Gitara - Chapter 53

3.2K 27 0
                                        

Chapter 53:  (Janessa’s POV)

 

Yaaaaaaaaaaaaaaawwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwnnnnnnnnnnnnnnn...

Natapos na rin ang araw.  Parang ang haba ng araw ko.  Hindi ba abuse sa brain cells ang sobrang haba ng mga lectures?  Di ko man lang na-miss mga pagmumukha ng mga prof ko. :D

Naglalakad ako sa parking lot papunta sa kotse ko nang napansin ko ung isang kumpol ng mga babae na nakatayo sa isang kotse na dadaanan ko.  Hindi ko yata araw ngayon…  Sa dinami-dami naman ng makakasalubong oh...Toh pang three witches na toh.

Nung napansin nila ako, tumayo silang tatlo.  Langya, bawat oras na lang ba na nakikita ako ng mga toh eh haharangin ako para lang sumbatan?  Una, dahil kay Joshua.. tapos di ko raw mapalitan si Trixie.. Eh bubwit...sino bang may sabing papalitan ko un?

Witch 1:  (ngiti nang masama) Well, well... Look who's here...
Ako: Yeah well... It's a free country kaya dito ako dumadaan...
Witch 2: So, anoh? Na-realize mo na ba na di mo mapapantayan si Trixie?
Witch 3:  Dikit ka pa ng dikit kay Joshua namen.
Ako:  Di ako glue para dumikit noh.

Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglakad.  Determined akong marating ung kotse ko – kaya lang, humarang pa ung tatlo eh.  Di tuloy ako makadaan.  Tataba kaseh.  wahehe...joke lang.

Ako:  Pwede ba... Wala akong oras makipagsumbatan snyo.  Gusto ko nang umuwi at humilata sa kama.
Witch 1:  Bakit di ka pa mag-move out sa apartment na un?
Witch 2:  Oo nga, eh singit ka lang naman dun.

Langya, alam na yata ng mga toh lahat ng nangyayari sa buhay ko eh -- o sa buhay ni Joshie.
Wahahah..stalkers!

Witch 3:  Kapal ng face mo na mag-stay pa dun.  Tingnan mo, lumalabo tuloy relasyon ni Trixie at Joshua.  Dahil syo, di sila magkabalikan!

Kavoom!

Ako... Ako... Ako... Puro na lang ako!  Kasalanan ko ba na dun ako tinapon ng destiny (at ni Kristine)?!?  Tsaka, ayaw akong paalisin ni Joshie eh, bakit ba?!

"Hoy, mga piglets kayo! Ano nanamang ginagawa nyo kay Nessy!?"

Napatingin ako sa likod para tingnan kung sinong dumating.  Well, sa boses pa lang pala eh alam ko na.  Sina Richie at Arianne patakbong lumalapit sa’kin.

Witch 1:  (kay Richie) Pakielam mo ba? Di mo gulo toh noh!
Richie:  (tumabi sa'kin) Aba! Sumasagot kang bruha ka?!  Inaaway nyo nanaman tohng si Nessy noh!? Ay nako, mga insecura kayo!  Di nyo matanggap na may nagustuhang iba si Joshua noh!? Mga malalandi kayo, eh magagawa nyo ba kung di kayo pinapansin ni Josh... Papanget nyo kaseh!

Whoa!

Ako: (bulong kay Arianne na tumabi rin sa'kin)  Okay lang ba na sabihin nya un?
Arianne: Nako, hayaan mo na yang si Richie.  Pag nagsimulang manlait yan eh wala nang brake ang bibig.

Tumingin uhlet ako kay Richie... Sa daldal nga naman nito, mapapasubo ka naman talaga pag nang-away sya.

Richie: (dun sa tatlo) Shoo-shoo na nga kayo! Magpaligo muna kayo sa mga amo nyo... Puro galis na kayo!  Baka mahawan nyo pa beauty namin, nako, mababawasan pa magaganda sa mundo!  Shoo! At pag nakita kong ginugulo nyo uhlet si Janessa, humanda kayo! Bilang na ang mga tahimik nyong araw!

Translation:  May kung anong tsismis na ikakalat yang si Richie, at patay ung tatlong witches. @.@

Richie:  Shoo fly na! Shoo! Mga salbabida kayo!

Tumingin sa'kin ung tatlo...Brrrrr... Kakilabot ah... Tapos umalis na sila, at bumalik dun sa tinatambayan nilang kotse.  Tinignan lang sila nang masama ni Richie bago ako hinaltak nung bakla onward sa kotse ko.

Ako:(kay Richie) Wow, thanks ha... Di ko lam kung anong mangyayari kung di ka dumating.
Arianne:  Nako, wala un noh... Sisiw lang ung mga un sa bunganga ni Richie.
Richie:   Marame pa silang kakaining palay! ;D
Ako:(natawa) Palay ha... Teka, anong salbabida? Bakit mo sila tinawag na salbabida?
Richie:  Well, you know naman me, making my own dictionary.  "Salbabida", as in "salbaheng kontrabida".

Ha…. Pwede~

Richie:  Haaaayyyy... Mga bruhang un, sinisira araw ko... After kong makita ung papable na transferee.
Ako:  May transferee?
Arianne:  Ay oo!  At grabeh!  Ang gwapo!
Ako: Eh?  Bakit di ko nakita?
Richie: (tumawa) Hina kaseh ng radar mo eh!  Oi, sige na, dito na kami ni Arianne... May lakad pa kame eh.
Ako: Ah, oh sige poh... babye...and thankz uhlet, Rich ha!

Umalis na ung dalawa. Binuksan ko ung kotse ko at hinagis sa backseat ung mga gamit ko.  Umikot ulit ako para naman sumakay sa driver’s side.  Kakasakay ko pa lang nang mapansin ko si Mr. Papable From This Morning na dumadating.  Binuksan ko kagad ung bintana ko para mag-wave… Oh di ba, close na kame? hahaha

Ako:  Hey!  Hello!
Mr. Papable: (napatingin sa'kin) Uy, hello din!

Iniwan nya ung kotse nya at lumapit sa bintana ko.  Hala, makikipag-usap pa yata eh binate ko lang sya.

Mr. Papable:  Naalala ko pag-alis mo kaninang umaga, di ko pala nahingi pangalan mo.
Ako:  Janessa.
Mr. Papable:  Nice name.
Ako: Thanks.

Waahhhla! Kilig naman ang lola moh!

Mr. Papable:  Ako nga pala si Ken.
Ako:  Ken, nice to meet you.

Tumingin sya sa relo nya.

Ken:  Sige na, Janessa.  I have to go, hinihintay na ko ng girlfriend ko eh. See you tomorrow!
Ako:  Okay... Bye!

Pumasok na sya sa kotse nya.  Pinanood ko lang sandali ung kotse nyang umalis.  Langya, girlfriend?!  Lahat na lang ng matinong papable, taken!

Oh well... Kung sya pupunta sa girlfriend nya, ako, pupunta naman sa horsey ko. :D

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now