Gitara - Chapter 88

2.8K 38 0
                                        

Chapter 88: (Janessa’s POV)

 

Tumingin ako sa expectant faces ng audience sa harap ko.  I smiled dahil masaya ung grupo ng mga tao ngayong gabi.  At lalo akong napangiti nung nakita ko si horsey na nakaupo dun sa bar at nanonood sa'kin kasama sina Paolo, Mark, Ralph, Warren, Arianne, Jodi, Richie, at si Kristine... Yup, si insan Tin-Tin!  Why?  Pano napadpad si Kristine again dito?

It's becooozzzzzzzz...four years na ang nakalipas simula nung lahat ng drama na nangyari. Yeah, op cors, sa loob nung apat na taon na un eh papalagpasin ko ba ang panunukso sa kabayo?  Hinde noh! Walang araw na lumipas na di ako nag-jumping alarm clock dyan -- hanggang mahulog sya sa kama! wahaha Nung minsan nga nauntog pa sya dun sa ilalim nung kama pagtayo nya. bwahahahahaha... Oist, na-guilty ako nun noh! Ilang araw din naglakad-lakkad around si Joshua na may bukol sa ulo. :D

Anyyywaayyy, balik tayo sa aking gig tonight.  Lam nyo na, ung gig na kasama sina Ken. Yup, four years na ko sa business!  Asensado ang loka! ;D The only difference eh once a month na lang ako mag-vocalist kaseh nakahanap na sila ng full-time vocalist.  Eh temporary lang naman ako di ba?  Pero dahil malakas ang appeal ko (wahsush!), pinapakanta ako nung manager at least once a month. La lang, trip lang. Okie lang, may bayad naman!

So ehto na nga, on-stage ako tonight, and nandun silang lahat.  Halos two hours na kong nagkakakanta dito!  Langya, gutom na ko noh!

Ako:   Okay people, medyo pagod na ang lalamunan ko. Last song na toh okay?
Guy 1:  (from the audience)  Awww...  Maghihintay nanaman kame ng isang buwan para makita ka uhlet?
Joshua:  (biglang sumigaw sa likod) Eh kung ikaw kaya pakantahin ko ng 1 hour, 48 minutes at 17 seconds?!?

Whe?!?  Bilang?

Guy 1:  (kay Joshua) Tol, nagtatanong lang naman ako.  Chill ka lang dyan.

Ay oo nga pala.  Alam na poh ng lahat ng people dito na bf ko si Joshua.  Eh pinapakanta ko yan every month eh! wahahaha Hanggang sa may naintriga na, and ahyun, tinanong na kame.  Syempre, i-ddeny ko ba naman? So, anyway, daldal ko talaga, balik na nga tayo sa story.

Ako:  Oh sige, awat na.

Umupo na uhlet si Guyyee 1, at nanahimik na rin si Joshie.  Avah dapat lang noh!  Pag sumabat pa sya, eh pakainin ko talaga sya ng oatmeal at carrots for a whole week! -- which by the way eh ginawa ko nung minsang iniwan nya ko sa SM because nagselos again sya kay Warren -- na girlfriend na nga pala si Richie! wahaha... joke lang! ;D Si Arianne na ang girlfriend ni Warren ngayon.  Oh di ba? ;)

Ken:  (bulong sa'kin) Anong kanta naten?
Ako:  Eh di ung special request ko.
Ken:  Ahh... oo nga pala. :D

Nag-signal sya dun sa mga ka-bandmates namen, and nagstart na ung music.  Tumingin ako kay Joshie.

Ako:  Joshie, this one's for you, ok?  Wag nang maging pasaway. Happy anniversary.

Naghiyawan ung mga tao.  At ang lokang si Richie, nako, walang dadaig sa tinis ng boses ng bruha! Medyo kinilabutan din ako sa pagka-cliché, pero walang pakielamanan.  Minsan lang sa isang taon ako magpapakalandi nang ganito noh.

Ako:  (kanta) As long as stars shine down from heaven
And the rivers run into the sea
Til the end of time forever
You're the only love I'll need

In my life You're all that matters
In my eyes the only truth I see
When my hopes and dreams have shattered
You're the one that's there for me

When I found You I was blessed
And I will never leave You, I need You.(13)


After nung song, yan na ang closing applause.  Nag-bbye na uhlet ako and nag-thank you sa mga tao.  Napatingin ako sa bar kung san nakaupo si Joshie...

 Joshie?

Tumingin ako sa paligid. Nasan na ung kabayong un?  Nawalang bigla sa upuan nya.  Call of nature ba?

Pababa na sana ako nung maliit na stage.  Pero pag-ikot ko, mukha ni Joshua ang sumalubog sa’kin.

"Nessy..."

Napatalon ako sa gulat.  Napatingin sa paligid.  Anong ginagawa nito dito?

Ako:  Horsey?  Anong ginagawa mo dito?
Joshua:  Ehto na yata ung perfect time.
Ako:  Eh?

Tumahimik ung mga people nang nakita nilang may kung anong unplanned event ang nangyayari – at ahyan, stars of a movie nanaman kami ni horsey -- pinapanood ng buong bar.

Tumingin ako kina Ken at sa mga kaibigan ko na nakatambay pa rin sa bar.  Lahat sila abot noo ang mga ngiti.  Anong meron?!

Joshua:  Janessa...

Napatingin uhlet ako kay Joshua.

Ako: An--? *gasps* Anong ginagawa mo?!

Lumuhod sa harap ko si Joshua -- ung mga nakikita nyo sa cliche na romantic movies -- tapos may nilabas syang little blue box and hinarap sa'kin.  Ehto namang lola mo, eh naubusan ng words kaya napatitig lang ako dun sa kahon.  Ang cute ng kulay! Haha  San kaya nabili un?  Bakit kaya kailangan un ang itsura nung box?  Bakit di circle?  Or heart?  O kaya para mas maganda, eh butterfly na lang?

Sshh!!! Wag ka ngang maingay!  Nakaluhod si Joshie sa harap mo in front of MAAANYYYY people!

Parang biglang nag-ssink in sa utak ko ung nangyari. Nag-freak out lahat ng brain cells ko!

Oh my god.  Oh my god.  OH. MY. GOD.


Joshua:  Nessy... Alam kong mahilig ka sa mga corny na palabas -- langya, di pa nga ako nakaka-recover sa The Notebook mo eh!  Mag-iiyak ka ba naman nang ilang oras pagkatapos nating panoorin un!
Ako:  May pupuntahan ba toh o sisipain na kita?

Langya! Batoh kaseh sya! Bato!  Wala man lang karea-reaksyon sa The Notebook!  Sinong di maiiyak dun?!

Joshua:  Sssh!  Wag ka ngang sumingit!

Tumahimik uhlet ako.  Di ko alam kung san ako titingin.  Di matanggal ung tingin ko sa box sa kamay nya.

Joshua:  Okay.  Nessy, binalik mo ang music sa buhay ko.  Na-enjoy ko uhlet ang paggigitara, ang pagkanta, lahat-lahat sa buhay na-enjoy ko dahil syo.  Di ko alam kung anong gagawin ko kung mawala ka sa'kin... Kaya...

WAAAHhh!!! Thiz iz it!  Thiz iz really iz it!

Binuksan nya na ung little blue box.  Josko!  May singsing!  MAY SINGSING!!!


Joshua:   Nessy, will you marry me?

OH MY GOD!


Natulala ang beauty ko dun sa ring!  Ang pretty-pretty!  Ka-partner sya nung locket na binigay nya sa'kin nung Pasko four years ako.  Imbis na diamond ung engagement ring, it's a pretty sapphire stone... Weh! La kontra, maka-blue ako!

Ako:  J-joshie...

Richie:  (sigaw galing sa likod)  LANGYAH!!!  Um-oo ka na nga!!! Na-tetensyon na ko dito!

Tumingin uhlet ako kay Joshie tsaka dun sa singsing.  Hindi ko na napigilan umiyak.  Napatayo bigla si horsey!

Joshua:  Nessy, bakit?  Kung ayaw mo ok lang naman eh.  Di pa rin naman ako aalis. Siguro babalik ko na lang tohng singsing and buy a new one pero--
Ako:  NOO!!! Anong ibabalik!?  I'm crying because di ako makapaniwala na you're asking me to marry you!
Joshua:  Ibig sabihin "no?"
Ako:  No!  I mean, yes!
Joshua:  …Let’s try this again.  Nessy, will you marry me?

Lalo akong humagulhol.


Ako:  Yes!  Yes, I'll marry you!
Joshua:  R-really?
Ako:  Ayaw mo?  Kung ayaw mo, bigay mo na lang sa'kin ung ring at itatago ko na lang--

Lumapit sya sa'kin and whoosah!  Isang mahabang sweetiepie na kiss ang binigay sa'kin sa lips! (wahaha... mainggit kayo!)

Naghiyawan ang mga people... palakpakan... Tinigil na ni Joshie ung kiss, parang biglang naalala na may audience nga pala kame.

Awww!! Tapos na?  Isa pa! Kiss!  Kiss! Kiss!  wahehehe

Niyakap nya ko tapos sinuot na ung ring sa finger ko.  Halos hindi ko makita ung singsing dahil sa sobrang blurry ng mga mata ko kakaiyak.  Pero ahyun na.  Nakasuot na.  Niyakap ko uhlet si Joshua.

Yup, we're getting married.

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now