Gitara - Chapter 82

2.6K 48 6
                                        

Chapter 82: (Janessa’s POV)

 

Kinabukasan, tanghali na ko gumising... As in tanghali na talaga. Ung tipong nasa gitna na ng sky ang araw.  Eh vahket ba?  Sarap matulog eh, tsaka, anu vah~ Pano ba naman ako matutulog eh bawat pikit ko, kinikilig ang brain cells ko. :D

Tumingin ako sa paligid ng kwarto.  Nandun sa isang sulok sina Kristin at Joshua, nanonood ng TV na pagkahina-hina naman ng volume.  Kaya siguro kung makatutok na lang sila sa screen, kulang na lang idikit ung mga mukha nila dun.

Ako:  Ahem..

Napatingin bigla sila sa’kin.

Kristine:  Oist, gising ka na pala?
Ako:  Hinde... Tulog pa rin ako.  Nagkataon lang na bukas ung mata ko at kinakausap na kita.
Kristine:  Che! Sinabi ko lang un dahil sa wakas, malalaksan ko na tohng TV noh.  Alam mo bang tatalunin na ko nyang si Joshua nung sinabi kong lalaksan ko nang konti – konti lang ha!  Baka raw magising ka.  In fairness, exagge!
Joshua:  Eh 10 times the volume ka naman maglakas ng TV eh!  Bingi ka ba?!

Ever.  Nag-away nanaman ung dalawa.  Pagkatapos nyang iabot kay Kristine ung remote (na mabilisan namang nilaksan ung TV), tumayo si Joshua and lumapit sa’kin.

Joshua:  Mustah tulog mo?
Ako:  Ok naman.  Wag kang mag-alala, di ko ma-distinguish kung white lady ba o nurse ang pumapasok sa kwarto ko, kaya ang himbing lang ng tulog ko.
Joshua:  Ok.

Pagkatapos nya kong tulungang umupo, lumakad naman sya papunta sa pinto.

Ako:  Oy, san ka pupunta?!
Joshua:  Bahket?  Miss mo na ko kagad?
Ako:  Hoy!  Anong miss?!  Excuse me lang ang feeling mo ha.
Joshua:  Abaaaaaahhhh... Inaaway mo ko?  Sige, ganyanan na.

Binuksan nya ung pinto tapos tumigil na parang nag-iisip.

Joshua:  May nakita naman akong magandang nurse dun sa ground floor.. Pupuntahan ko na lang un.
Ako:  Ganon?!

Tumawa lang si Joshua – at ang kapal ng face, pa-cute, kinindatan ako. O_O

Joshua:  Kaw naman, selos kagad.
Ako:  Anong selos?!
Joshua:  (tumawa uhlet) Binibiro lang kita, kaw naman. ;D  Teka, anong gusto mong kainin?

Nag-360-degrees kagad ang mood ko nung nabanggit ang pagkain. Ngiti kagad ako.

Ako:  Gusto ko ng palabok!
Joshua:  Palabok? Bakit?
Ako:  Eh kaseh...ehwan.... Anong bakit? Gusto ko nun eh.
Joshua:  Ang layo-layo ng Jollibee ah!

Yup, Jollibee.  Alam nyang wala na kong kakaining ibang palabok kundi ung sa Jollibee.
Ay, teka lang, paawa effect muna ako dito.

Ako:  Hm, sige na nga wag na lang. Baka mapagod ka pa eh. Iisipin ko na lang ung palabok. Kuha mo na lang akong iced tea or tubig.
Joshua:  Sheesh. Sige na nga.. Bibili na kita ng palabok mo.  Sige.

Lumabas na sya ng kwarto para bilhin ang palabok ko, ako naman, avah, abot noo ang smile... Hahaha... may palabok ako! may palabok ako! :D

Kristine:  Kailan pa naging kayo?

Screeeech!

Napalipad ang tingin ko kay Kristine na kanina pa pala kami pinagmamasdan ni Joshua.  


Ako:  Anoh?!

Lumapit sa'kin si Kristine, completely nang kinalimutan ung pinapanood nya.

Kristine:  Nung iniwan ko kayo, kulang na lang eh tabunan mo sya ng unan habang natutulog sya.  Ngayon, lovey-dovey na kayo?  Kailan pa nagging kayo?
Ako:  Hindi kami ah.

Pero konti na lang~ Waahhh charing! hahaha

Pero wait!  Pano matutuloy ang pagiging kami kung wala ako dito?!


Ako:  Tin, you have to help me!
Kristine:  Huh?
Ako: You've gotta help me stay!
Kristine:  Anoh?!
Ako:  Sige na, couz.  Tinulungan mo na ko before, so help me na uhlet... Pleeeeeaaaaaaaaaassseeee
Kristine:  Bahket?!
Ako:  Eh... kaseh...

Pinaglaruan ko ung tube nung IV at napatingin sa kumot ko.  Nararamdaman kong umiinit ung mukha ko.

Kristine:  *gasps* My goshingnezz!  You like him!
Ako:  Well, duh.  Pagkatapos ba naman nung nangyari, anoh pa bang ibang dahilan ko para mag-stay?

Biglang nagtatalon si Kristine at umupo sa tabi ko.  Biglang nagbago ang ihip ng hangin, natuwa bigla.

Kristine:  Yiiheeeeeee!!! Kailan pa? Kailan pa!? OMG!  Kayo na ba?!
Ako:  Anoh vah, hindi nga kami.  And I don't know kung kailan pa.  Pero alam mo last night, he told me he loves me.
Kristine:  EEHH!? TALAGA?!? OH MY GOD!!!

Parang lang kaming dalawang timang na kinikilig-kilig sa pinagkkwentuhan namen. ;P

Kristine:  Then?  Ano pa?!  Anong sinabi mo?
Ako:  Wala na, lumabas kagad sya pagkasabi nya.  Tapos sabi nya pa, when I'm feeling better, dapat daw umuwi ako sa kanya.

Kristine: Awww…

Ako:  Kaya, couz, you have to help me.

Umayos ng upo si Kristine tapos nag-a la Andres Bonifacio dun -- sugod mga kapatid!!!

Kristine:  Wag kang mag-alala. Ako nagsimula ng love story nyo, kaya tutulungan kita!

Sya raw nagsimula?
Di na ko nagsalita... Baka pag sinira ko ung moment of glory ni Kristine eh di pa ko tulungan.. Kaya sige, watch in awe na lang ako.  Go, insan!  ;)

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now