Chapter 43: (Joshua’s POV)
Nasan na kaya si Janessa?
Ilang oras ko na ring tinatawagan ung cellphone nya. Langya, gusto ko na ngang ibato sa sobrang inis eh! Since di rin naman ako mapakali sa apartment, eh lumabas na ko. Dala nya ung kotse, sa laki ba naman nun, imposible namang di ko makita un di ba?
Pagkatapos ng pang-labing-limang pagpapa-ring ko, eh tinigilan ko na. Kung ayaw sagutin, eh di wag. Bwiset! Nasan na kaya sya? Gabi na...
Bigla akong napatingin sa likod ko. Sobrang busy ko, di ko napansin na may sumusunod na pala sa'kin. Langya.
Ako: (tago nung cp ko) Oh ano nanaman at nakasunod nanaman kayo sa'kin?
Isa-isa silang naglabasan. Isa... dalawa... tatlo...o_OAy, sige, tago na lang uhlet kayo, dame nyo pala.
Hinanap ko kagad kung may napuruhan na ba ko sa mga toh. Baka mas mapadali ang pananakot.Kaya lang, malas talaga, wala akong kilala. Haaaaaaaayyyy, mukhang mapapaaway nanaman ako nito.
"I don't like it pag nakikipag-away ka."
Bakit naman biglang pumasok sa isip ko un? Wrong-timing naman ang pagpapaalala ng mga pinagsasabi ni Janessa.
Nakita kong pinapalibutan na ko nung mga kumag. Mga syam o walo siguro sila, laban sa nag-iisang ako. Suz! Yakang-yaka ko toh!
This time, mukha naman ni Janessa ang pumasok sa isip ko. Nababaliw na yata ako.
Kumag 1: Lakas din ng loob mo ah... Susugurin mo kame, eh nag-iisa ka lang.
Ako: Eh parang kayong mga asong sunod ng sunod sa amo eh!
Tingnan mo nga naman...di lang pala ung Warren na un ang aso sa mundo.
Kumag 1: Anoh, handa ka na?
Tanungin ba ko?
"I worry about you pag nakikipag-away ka."
Eh, Nessy, anong gusto mong gawin ko!?
Tumingin uhlet ako sa paligid ko. Sino ba tohng mga toh at inaabangan ako lage?
Who cares? Kung gusto nila ng away, bakit ko pipigilan?
"I'm scared na baka di ka magising, or ma-ospital ka... I worry about you."
Argh! Bwiset! Hindi ko talaga gabi toh! Kelan pa ko na-guilty dahil makikipag-sapakan ako?! Kahit wala si Janessa sa harap o sa tabi ko, yakang-yaka pa rin akong manipulahin nung babaeng un!
Ako: Wala ako sa mood makipag-riot ngayon... (umikot na ko para umalis) Next time na lang.
Kumag 1: Ano?!? Ano ka ba?! Duwag?!
Tumigil ako sabay tingin nang masama sa kanya. Sya na nga tohng hinahayaan kong mabuhay ng isa pang gabi, sya pa ang galit.
Ako: Wag mo kong guluhin ngayon. Nauubos na energy ko sa problema ko, wala akong balak magsayang pa syo ng aura ko.
Napa-stepback sya. Lakas ng kamandag ko noh? Nung napansin kong di na sya gagalaw, eh nginitian ko.
Ako: Sige, see you na lang isa sa mga araw na toh!
Tapos nun, umikot na ko para iwanan sila. Uuwi na lang ako. Baka umuwi rin si Janessa, eh di bawas pagod pa. Nagpasimpleng silip ako sa likod ko, wala ni isang sumunod sa’kin. Ung isang kumag lang yata talaga ang boss nila. Syempre, pag hindi gumalaw si boss, hindi rin gagalaw ung iba. Mga kumag talaga.
Pagdating ko sa apartment building, sinilip ko ung usual parking space ni Janessa. La pa rin ung kotse nya. Haaaaaaaayyyyy... mukhang di pa rin sya umuuwi.
Pumasok ako sa apartment namen. Ang tahimik! Parang...ehwan... may kulang since ako na lang mag-isa nandito. Ang weird naman. Mag-isa lang naman talaga akong nakatira bago nambulabog si Janessa.
Pumasok ako sa kwarto ko, sabay kuha ng bagong damit. Maliligo na nga lang ako. Baka mamaya, pagkatapos ko, matawagan ko na si Nessy...sagutin nya na.

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...