  Ayos muna damit ko, nakakawala ng poise eh.  Nung feeling ko mukha na kong presentable, nginitian ako si Joshua.

Ako: Yan, gising ka na.  Sige na, horsey.  Vavush!  Papasok na ko.  Ciao!

Lumabas na ko ng kwarto ni Joshua.  Malamang umuusok na tenga nun. Sarap talagang asarin ni horsey! Lalo na pag ganito kaaga! ^o^

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now