Gitara - Chapter 48

3.4K 36 0
                                        

Chapter 48: (Janessa’s POV)

 

Yaaawwwnnnn..

I cracked one eye open at sumilip sa orasan. 9:00 na... yawwwwwnnn  Maaga pa. Pero op cors, dahil mabait naman ako, eh tumayo na ko para naman paggising ng mga people eh may almusal na sila.

Ava'y wait-a-minit...

Napaupo akong bigla sabay tingin sa tabi ko. Nasan si Jodi?  Rumolyo ako pababa ng kama -- suklay muna ng hair at tali sa ponytail. Lumabas ako ng kwarto -- and voila! Avaah, gising na ang mga people -- kahit ang tulog mantika na si Joshua -- gising!  At ever, kumakain na silang lahat.  Nung nakita ako ni Joshua, ngumiti kagad sya.

Joshua: Uy, nagising ka pa.  Anong petsa na?
Ako:  Shut up.

Tumawa si Joshua.


Joshua: Tingnan mo toh, aga-aga, lumalabas nanaman pagkasungit mo.
Ako: Tingnan mo toh, aga-aga, binubwiset nanaman ako.
Richie: Weh, tingnan nyo tohng dalawang toh, aga-aga, may LQ na kagad.
Mark:  Sya, sige...Mag-tinginan na kayo.

Tinignan nang masama ni Joshua ung dalawa, na tumahimik naman kagad.  Hinila ni Joshua ung upuan sa tabi nya sabay tingin sa’kin.

Joshua:  Nessy, di ka ba kakain?
Ako:  Mag-sshower muna ako.

Bumalik ako sa kwarto ko at kinolekta ang aking mga parapernalias sa pagligo.  Saktong pag-ikot ko, mahulog-hulog ang puso ko nang lumantad sa mukha ko si Joshua.  Ni di ko napansin na sumunod pala sya sa’kin.

Ako: Anoh ba?!  Bibigyan mo ba ko ng heart attack?
Joshua:  Heart attack?  Nagkaka-effect na ba ung mga kinakain mong cholesterol?
Ako:  Anong cholesterol?! Che!  Bakit ka ba nandito?  Samahan mo kong magshower?
Joshua:  A-ano?!?  Adik!
Ako: (natawa) Joke lang! Kaw naman!

Namumula si horsey oh...wahahahaha... As if naman seryoso kong itatanong kung sasama sya sa shower, di ba?

Ako:  Oh ano nga?  Bakit ka nga nandito?
Joshua: Kaseh, ung sa kagabi...
Ako:  Anong kagabi?
Joshua:  Ung narinig mo........ Lam mo na…..

Avahhh... Na-sspeechless pa pala ung kapal na mukha nyang toh.  Sasabihin lang eh...

Ako:  Ung sinabi mong bakit di na lang pwedeng dalawa kame ni Trixie?
Joshua:  Uhh…

wahahahahaha... Bumalik nanaman lahat ng dugo ni horsey sa mukha  nya. Sobrang pula ah.

Joshua:  Di naman ako seryoso nun eh.  Biro lang un.
Ako: Alam ko noh. Kaya nga unan lang binato ko syo eh.
Joshua:  Eh?!  Kung totoo pala un, ano, mas matindi pa ibabato mo sakin?!?
Ako:  Abah syempre noh
Joshua:  Amazona ka talaga.
Ako:  Anong amazona?!  Gusto mo bigyan na kita ng sample kung anong ibabato ko syo?
Joshua:(tumawa) Di na, oy!

Umikot na sya para lumabas ng kwarto...

Ako:  Nga pala, horsey...
Joshua:  Yep?

Tinitigan ko syang mabuti, tapos nilapitan ko sya.  Hinawakan ko ung noo nya.  Napaatras bigla sya.

Joshua: A-anong ginagawa mo?
Ako:  Bakit ang aga mong nagising?  May sakit ka ba?
Joshua:  Ano?!  Kaya kong gumising nang maaga kung gusto ko noh.
Ako:  Owwwwsssss?
Joshua: Well… Tsaka binulabog ako nina Ralph eh.
Ako: Aha! Sabi na nga ba end of the world na pag gumising ka nang maaga nang sarili mo eh!
Joshua:  Heh!

Nagmukmok pa si horsey nang lumabas sya ng kwarto.  Ang sarap lang talaga asarin nung kabayo. Ang cuuuutteeee nya pa pag namumula -- kahit once in a blue moon lang un mangyari.  Dumiretso na ko sa banyo para mag-shower, all the while, nagpaplano kung anong next topic na ipang-aasar k okay horsey.

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now