Gitara - Chapter 27

4K 48 2
                                        

Chapter 27: (Joshua’s POV)

Nakatulog si Janessa sa couch pagkatapos ng pag-iyak ng isang dagat ng tubig. Langya, ibang klase rin palang atakihin ng iyak toh! Kala ko mangangailangan na kame ng bangka eh! Pero syempre, pag namatay nga naman ung isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay mo... Di ka nga naman ba maiiyak?

Nung napansin kong tulog na sya... haaaaaaaaaayyy... kailangan ko nanamang magpaka-gentleman. Alangan namang matulog ako sa kama, tapos sya dito, all alone sa living room...

..bakit nga ba hinde? wahehehe

-___-  No choice. Mukhang kailangan kong buhatin si Meatball papunta sa kwarto. Bubwit, dito ba naman kaseh matulog.  Tinitigan ko ung nakahiga nyang katawan... Measure-measure muna... Mukhang mabigat!

Tumayo ako...

Kailangang mag-stretch! To the left! To the right! Up! Down!

Yan! Game! Oof!!!

Lumapit ako kay Janessa at -- ehto na -- binuhat sya…. Nyekz. O_O Di naman pala ganon kabigat. Sayang ung energy ko pag-eexercise. Binuhat ko sya hanggang sa kwarto ko, tapos binagsak sa kama. Di joke lang. Dahan-dahan ko namang nilagay.

Janessa: (mumbles)Thanks, horsey...

Horsey?! Dapat nga binagsak ko na lang.

Janessa: (bulong) Will you sing something for me tomorrow? Ung totoo... For my birthday?
Ako: Kala ko ba ayaw mong alalahanin na birthday mo?
Janessa: (umikot sa kabilang side ng kama) *yawn* Yeah... But you said you're here na.. So I don't have to worry about it anymore... Di ba?
Ako: Ganon? Teka... Okay na ba syo London Bridge naman?

Walang sagot.

Ako: Oi...?

At ehto ako, kinakausap ang tulog.

Naupo ako sa tabi nya. Wala lang. Tinitingnan ko lang sya matulog. Lam nyo bang ang sarap tingnan ng isang babaeng matulog? Ehwan ko ba... Parang ang peaceful nilang matulog...
Ibang-iba pag gising. wahahahaha

*yaaawwwwwnnnnn*

Halos 1 AM na. Makatulog na nga rin.

Tumayo na ko at naglakad palabas ng kwarto. Bago ko isarado ung pinto, sinilip ko ulit si Janessa.
Mukhang mahimbing na ang tulog.

Ako: Good night, Nessy.

__________________________________________________


Kinabukasan, nagising ako sa amoy ng usok. Pagdilat ko, usok rin kagad ang una kong nakita! Puno ng usok ung apartment!

Oh sh*t! Sunog?!

Napatalon kagad ako. Madapa-dapa sa pagmamadali kong tumakbo papunta sa kusina. Pagpasok ko nung kusina... I should have known kung anong nangyayari...

..si Janessa, nagluluto ng kung ano.

Ako: Anong ginagawa mo?
Janessa: Ei, good morning, horsey! Nagluto na ko ng scrambled eggs, tsaka bacon, tapos dumaan ung pandesal kanina kaya bumili na rin ako. Tapos pinagtimpla na rin kita ng juice. Kain ka na. May pasok ka ba?
Ako: W-wala naman.

Whoa! Full breakfast toh! Napasarap yata si Janessa sa pagluluto. O.O

Naupo ako dun sa dining table, at parang waitress, naglagay si Janessa ng plato sa harap ko, nilagayan nya ng scrambled eggs, bacon, tinabi sa'kin ung pandesal, tapos naglagay na rin ng juice sa baso ko...

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now