Chapter 86: (Janessa’s POV)
Nahilo na ko kaka-drive kung saan saan. Dahil nagsawa na rin ako magpaikot-ikot, nag-drive ako papunta sa gotohan ni Aling Nena – ilang kalye lang ang layo sa apartment namen. Avah, mahal ang gasolina ha! Dami ko na ngang nasayang kanina, lalo pa ko magsasayang kung lalayo ako.
Hindi rin naman ako nakapasok. Ang dami kasing tao. Kaya ahyun, naka-park lang ako sa tabi ng kalsada, nagmumukmok sa loob ng kotse.
Tumingin ako sa salamin – at nanlaki ang mata ko. My golay! Anong klaseng hangin ba ang dumaan sa buhok ko?! Kinarir ang pagkagulo?!
Hinablot ko ung bag ko at hinalungkat ung loob para sa suklay. Nang di ko makapa ung bubwit na suklay, eh tinambak ko na sa passenger's seat ung mga laman. Kung anong laki ng bag kasi naman, ganun din kahirap hanapin ang dapat hanapin.
Nung wala nang laman, sige, taktak-taktak pa!
Uh wait...
Tinaktak ko uhlet ung bag. May naririnig pa kong kumakalog sa loob. Sinilip ko ung loob. Wala na namang laman.
Ako: Anoh un?
Tinaktak ko pa uhlet. Ahyun, may tumutunog talaga! Hala... May mumu sa purse ko Wala nang laman eh may kung anong nag-rrattle pa rin!
Sumilip uhlet ako dun sa loob nung purse, then dun ko lang naalala na may secret pocket nga pala itich...
Di ko maalala mga saktong laman nito kaseh pinadala ko lang kay Joshie ung bag nung 2nd day na gising na ko sa ospital. Matagal-tagal ko rin syang di nahalungkat ha.
Kinapa-kapa ko ung secret zipper and then binuksan. Sinaksak ko ung kamay ko at tinignan kung ano ba ung kamakalog sa loob.
Ohhhhh...
Ung necklace na gift ni horsey nung Pasko.Bakit nandito toh?
Loko talaga ung kabayong un... Ilagay ba naman dito ung ganito kamahal na jewelry?! Eh pano kung manakaw ung purse ko!? Eh di sandamakmak na libo na kagad inasenso nung magnanakaw na un?!?
Hinawakan ko ung locket. Intact pa rin ung mga diamonds, and op cors, shining shimmering splendid pa rin ung sapphire na nasa center... Oooh pretty-pretty talaga~
Binuksan ko ung locket, and bumulaga ang kabayo! nyahahahaha Joke, sa picture kaseh ni horsey ako napatingin kagad nung binuksan ko. Gwapo ni horsey... kahit kabayo...wakekeke.
Lalo ko tuloy namiss. T^T
Dapat siguro eh mag-turn around ako and kausapin man lang si horsey, noh? Besides, san pa naman ako pupunta?
Tinapat ko ung rearview mirror sa'kin tapos pinilit suotin ung necklace. Langya, pahirapan talagang mag-suot oh! Anoh bang trip ng gumawa ng kwintas at pagkaliit-liit ng bukasan?! Nung nasuot ko na, tinignan ko uhlet ung reflection ko with the necklace. Ganda~Makauwi na nga. Na-mesmerize nanaman ako sa ganda ko. hohoho
Binuksan ko ung makina nung car and then nag-drive na uhlet pauwi. Kung wala pa si Joshie dun, eh di maghintay, di ba? Kung nandun naman... eh di mas maganda---ako...wahaha... ang ganda ganda ko! charing!

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...