Gitara - Chapter 59

3.1K 32 1
                                        

Chapter 59:  (Janessa’s POV)

 

slurp! slurp!

Lakad ako around-around sa 5th floor ng MegaMall.  Tingin-tingin sa paligid... Medyo marami ring tao, as usual.  Mga advanced Christmas shopping spree siguro tohng mga toh.  Buti pa sila, mukhang alam nila kung anong gusto nilang bilhin.  Samantalang ako, ilang oras nang nag-iikot at naghahanap ng regalo, ang list pa rin ng mga nabili ko ay:  palabok, coke, fries, choco sundae ng Jollibee, mocca frapuccino ng Starbucks.  At ngayon, dahil na-ffrustrate nanaman ako dahil fruitless pa rin ang shopping trip ko, parang gusto ko nanaman kumain. -___-

Whoa!

Napatigil akong bigla sa harap ng music store.  Tumunganga muna ako habang nag-iisip.

Hmmmmm... Sige na nga.

Tinapon ko ung mocca frapuccino ko sa basurahan bago pumasok.  Talaga nga naman... Bakit nga ba di ko naisip kagad toh? Anoh pa nga bang perfect gift para kay horsey kundi timer para sa karera nya sa Sta. Cruz! ^o^  Joke! Nyahaha  Nag-catch ng attention ko ung gitara na nakasabit dun sa wall...

Ang pretty.

Nilapitan ko at tinignan nang mabuti--

---at ang mahal!

Langya, konting kahoy, pintura, at strings, libo-libo na?!  May ginto ba yan?!

"Nessy?"

Kabayo!

Napaikot akong bigla sabay stepback... Ready to wapaw! ang aking attacker!

Hopia!

Napatigil ako nung nakita ko kung sino ung kumalabit sa’kin.

Ako: Ken?
Ken:  Hello.   Anong ginagawa mo dito?

Tumingin uhlet ako dun sa gitara, tapos balik tingin kay Ken – na, haayyyy, pwede bang maligo lang sandali sa shine ng pagka-papafable nya?

Ako:  Tumitingin lang ng regalo para sa Pasko.
Ken: (tumingin dun sa gitara na pinagkaka-interesan ko) Para ba kay Joshua?
Ako: Yeah. (ngiti) Kaya lang di ko lam na ganito pala kamahal ang gitara.
Ken:(ngumiti) Mahal talaga yan... Especially kaseh nylon ung strings...
Ako:  Huh?
Ken:  It means, mas maganda kaya mas mahal kesa sa ordinary guitars.
Ako:  Ah.  Great. -.-

Sinamahan nya kong lumakad palabas nung store.  Mukhang nagkataon lang talaga na nandun din sya.  Anoh nga namang liit ng mundo, noh?

Ken:  Bakit di mo na lang bigyan ng card? ;D
Ako: (natawa) Oo nga noh. Self-made pa!
Ken:  Tama. Bond paper na lang tsaka crayons bilhin mo.. Tipid ka pa.

Tumawa ako.. Di kaya batuhin ako ni Joshua kung ibigay ko un? nyaha.

Ako: (sighs) Sayang naman... I'd really love it kung makukuha ko si Josh ng gitara for Christmas... Kaya lang, short ako sa pondo.
Ken:  I can help you figure something out.  Gusto mo mag-brainstorm?
Ako: Eh?
Ken:  Good deed ko na para sa Christmas season.  Magpapakabait ako ngayong Pasko.

Uu nga... Mabait ka na nga.  Bigyan mo na lang me ng cash para di na tayo mahirapan mag-isip.

Nyaha...kapal face noh?

Ako:  Ay, teka, anoh nga palang ginagawa mo dito?  Christmas shopping din?
Ken:  Magkikita dapat kame ni Nica eh, kaya lang something came up, kaya di sya nakapunta.
Ako:  Nica? Is that your girlfried?
Ken:  Yeah.
Ako:  Gano na kayo katagal?
Ken:  Almost a year na.
Ako:  Nakz, medyo matagal-tagal na rin ah...
Ken:  Oo nga eh. Kayo ni Joshua?  Gano na kayo katagal?
Ako:  Huh?!?!  Nako, hindi kami noh!
Ken:  Hindi ba? O_O  Kase...pag magkasama kayo...parang... Sorry ha... Pahiya tuloy ako...
Ako:  Ok lang… (nervous laughter)

My golay! Sumugod yata lahat ng dugo ko sa mukha ko. Gano kapula un?

Ken:  But you like him, don't you?
Ako:  Eh!? Bakit mo naman nasabi?
Ken:  (ngumiti) I just know... Kaseh pag may sinasabi ka tungkol sa kanya or pag nababanggit ung pangalan nya, may kung anong kinang dyan sa mata mo eh. ;)

May stars sa eyes ko?  Nandyan ung Milky Way di mo ba alam? Tsaka ung Sneakers, Three Musketeers, Toblerone... :D


Sheesh...Gusto ko ng chocolate!

Ken:  Teka, nag-merienda ka na ba?
Ako:  Nag-iisip pa nga lang ako kanina na kumain eh.  Lilibre mo ko?
Ken:  (ngumiti) Oo ba
Ako:  Hala! Joke lang un! May laman pa naman ung wallet ko kahit papano.
Ken:  (natawa) Okay. Tara na lang sa Triple V.

Iikot na sana kami nang biglang may tumawag nanaman sa'kin sa likod ko.
Really... What's with all the people and my name?  At bakit parang nagsusulputan silang lahat out of nowhere?
Tumingin kami ni ken para tingnan kung sinong nandun..  Lalo akong nawindang nung nakita ko ung mabilis na naglalakad papunta sa’kin.  Si Warren.

Ako:  Oh, Warren... Anong ginagawa mo dito?
Warren:  Dumadaan lang. Lam mo namang dito kita nakilala... ;)

Hehhh….. o_O

Bigla syang tumingin kay Ken...

Ako:  Ay, nga pala... Ken, si Warren...Warren, si Ken, schoolmate ko.
Warren: (kay Ken) Tol... Nililigawan mo si Nessy?

Wha--!?!?!

Ken:  (napangiti) Hinde... May girlfriend ako, pare.
Warren:  Buti naman... Kala ko sasama ka kay butiki sa panliligaw kay Nessy ko eh.
Ken:  Butiki?
Ako:  (bulong sa kanya) Term of endearment nya para kay Joshua. ;)
Ken:  (napangiti) Ahhhh...
Warren:  Speaking of butiki, nasan un at bakit hinahayaan ka nyang maglibot mag-isa, may kasamang ibang lalake?  (tingin sa paligid)
Ako:  May klase sya eh.
Ken:  Anyway, Warren, kakain kami... Gusto mo, sama ka na?
Warren:  Sure!

Kaya ahyun, naglakad kami sa mall – in between ako ng dalawang papables.  Dalawang papables!... nyaha! Mainggit ka! ;D

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now