Chapter 54: (Joshua’s POV)
Bwiset na homework at projects yan... Haaaaaaaayyyyy...
6 PM na... at ehto, ang ganda-ganda ng gabi, nakakulong ako sa apartment. Namaannn~ Pinilit lang kaseh ako ni Janessa na gawin tohng mga sakit ng ulo na toh eh!
"Oist, horsey..."
Napatalon akong bigla. Bubwit talaga tohng si Janessa! Kung saan-saan sumusulpot!
Ako: Ano nanaman?! Ginagawa ko na nga projects ko oh!
Tinapat ko sa mukha nya ung sinusulat kong paper. Nagulat sya sandali tapos biglang natawa.
Janessa: Sira, alam ko noh... Sasabihin ko lang na lalabas ako--
Ako: San ka pupunta?
Janessa: May bibilhin lang. Nakalimutan nating bumili ng mantika eh -- sa dinami-dami ng kakalimutan.
Tinabi ko ung mga gamit ko, tapos tumayo...
Ako: Samahan na kita.
Janessa: Hala di na noh! Dame-dame mo pang gagawin, sasama ka pa. (tinuro ung mga gamit ko) Tapusin mo na yan, at pag natapos mo, eh mamasahihin kita~ ;)
Ako: Hala! Anong masahe?!? ... Di nga?
Janessa: (natawa) PAG natapos mo nang maaga yan.
Bwiset... Tatapusin ko pa tuloy tohng mga toh... Haaaaayyyy.. Sarap kaseh magmasahe ni Nessy eh. ;D
Ako: Sige, fine. (upo uhlet) Pero dalhin mo ung kotse!
Janessa: Okay ka lang? Sa kabilang kanto lang ung tindahan noh... Sayang ung gas.
Ako: Eh ang daming loko dun sa kanto na un eh!
Janessa: Wag kang mag-alala, horsey... Magpapahabol ako hanggang dyan sa tapat. Pag may narinig kang sumisigaw, baba ka na kagad ha. ;D
Ako: Sira! Ano ba?! Dalhin mo na nga ung kotse!
Janessa: Eh bakit ka sumisigaw?
Ako: Di ako sumisigaw!
Janessa: Okay... Bakit ka nag-yyell?!?
Ay, bubwit!
Ako: Ano ba!? Pinipilosopo mo nanaman ako... Pinapadala ko lang syo ung kotse!
Janessa: Eh ayoko ngang dalhin! Sayang ung gas, and besides, kailangan ng mundo ng exercise!
Nakikita ko napipikon na si Janessa. Ayaw nya kaseh na pinipilit gawin ung ayaw nyang gawin. :P
Ako: (tumayo uhlet) Kung di mo dadalhin ung kotse, sasama na lang ako!
Janessa: Ang KULIT ng lahi mo! Gawin mo na nga lang yang homework mo, babalik din ako kagad – at DI KO DADALHIN UNG KOTSE!
Ako: Pasaway ka!
Janessa: (tinalikuran ako) Tagal na! Wag kang susunod kundi isasabit kitang patiwarik sa labas!
Narinig kong sumarado ung pinto. Di nga ako sumunod... Baka nga sa sobrang pikon nun, isabit pa ko sa labas! Tska, baka mawala pa ung masahe ko mamaya.
Hmp!
Umupo na uhlet ako para ituloy ung ginagawa kong homework.
Sige... Malapit lang naman talaga ung tindahan eh... Kung iisipin, 5 minutes lang papunta dun, tapos 5 minutes pabalik. Di naman ganon katagal… La naman sigurong mangyayari dun sa pasaway na babaeng un...
++++++++++++++++++++++++++
(Janessa's POV)Arrrrrgggghhhhh... bubwit na horsey yan... Ganda-ganda ng gabi eh, binbwiset ako.
Naglakad ako sa kalye papunta sa tindahan. Buti na lang masarap ung hangin, medyo pinapalamig ung ulo ko... Kaseh naman noh, sandamakmak ng lapit ung tindahan, pagkokotsehin pa ko!
Haaayyy... I wonder kung napasobra yata ung reaction ko.
Nag-turn ako dun sa kanto...
Ang bilis ko kasing mapikon pag pinagpipilitan ung ayoko eh...
But still...ang babaw pa rin naman nun para pag-awayan di ba? Haaaayyy...horsey kaseh eh...
waheheh.. sisihin ba..
Bigla akong napatigil...
What was that?
Nakinig uhlet ako... May kumakaluskos dun sa likod ng halaman sa kanan ko... Syempre, ako namang tohng curious, eh nilapitan ko para tingnan.
Malay nyo, makakita ako ng elf ni Santa o kaya isa sa mga seven dwarves ni Snow White! ;D
Pero… Sabi nga nila, curiosity kills that cat...haaaayyy...
May taong injured -- injured lang ha, di pa naman bangkay -- dun sa likod ng halaman. Naka-siksik sya dun sa bandang likod, as if nagtatago. Hawak nya ung paa nya, so I think, either sprained un or anoh. Di sya makatayo eh... Op cors, dahil mabait akong bata, nilapitan ko lalo...
Ako: Hey, what happened? Do you need help--
Oh my golay!
Na-freeze ako nang makita ko nang mabuti kung sino un...
Ako: Trixie?

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...