Gitara - Chapter 21

4K 48 1
                                        

Chapter 21:  (Joshua’s POV)

 

Isa lamang itong masamang panaginip at maya-maya, gigising na ko...

Huy! ehto na ung oras na gigising ka!

Waaaaaaaaaaaaaahhhhh... Walang nangyayari!  Ibig sabihin ba totoo ang lahat nang ito?!  Gising ba talaga ako?!

"Huy! Mas nagmumukha kang horsey pag ganyan mukha mo."

Tiningnan ko nang masama si Janessa. Sasakalin ko na tohng babaeng toh eh... Horsey?!? Ang gwapo-gwapo ko!

Janessa: Ooooohhh... Ang taray ng look.  Parang mangangain~

After ng isang intense na discussion ng future plans, pinakawalan na rin ako nang mga magulang ni Janessa.  Na-realize ko kung saan namana ni Janessa ang pagiging pasaway nya.  Kahit anong sabihin ko, ayaw patinag nung mga magulang nya.  Basta ganun daw ang plano.  Kahit ilang buwan lang raw mag-stay si Janessa, at kung di ko pa rin makaya na nakatira kami sa iisang bubong, tawagan ko lang raw sila – ipapa-ship nila si Nessy pabalik nang Amerika.  Parang kung anong electric gadget lang na may trial period… :P

Kung ano pang bola-bola ang ginawa sa’kin, kaya kinatapusan, wala na kong nagawa kundi bumigay sa gusto nila. -__-

Sinamahan ako ni Janessa sa labas nung apartment nila – kahit na pinilit kong ok lang na hindi nya na ko samahan.  Eh pasaway nga kaseh, kaya kahit anong kontra ko, sumama pa rin sya.

Janessa: Hey, don't feel so bad.  It can’t be that bad, lalo na since pinagkatiwalaan ka kagad ng parents ko, which is very weird considering that you're a guy...
Ako: Ano ka ba?! Di ka man lang ba na-papanic sa lahat ng toh?!
Janessa: (napaisip) Well, yeah... Pero mas ayoko naman bumalik pa ng Chicago noh. If that's the only way to stay, then kahit daga pa kasama ko sa bahay, titira pa rin ako dun!

Umabot na kami sa dulo nung kanto.  Tumigil ako sa paglalakad sabay tingin sa kanya.

Ako: Sige na bumalik ka na... Baka mahaltak ka pa ng kung sino.
Janessa: Nakz, horsey, concern ba itoh?

Bubwit na babae toh!

Ako:  Hinde noh! Eh kung ako pa sisihin ng mga magulang mo pag nawala ka?! Umuwi ka na nga!
Janessa: (natawa) Hinga muna.  Masyado kang high blood. Sige na nga. See yah tomorrow, horsey!
Ako: Joshua! Joshua pangalan ko!

Tumawa lang uhlet sya habang naglalakad pabalik sa apartment nila. Syempre, dahil gentleman ako –at hindi kabayo – hinintay ko hanggang sa makapasok sya dun sa building nila.  Ehwan ko ba naman dun kung bahket pinagdidiinan nyang horsey ang itawag sa’kin.  Pag di ka nga naman hinigh blood sa babaeng un...!

Ngayon pa nga lang na sandali lang kame magkasama, tumataas na lebel dugo ko.
Ano na lang ang mangyayari kung titira pa kami sa isang bahay?

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now