Chapter 58: (Joshua’s POV)
Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung inaway ako ni Nessy at tumakbo sya palabas at pagbalik eh wala naman ung mantika. Sardinas tuloy kame nung gabing un. -___- Tinatanong ko naman kung san sya galing, ayaw namang sumagot. Naligaw raw sya. As if naman! Bumagsak siguro toh sa course na Lying 101. Pero di ko na rin pinilit, kung ayaw sabihin, eh di wag.
Isa sa mga araw na wala syang pasok, eh kumakain kami ng almusal. Masama pa ang loob ko dahil kahit wala na nga syang pasok at pwedeng-pwede syang matulog nang matagal, kinarir nya pa rin ang paggising nang maaga para lang bulabugin ang tulog ko. Kailangan nya raw kaseh ako ipagluto ng almusal. Parang naman di ako marunong… May cereal at gatas naman! :D
Nilagay ni Janessa ung pancakes sa mesa, tapos ikot uhlet sa kusina papunta naman sa ref. Naglabas sya ng tubig, taapoosss balik sa kusina para kumuha ng baso. Langya, kanina pa ikot ng ikot!
Ako: Huy! Maupo ka na nga! Parang kang bubuyog dyan...
Janessa: (umupo na) Horsey naman, aga-aga, inaatake ka nanaman ng ka-sungitan mo.
Ako: Anong ka-sungitan? Ang bait-bait ko nga pinapaupo na kita
Janessa: Weh~?
Ako: Oo noh! (subo ng pancake) Wag ka nang kumontra, lam ko namang totoo.
Janessa: Ahsuz...Tahimik kami na inubos ung almusal. Nilalasap bawat kagat. Haha Nung nabusog na kaming pareho, tinulugan ko nang magligpit si Janessa. Baka sabihin hanggang lamon lang ako eh.
Janessa: Horsey...
Ako: Hm?
Janessa: Malapit na Pasko...
Ako: Ngayon?
Janessa: Lam mo na...
Ako: Ano nga?Tumigil ako sa pagpunas nung lamesa at tumingin sa kanya.
Mukhang importante toh ah...Ako: Anoh.. Pupunta ka ba sa Chicago para makasama mo family mo?
Janessa: Awww.. Don't look so sad, horsey.So pupunta nga sya?
Ako: Di noh... Ok lang un... Dito lang naman ako.. Mag-isa...sa Pasko... sa Noche Buena, all alone...
Pak!
Langya, nag-eemote na nga ako, babatukan pa?!
Janessa: Drama nito… Papa-emote effect ka pa dyan… Ako nagpauso nyan noh. And besides, di ako pupunta sa Chicago for Christmas. Wala akong pera. Itatanong ko lang... Kung anong regalo mo sa'kin?
Tinitigan ko sya…. Un lang? Un LANG?
Ako: Eh loko ka pala, ang dame-dame mo pang pasikot, tatanong mo lang pala kung bibigyan kita ng regalo!
Janessa: Eh kaseh naman, todo ang takbo ng mileage ng brain mo noh. Masyadong active yang imagination mo. (lumapit sa'kin) So ano nga, anong gift mo sa'kin?
Ako: Bakit, kailangan ba kitang bigyan ng regalo?Pak!
Ako: Aray!
Janessa: Hmp! Sungit na, kuripot pa... haaaayyy... Horsey ka talaga.
Ako: Cute naman!Yeah... Matagal na kong nag-give up sa pag-correct sa kanya sa kakatawag sa'kin ng horsey. Kabayo na kung kabayo. -__-
Janessa: Anong cute? Kala ko ba si Warren ang doggie dito?
Ako: Anoh?! Sa tingin mo cute ung asong un?!
Janessa: (natawa) Relax... ;D May pasok ka pa mamaya, high blood ka na.
Ako: Che! Teka, la kang pasok di ba?
Janessa: Yup
Ako: Aalis ka ba?
Janessa: (napaisip) I'm not sure... (biglang ngiti) Pero kung aalis ako, I promise, I'll be back before curfew. ;D
Ako: Curfew ka dyan… San ka naman pupunta?
Janessa: Hmmmm...Nag-isip pa talaga oh... Makaalis lang ng bahay..
Ako: Anoh?
Janessa: Sikretong malup-het!
Ako: Anoh?!?
Janessa: (natawa) Sige na, maliligo na ko.
Ako: San ka ka nga pupunta?
Janessa: Secret nga. Babalik din ako kagad... Ikaw, wag kang matutulog uhlet ha... (naglakad na papunta sa kwarto nya) Baka ma-late ka nanaman sa klase mo dahil bumalik ka sa kama.
Ako: Hoy--!At, sinaraduhan nya na ko ng pinto. Bubwit... Aalis nanaman sya mag-isa… Walang nangyayaring maganda sa tuwing umaalis sya mag-isa. Kaseh naman! May pasok ako eh... Di tuloy ako makakasama. Napatingin ako sa sink…
Ibig sabihin ako pa tuloy maghuhugas ng pinggan!

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...