Chapter 73: (Joshua’s POV)
Isang oras na kong nanonood ng TV at kumakain ng fishball. Nagising akong wala si Janessa... Hinalughog ko pa ung buong apartment bago ko nakita ung note nya dun sa may ref. Pag sinabi kong sa may ref eh dun sa may counter sa may ref. Sinong matinong utak ang maglalagay ng note sa halos di naman mapapansin?
Horsey! Alis lang me sandali... Papalagay ko sa DVD ung Christmas video natin. be right back! don't go anywhere! ok?! ~Nessy
Tama bang iwanan ako dito? At bakit kailangan pang ipalagay ung video na un sa DVD?
ring! ring!
Ay..nagriring ung telepono.
Tinitigan ko nang masama ung landline. Pwede namang magtext na lang, kailangan pang sa landline tumawag. Papatayuin pa talaga ako?
Nag-ring ulit ung phone. Oo na sige na, ehto na nga at tatayo na.Ako: Hello?
"Joshua!!"
Napalayo bigla ung phone sa tenga ko.
Ako: Sheesh, Paolo? Ano ba? Kailangan bang sumigaw?!
Paolo: Joshua! Nasan si Janessa?
Ako: Umalis...bakit?
Paolo: Sh*t!Inabot ko ung remote tapos pinatay ung TV para marinig ko sya nang ayos.
Ako: Bakit? Anong meron?!
Paolo: Listen... May narinig ako na kung may anong balak raw sina Victor, eh ngayon nila gagawin.Sh*t! Si Victor?!?
Si Victor ung isa sa mga pinaka-leader nung gang na tinitiwalagan ko. Akala ko kaibigan ko, ahyun pala papahirapan din ang buhay ko nang ganito. Bwiset... Bakit ngayon pa!? Paskong-Pasko ah!
Ako: Wala si Nessy, di ko alam kung nasan! Iniwan nya rin ung cellphone nya dito
Paolo: Wag ka munang mag-panic, Josh. Malamang nag-uusap-usap pa ung mga un sa Magallanes. Un lang naman ung street na deserted na malapit snyo.
Ako: Okay, magkita na lang tayo dun.Binagsak ko ung telepono at halos madapa-dapa ako sa pagtakbo palabas ng apartment. Tulad nga ng sinabi ni Paolo, tumakbo kagad ako papunta sa Magallanes. Araw man o gabi, laging halos walang tao sa street na un. Siguro kasi laging may nangyayaring gulo kaya iniiwasan. Dahil deserted nga, madali ko rin nakita ung kumpol ng grupo nina Victor. Patakbo kagad akong lumapit sa kanila.
Ako: Vic!!!Nag-ikutan sila at napatingin sa’kin. Nag-step forward nang konti si Victor pero hindi sya tuluyang lumapit. Syempre, para safe din naman, tumigil rin ako nang medyo malayo-layo pa sa kanila.
Victor: Joshua... Anong--?! Bakit nandito ka?!
Ako: Anong ginagawa nyo dito?! Inaabangan nyo ba si Janessa?!? Anong gagawin nyo!?
Victor: This is the only way, Josh... Lam mo ang rules bago ka makalabas sa gang na toh.
Ako: Langya! Gawin nyo na sa'kin lahat, wag nyo lang idamay si Nessy! Langya ka! Kala ko pa naman kaibigan kita!
Victor: Josh, sinubukan kong gawin lahat para maging mababaw ang parusa mo. Naging matino ka namang member, walang reklamo syo. Pero p’re, ehto na ang napagdesisyonan eh. Wala na kong magagawa.
Ako: Sh*t! Ako, ako na lang pahirapan nyo! Pag may nangyari kay Janessa, asahan mo lang, hhuntingin ko kayo isa-isa.Natahimik sila sandali. Tapos, di ko inaasahan, biglang naglabas ng baril si Victor at tinutok sa’kin. Minaliit ko yata masyado, na porket hapon pa lang kasi, kaya akala ko baka makalusot pa, na wala silang susubukan.
Victor: Wag mo kaming takutin, Joshua. Naging ka-brod ka rin namin! Alam mo kung anong kaya naming gawin!
Ako: Dapat na ba kong matakot dyan?!Di ako tanga... Nakaturo sa'kin ung baril, pero dahil malinaw ang mata ko, eh alam kong dun sa side ko talaga nakatutok un. Gusto nya lang ipakita at takutin ako.
...Pero sa galit si Victor. Di ko talaga alam kung saan puputok ung kung sakaling manginig sya at maisipan nyang barilin nga ako. Konting-konting galaw lang, sapul sa’kin ung bala.

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...