Gitara - Chapter 32

3.9K 43 0
                                        

Chapter 32: (Janessa’s POV)

 

Nung Sabado, pumunta ako sa Megamall. All alone, since may pasok si Joshua at busy naman sina Richie. Ayoko man magpaka-loner, eh may sale. Papalagpasin ko ba naman un?! ;D

Halos buong araw akong nasa mall.  Bakit ba?  Minsan lang ako magliwaliw eh… Kaya siguro nung hapon na, ahyan na, hinahanap na ko ni Joshua.  Pinaliguan ako ng text.  Tingnan mo tohng lokong toh... Kung kailan di ko sya hinihintay, dun umuuwi ng maaga. Psh.  Nung nagsawa na ko sa kaka-text nya, tsaka ako nag-reply na nasa Megamall ako.  Pa-importante eh noh? ;D

So sick of love songs, so sad and blue--5

Hala! Tumawag ba?!

Ako: (sagot cp) Hello?
Joshua: Anong ginagawa mo dyan?!
Ako: Salamat sa napakagandang bati...
Joshua: Ano nga?
Ako: Nagpapalamig. Ang init eh.

As if sasabihin ko na nangangarap nanaman akong gumastos. bwahahahaha
Hindi naman full lie ung sinabi ko. Mainit naman talaga. Lumakad ako papunta dun sa ice cream parlor ng McDo at bumili ng choco sundae.

Joshua: Sinong kasama mo?
Ako: Wala.. Ako lang.
Joshua: Anoh?!? Umalis kang mag-isa?! Eh kung may nangyari syo?!

Concerned ang act?!?

Ako: Relax ka nga lang. Nasa Megamall lang ako.

Pagkatapos kong makuha ko ung order ko, naglakad ako papunta sa mga bench para maupo. Mahirap kumain at makipag-usap nang nakatayo at naglalakad noh.

Ako: Gusto mo ice cream, horsey?
Joshua: Che! Nasan ka?
Ako: Sa Megamall nga, anoh ba?
Joshua: Alam ko! San sa Megamall?
Ako: Sa 5th floor. Sa may McDo... Bakit?
Joshua: Wag kang aalis dyan! Hintayin mo ko.
Ako: Anoh?! Bahket!?

Toot... Toot…

Ako: Hello? Hello?!

Shwish! Tinapon ko ung cp ko pabalik sa bag ko. Bubwit na kabayo un... Babaan ba ako!

Nag-stay ako sa kinauupuan ko – kumakain ng ice cream at para na rin ipahinga ang paa ko. Ava'y sa laki ba naman ng Megamall, kailangang mag-recharge!. . . . Sige na, nag-stay ako dahil sa demanding na kabayong nagsabing maghintay raw ako. -____-

Nagbibilang ako ng mga taong dumadaan na may yellow na sandals (avah, madame-dame rin ah!) nang biglang may sumulpot sa tabi ko. Out of nowhere lang, biglang nakiupo.

Syempre, pasimpleng tingin naman ako...
Oh my golay! Fafable na fafa! ;D

Ako: *cough*   *cough*

Bubwit! Nabilaukan pa!

Ako: *cough*   *cough*
Fafable: (napatingin sa'kin) Miss, ok ka lang ba?

Mukha ba kong ok?  Nalunok ko na yata ung kutsara, namumula na yata ako dito, mukha pa rin ba kong ok!?

Ilang ubo pa, nabawi ko na rin ung hangin ko, at medyo nakakahinga na ulit ako.
Naluwa ko na ng kutsara. hahaha

Nakatingin pa rin sa'kin si Faffy. Wa poise! Nabilaukan ako!
Kaseh naman, ang mukhang ganyan ka-gwapo, hindi dapat bigla-biglang nag-aappear!

Faffy: Ok ka na?
Ako: Uh, yeah... Thanks...

Pinupunasan ko ung luha sa mata ko nang biglang tumawa ung katabi ko. Parang timang, bigla-biglang tumatawa...

Faffy: Namumula ka. ;D

Aba'y bubwit... Ako pala ang pinagtatawanan!?!

Faffy: (ngiti) Ang cute. :)

At ginawa pa kong aso?!

Faffy: Ako nga pala si Warren...
Ako: Ahh... (sapilitang ngiti) Okay...

Anoh ba toh? o_O

Warren: Kaw? Pangalan mo?
Ako: Ah... eh...
Warren: (ngiti) Wag kang mag-alala, di ako kidnapper o rapist.
Ako: Sure ka?

Sabihin ba un ng diretsuhan? Bakit, sa palagay nya, nagsasabi ba ang kidnapper o rapist na kidnapper o rapist sila? Syempre, ang sasabihin nila, matino rin silang tao. Loko rin pala tohng kausap ko eh.

Warren: Oo. Malamang, iniisip mo na ang presko ko... Lumapit ba naman ako syo, tapos nagpakilala na lang bigla. Nabilaukan ka tuloy. :D
Ako: Sinong may sabing kaw dahilan kung bakit ako nabilaukan?

Namumula nanaman ako. I can feel it!

Warren: Maraming nagkakaganyan pag nilalapitan ko eh. ;)

Lumalakas yata ung aircon dito...

Ako: Ahhh...
Warren: So, name mo?
Ako: Janessa
Warren: Nice name.
Ako: I know.

Since feeling close sya, eh di naki-feeling close na rin ako... nyaha! Usap-usap kame tungkol dito at doon... Kung anu-ano... Hanggang sa napunta ang topic namin sa music at dun sa HardRock Cafe.

Warren: Bakit ayaw kang samahan nitong Joshua na toh?
Ako: Ehwan. (tinapon ung baso ng ice cream sa basurahan) Tinakwil nya na yata ung music since nag-break sila ng gf nya... Pang-telanobela nga eh.
Warren: Tange rin pala un noh?
Ako: Di naman... Ayaw nya lang talaga tumugtog.
Warren: I can play the guitar din. Gusto mo ako na lang mag-accompany syo?
Ako: Talaga?!
Warren: Sure! This sounds fun... And kung maganda naman boses mo, aba, eh di sulit na pagtugtog ko.

Panalo sa pang-bobola ah...

Ako: Wow, thanks!

Tumayo si Warren...

Warren: Halika, mag-karaoke tayo.
Ako: I can't. May hinihintay ako eh.
Warren: Sino? Bf mo?
Ako: (natawa) No. Si Joshua... We're roomies.
Warren: Okay lang yan. Mag-ttext naman un pag nandito na sya, eh di bumalik na lang tayo.
Ako: But...

Inextend ni Warren ung kamay nya sa'kin... Nanunukso talaga...

Warren: Lika na.

Makikipagtalo pa sana ulit ako nang napatingin ako sa likod nya... May nakatayo... at may masamang aura ung taong nakatayo sa likod ni Warren... O_O

Si horsey!

Napansin ni Warren na sa iba ako nakatingin kaya napaikot din sya -- at nakaharap ni faffy si horsey. Kung nandito si Richie, nako poh, naloka na un sa tuwa! Dalawang fafable ba naman nasa harap nya!

Kahit na medyo may pagka-masama ang tingin ni Joshua kay Warren...

Joshua: Sino ka?
Warren: Pake mo?  Sino ka?

Woist!

Ang tense ng atmosphere!

Joshua: Nessy, ginugulo ka ba nito?

Langya, nagtatanong, di naman sa'kin nakatingin. Bakit si Warren ang tinititigan nitong kabayong toh?

Ako: Uh, no...

Parang may ilang seconds din silang nagtitigan. Nung tatalunin ko na sana silang dalawa para lang mawala ang hostility sa air, biglang tumingin sa'kin si Warren, sabay ngiti.

Warren: Ehto na si Joshua... Sige, Nessy.

Oh, naki-Nessy naman toh...

Warren: See yah!

Lumakad na sya paalis. Pinanood ko lang sya sandali -- pasipol-sipol pa eh -- tapos nilipat ko ung tingin ko kay horsey. Nakatitig sya sa'kin.

Ako: Ano? Bakit ganyan ka makatingin?

Nilapit nya bigla ung mukha nya sa'kin -- syempre, napa-atras akong bigla. Di tumigil si horsey, talagang pinangliitan ako ng mata.

Joshua: Sino un?

Kakilabot ang titig ha.
Tinulak ko sya palayo para makatayo ako. Ayoko nang ganyang titig -- parang interrogation ang drama.

Ako: Wala noh. Bagong kakilala.

Naglakad na ko paalis. Habol naman kagad tohng si Joshua.

Joshua: Sinong naunang magpakilala? Anong sinabi nya? Gano kayo katagal nag-usap? Bakit parang iniisip nya na magkikita uhlet kayo?
Ako: Horsey...

Tumigil ako, sabay harap sa kanya...

Ako: Shut up.

Ikot at lakad uhlet palayo. Sunod pa rin sa'kin si Joshua, at tuloy pa rin ang pag-iinterview nya.
My golay! Parang bubuyog o lamok sa tenga ko! Hindi mapakali sa ingay!
Tinignan ko ulit sya.

Ako: Horsey, kung nagseselos ka, eh sabihin mo na lang, ok?! Dadaldal ka pa eh. Sheesh!

Napatigil bigla si Joshua. Ung mukha nya parang napahiya na nagddeny na di mo maintindihan... Mukhang alien! wahahaha

Joshua: Anong selos?! D-di ako nagseselos noh! Bakit naman ako magseselos!?
Ako: Oh really?

Nagsimula na ulit akong lumakad. Nung napansin kong walang sumusunod sa'kin, sinilip ko sya sa likod ko. Nakatayo pa rin sya dun. Na-frozen yata. De-deny pa, obvious namang bothered sya.

Ako: Horsey!

Napatingin sya sa'kin. Nung na-realize nyang malayo-layo na ko, sunod kagad ulit sya. Flustered masyado. hahaha

Joshua: Hindi "horsey" pangalan ko!

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now