Gitara - Chapter 29

3.8K 47 0
                                        

Chapter 29: (Joshua’s POV)

 

Pagdating namin nina Paolo at Janessa sa bar, nandun na ung dalawa ko pang ka-tropa (sina Mark at Ralph). Nag-iinuman na nga eh... Di man lang naghintay. Pag-upo ni Janessa, lumipad kagad ung mga mata nung dalawa sa kanya.

Ako: Huy!

Umupo ako sa tabi ni Janessa, pero wa epek. Nakatitig pa rin!

Ako: Ano bang tinitingin-tingin nyo dyan!?

Nag-blink ung dalawa, sabay lumipat naman ung tingin sa'kin. Tingin up-down, tapos sumiksik dun sa sulok para magbulungan -- kung bulungan ba ang tawag dun, eh rinig na rinig pa rin naman.

Mark: Tingin mo girlfriend nya na yan?
Ralph: Di ba inaway nya pa yan nung pyesta? Pang-karaoke daw ung boses? Tapos ngayon sila na?
Mark: Nakalimutan nya na yata si Trixie.

Mga gunggong talaga toh.

Pak! Pak!

Binatukan ko nga ung dalawa! Kung magbubulungan lang rin naman sila tungkol dun, eh siguraduhin na nilang ung hindi ko maririnig! Susme!

Mark: Aray naman! (hawak sa ulo nya) Anoh ba?!
Ako: (tumayo) Wag nga kayong magulong dalawa! Lika, Pao, bili na tayo ng inumin... Anong gusto mo, Nessy?

Balik sa sulok nanaman ung dalawa para mag-"bulungan". Hindi na talaga natuto!

Ralph: Narinig mo un?
Mark: "Nessy" raw... Tinatawag nya na sa nickname!
Ralph: Close na sila!

Pak! Pak!

Ralph: Tol, magkaka-brain damage na ko!
Paolo: (natawa) Tange! Matagal nang damaged ang brain mo noh!
Ralph: Che! Panget!

Tumawa si Paolo, tapos tumingin kay Janessa.

Paolo: Anong gusto mong inumin, Janessa? Dahil birthday mo, lahat ng iinumin mo, sagot ni Joshua!
Ako: Anong--?!
Janessa: Isang Cali lang muna. Thank you, Joshie~ :D
Ako: Hay, sige na. Lika na, Pao.

Binigyan ko ng "warning glares" sina Mark at Ralph -- wag silang magulo habang wala ako. Nginitian lang ako nung dalawa. -____- Pumunta kami ni Paolo sa bar para bumili nang mga inumin namin. Ice Cali kay Janessa, San Mig kay Paolo, at San Mig Light para sa'kin. Oo, Light lang. Baka mapikon pa si Janessa pag nalasing ako. :P  Sumandal si Paolo sa counter habang hinihintay namin ung bartender.

Paolo: Mukhang close nga talaga kayo ni Janessa ah.

Tumingin ako dun sa table namin. Kinukulit nina Mark at Ralph si Nessy. Toh namang babaeng toh, mukhang nakikipagkulitan din. Syempre, di sya magpapatalo pagdating sa tuksuhan. Anoh nga ba naman ang pinagkaka-alala ko?

Ako: Eh may magagawa ba ko? Eh kahit san ako umikot, pinagtatabi kami ng kung ano!
Paolo: Yihee! Enjoy ka naman?! ;D
Ako: Baliw!

Tumawa lang si Paolo habang nakatingin sa table namin. Sa tawa ng tatlo, mukhang close na sila. Ang bilis talaga ng gayuma nung babaeng un. Iba rin ang level.

Paolo: Alam mo, ngayon ko lang napansin... Kung bubuhusan mo ng sandamakmak na gallon ng make-up yang si Janessa, medyo pagbibihisin mo ng malandi na damit... Tapos ilugay mo ung buhok... May hawig sya kay Trixie.

Di ako umimik. Kala nya ba di ko napansin un? Bakit sa tingin nya dumikit kagad ako kay Nessy sa simula?

Paolo: Tapos pareho pa silang magaling kumanta! Aba! Punong-puno ng music ang buhay mo, tol!
Ako: He! Tigilan mo nga ako!

Nilabas na nung bartender ung order namin. Pagbalik namin sa table, sinalubong kagad kami ng ngiti nung dalawang mokong.

Mark: Uy, Josh, sabi ni Janessa tuturuan nya raw kame magluto balang araw!
Ako: (umupo sa tabi ni Janessa) Tuturuan o papakainin?
Janessa: Joshie... May pag-asa naman sila noh.... siguro.
Ralph: Beh! Pinagtatanggol kami ni Janessa~
Ako: Baka gusto nyong matuluyan yang brain damage nyo.
Janessa: (binatukan ako) Tama ka na nga!
Ako: Aray!

Humarap ako sa kanya, all set para sigawan sya. Kaya lang... Aba, eh bago pa ko makahirit, nginitian na ko!  Kaya, Poof! Di na ko nakapagsalita. Anoh pang ipanglalaban ko sa ganda nung ngiti nya? Sumandal na lang sa upuan, sabay tungga ng San Mig Light ko.

Mark: Weeeheeee!!! Di mapatulan!
Ralph: (ngiti kay Janessa) Nessy, sama ka lage pag may lakad kame ha!
Janessa: (tawa nang konti) Ganon?

Kinausap ni Paolo ung dalawa. As usual, banatan nanaman ng asaran yan. Basta ung tatlong un ang mag-usap, parang may sariling sitcom nang pang-aasar ang nangyayari. Tumingin ako kay Janessa... Pinapanood nya ung bangayan nung tatlo.

Ako: Mukhang nakuha mo na rin boto nung dalawa ah. Ibang klase talaga ang charisma mo. Pwede ka nang campaign manager!
Janessa: Tsk. Ngayon mo lang ba na-realize yan? Mataas na nga ang sinisingil ko sa mga clients ko.
Ako: (natawa) Napupuno sigurado ung mga balota mo. San mo ba gustong gamitin yang charisma mong yan?
Janessa: (ngumiti sabay bulong) Sa'yo.;)
Ako: Ano?

Nilapit ko ung tenga ko sa kanya para marinig uhlet.  Sa lakas ba naman kasi ng music dito, bubulong pa sya.  Eh pano kami magkakarinigan?


Janessa: (tumawa) Wala~
Ako: Ano nga?!

Nilapit nya ung mukha nya sa'kin, sabay ngiti.

Janessa: Sikretong maluphet!

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now