Gitara - Chapter 31

3.7K 36 0
                                        

Chapter 31: (Joshua’s POV)

 

Kinabukasan, nakakulong si Janessa sa kwarto ko, habang ako naman eh tinuturo dun sa mga delivery men kung saan ilalagay ung kama, ung dresser, at ung drawer sa kwarto nya. Langya, dapat sya nag-aasikaso nitong mga toh eh! Kwarto nya toh ah!

Pagkatapos ayusin nung mga tao ung mga furniture, inabot ko na ung pera na binigay ni Janessa para dun sa mga nag-akyat. Pagkatapos kong panoorin umalis ung mga nag-deliver, napatingin kagad ako sa orasan. Simula nung tanghalian, limang oras ko nang di nakikita si Janessa – which is weird since hindi naman ganun kalaki ung apartment, noh?

Ano kayang ginagawa nun?

Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko at nakinig sa loob. Nung wala akong narinig na kahit ano, dahan-dahan kong binuksan ung pinto... Di na ko kumatok.  Bahket ba?  Eh kwarto ko naman un…  Tsaka baka sabihin iniisip ko sya o concerned pa ko! pwe! Sisilip lang ako... Silip.

Nakita ko si Janessa na nakaupo sa kama, nakatalikod sa'kin. Mukhang may ginagawang seryoso ah.
Gusto ko sanang lumapit -- ung hindi ako mapapansin -- titignan ko lang kung anoh bang pinagkaka-seryosohan nya nang todo-todo dun. Kaya lang, kahit si Superman di makakalapit nang hindi mapapansin ni Janessa... Kaya sinarado ko na lang ulit ung pinto at dumiretso sa kusina. Ikakain ko na lang toh.

Binuksan ko ung ref... Bakit may beefsteak dun? Sinigang ulam namin kanina ah.. Hmmm... Oh well.
Nilabas ko ung tirang cake nung birthday ni Nessy -- ung binili ni Paolo habang pauwi kame. Sweet nung mokong noh? Feeling close.

Kinakain ko na ung cake nang napatitig ako sa lamesa. Ngayon ko lang na-absorb.. May kung ano dun sa gitna nung mesa. Syempre, curious ako, hinawakan ko.

Kandila?

Anoh ba ginawa ni Janessa kagabi? Nangkulam?

"Horsey! Horsey!"

Napatalon ako bigla. Napatingin ako kay Janessa na excited na tumatakbo papunta sa'kin.

Ako: Ano?!?
Janessa: Shush... Masyado naman toh mag-react. (umupo sa harap ko) Lam mo ba kung anong nakita ko net?

Ahhhh... Nag-iinternet pala sya.  Laptop siguro ung pinagkaka-seryosohan nya kanina.
Hahaha! Mystery solved! Sige, eenjoy ko na tohng cake ko.

Ako: Ano? (subo)
Janessa: May one-night concert sa HardRock Cafe! Naghahanap sila ng singers!
Ako: Okay.... Ngayon?
Janessa: Oh, c'mon... Ayaw mo bang sumali? Just for fun?
Ako: Sabi ko naman syo, di ako kumakanta at matagal na kong di tumutugtog sa mga ganyan.
Janessa: Eh? You used to do it?

Ung kanta sa bar? Syempre hinde!

Ako: Ibig kong sabihin ung tumugtog sa harap ng maraming tao.
Janessa: Kumanta ka nung pyesta ah
Ako: Iba un!
Janessa: Bakit?
Ako: Napilitan lang ako nun... -___-

Tumahimik si Janessa. Syempre, napatingin tuloy ako sa kanya. Nakatitig nanaman sya sa'kin... Kakilabot! Parang may ginawa nanaman akong mali ah!

Ako: Bakit ganyan ka makatingin?!

Pinagpapawisan yata ako...

Janessa: Wala.

Tumayo na sya. Parang biglang nawala lahat ng excitement sa katawan nya.

Janessa: Ayaw mo talaga?
Ako: Di mo na ko mapipilit.
Janessa: (bulong) I bet kung si Trixie nag-ask syo, daig mo pa nag-mmarathon sa bilis ng pagpayag mo.
Ako: Ano?
Janessa: (ngumiti) Wala poh. Titingnan ko na ung kwarto ko ha. Lilipat ko na rin ung gamit ko.

Nagsimula na syang maglakad paalis. Tapos may naalala yatang bigla, napatigil sabay ikot para tumingin sa'kin.

Janessa: Oo nga pala, horsey... Cake ko yan!

Nginitian ko na lang. Anoh pang magagawa ko? Eh cake nya naman talaga toh. Alangang mag-deny ako. :P  She just rolled her eyes at iniwan ako para bumalik sa kwarto ko. Maya-maya, naririnig ko na syang naghahakot ng mga gamit nya papunta sa bagong kwarto nya.

Sumandal ako sa upuan habang nag-iisip. Tama ba ung narinig ko kaninang sabi nya?  Nagkamali ba ko ng rinig o talagang binanggit nya nga ba si Thrixie?

So?

Bumalik ako sa pagkain ko.  Eh ano naman kung binanggit nya pangalan ni Trixie? Wala naman siguro syang ibig sabihin dun. Baka nanunukso lang...


...Except, imbis na nanunukso, parang nanunubok ung boses nya.

Gitara [Official] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon