Chapter 34: (Joshua’s POV)
Lumipas ang isang linggo, at dumating ung gabi ng performance ni Janessa at nung aso na un, si “Warren” daw...grrr! Naaalala ko pa talaga sinabi ni Janessa nung tinanong ko uhlet sya tungkol dun sa bwiset na un...
Janessa: Si Warren? Uh, yeah... medyo mahangin, pero don't deny... Ang cute nya di ba?
Anong cute?!? Sa bagay... Aso lang naman ang cute. Kaya aso ung Warren na un... Aso!
Haaaaayyy.... Ang saklap talaga ng araw na toh. Nung hapon, nagkapikunan nanaman kame ni Janessa. Aba, eh di ko naman sinasadyang sunugin ung blouse nya noh! Bakit ba kaseh ako pinagpaplantsa nya?!
Kaya, ahyun, dahil pikon sya at bitter ako, dedmahan kame hanggang sa umalis sya papunta sa HardRock Cafe. Naiwan tuloy akong nagmumukmok sa living room.Langya, ka-inip! Anong oras ba babalik si Janessa?!?
Kakaalis lang eh noh? Eh kung sundan mo na lang kaya kesa di ka mapakali dyan?
Ahyuz, pinapayuhan ako ng sarili ko. Malubha na toh! At bahket ko sya susundan?! Baka isipin nya pa mag-ssorry ako sa pagsunog nung damit nya! Di ako aalis dito!
Ay sheesh!
Di rin ako nakatagal. Tumayo ako at kinuha ung susi ng kotse. Last time I checked, free country pa rin toh. At di naman kailangan ng invitation para makapasok ng HardRock noh! Malay nya ba kung napag-tripan ko lang na tumambay dun? Coincidence lang na nandun din sya.
Pagdating ko sa HardRock, aba, saktong kumakanta na si Janessa at tumutugtog ung aso. -____-
Wahahaha Tumutugtog ung aso! Marunong din kayang mag-meow un?Tumayo lang ako sandali dun sa may sulok, nanonood. Ganda talaga ng boses ni Janessa. Tumingin-tingin ako sa paligid. Mukhang gusto rin sya nung mga tao. Ganyan ba naman kase kaganda bumalandra sa harap mo, sinong di mapapakinig noh?
Janessa: (kanta) And you say... Stay...
You say... I only hear what I want to...4Pagkatapos nung kanta, isang masigabong palakpakan naman! Ha! Very much appreciated ang talent ni Janessa oh! Pati ung mga employees, nakikipalakpak din. Wahahahaha Masyado akong masaya.
....Bakit ba!? Masama bang maging proud?!
Nakita kong naglakad si Janessa papunta dun sa gilid nung stage. Isang mabilisang break time siguro. Syempre, parang naman akong bubuyog na dumiretso kagad sa kanya. Nung nakarating ako, nakatalikod sya sa'kin habang umiinom ng tubig. Gusto ko sana gulatin, kaya lang baka mabilaukan -- masapak pa ko. :P Kaya hinawakan ko na lang ung braso nya.
Ako: Uy...
Janessa: Joshie? Anong ginagawa mo dito?
Ako: Galit ka pa ba?Nginitian nya lang ako -- so malamang, forgiven na ko, di ba?
"Aba... Dumating pala ang butiki."
Napaikot ako at, tignan mo nga naman, may asong kumakahol sa tabi ko.
Ako: Hoy, aso, sinong butiki??!
Sasagot sana si Warren nang biglang maghiyawan ung mga tao. Mukhang pinapabalik na sa stage si Nessy. Ngumiti sa'kin si Warren -- ung nakakaasar na parang ang sarap sipain ba na ngiti -- tapos kinuha nya ung kamay ni Janessa.
Warren: Well, sige na, butiki... May performance pa kami ni Nessy.
Nung aakyat na sana sila sa stage, bigla ko ngang hinila ung T-shirt nya. Muntik na syang mahulog.... Sayang. Di pa natuluyan.

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...