Gitara - Chapter 28

3.7K 43 0
                                        

Chapter 28:  (Joshua’s POV)

 

Janessa: (kanta) And you said that I was naive and
I thought that I was strong, oh
I thought---



ding! dong!

Parang may kung anong doom-gloom na dumaan.  Napatigil kaming bigla ni Janessa.  Sya sa pagkanta, ako sa paggitara. Nagtinginan kami, sabay tingin sa relo.

Janessa: Oh my golay! 7 na?!

Sabay pa talaga kaming napatalon. Tumakbo kagad sya sa kwarto.  Ako naman, nagmamadali na naglakad para buksan ung pinto.  Langya! Anong nangyari sa oras?! Parang wala man lang kaming ginawa buong araw kundi kumain, magkulitan, magkantahan, mag-debate kung bakit mali ung tono nung gitara, at magkantahan pa ulit!  Di namin namalayan ang oras, nandito na si Paolo! Di pa nga ako naliligo!
Tumigil ako sa pinto, tapos biglang amoy sa sarili ko. Di ako titigilan ni Paolo pag amoy basura ako. Pero, okay pa naman. Kapasa-pasa pa naman ang amoy ko. :D Binuksan ko ung pinto.

Paolo: Tol! Ang--- (napatingin dun sa gitara sa kamay ko) Aba... Hawak mo na uhlet--- (tingin sa mukha ko) O_O Tol... Anong nangyari!?
Ako: Huh?

Tinulak nya ko papasok. Sinarado ko ung pinto -- at pag-ikot ko, nanlalaki ang mga mata ni Paolo na nakatitig sa'kin -- particularly, sa mga mata ko.

Ako: (turo sa mata ko) Ah, ehto ba? Ganda noh? Sabi ni Nessy nag-ppop out raw ung mata ko dahil sa violet na color.

Napa-stepback si Paolo. Namutla yatang bigla. o_O

Paolo: Tol, best friend kita. Wag mo namang sabihing magiging "This Guy's In Love With You, Pare" ang kahahantungan natin.
Ako: (batok sa kanya) Tange! Ano ka?! Hinayaan ko lang gawin toh ni Janessa dahil birthday nung tao. Manahimik ka na nga lang sa isang tabi at maghintay. Naliligo pa si Nessy, tapos susunod na ko.
Paolo: Awww... Ang sweet nyo naman... Nagsshare na kayo ng isang banyo. ;)

Binatukan ko uhlet sya! Kabatok-batok naman kasi talaga.

Ako: Anong sweet dun?!? Alangan namang magpatayo pa ko ng isa pang banyo dahil lang dito rin sya nakatira!?
Paolo: Wehe! :D (turo bigla sa'kin) Namumula ka! Wahahaha O make-up din ba yan?

Sasagot sana ako -- at siguro, isa pang batok sa mokong -- kundi lang biglang sumulpot si Nessy sa likod namin.

Janessa: Anong ginagawa nyo dyan? Ba't nakatayo kayo dyan?
Paolo: Si Joshua--

Tinalunan ko bigla si Paolo bago pa sya makatingin sa likod! Wapak! Ahyun, flat sa sahig ung mukha nya.

Ako: (kay Janessa) Wala! Magbihis ka na! Bakit pasilip-silip ka nang bathrobe lang ang suot mo!? Di ka ba nahihiya, pareho kaming lalake dito!
Janessa: Psh. Mag-panic ka pag sumilip ako nang nakahubad.
Ako: JANESSA!

Pinangliitan nya lang ako ng mata, tapos umikot na sya para pumasok sa kwarto. Nung narinig kong nag-lock na ung pinto, tsaka ko lang binitawan si Paolo.

Paolo: (hinga nang malalim) Bwiset ka! Papatayin mo ba ko?!
Ako: Suz! Parang namang mamatay ka nang ganon lang... Eh masama kang damo.
Paolo: Ano ka?! Nahawa lang ako syo, sira! (biglang ngiti) Porket ayaw mo lang ipakita si Janessa nang bagong ligo.... Ang damot mo, tol!
Ako: Baka gusto mo nanamang halikan ung sahig.
Paolo: Ehto na nga, titigil na. Manonood na lang ako ng TV habang naghihintay~
Ako: Buti pa.

Papasok na ko nang banyo nang lumabas si Nessy ng kwarto. Ibang klase rin ang bilis magbihis nito...
Dumiretso sya sa living room kung san naghahanap ng palabas sa TV si Pao.

Janessa: Pao, kumain ka na ba? Baka gusto mong ipagluto kita ng kahit anong pantawid gutom lang.
Paolo: (biglang tayo) Sure!

Suz, if I know... Kakakain lang nito, kakain nanaman.

Lumapit si Paolo sa'kin sabay bulong...

Paolo: Kung ito ipapalit mo kay Trixie, ngayon pa lang, pare, sinasabi ko na... Sa kanya na buong boto ko!

Hmmm?

Pinanood ko sandali sina Janessa at Paolo na nagkkwentuhan na parang ilang taon na silang magkakilala. Nagkukulitan pa ung dalawa -- at tinutukso-tukso pa ni Paolo si Janessa. Boto raw sya kay Janessa? Kailan pa sya bumuto sa kahit sinong babaeng nagustuhan ko?

Ha.

Tumalikod na ko para pumasok sa banyo. Sige na. Kung magkasundo ang best friend ko at si Nessy...
Hm. Katuwa naman. haha

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now