Chapter 50: (Joshua’s POV)
Napatitig lang ako kay Janessa. Iniisip kung anong gagawin ko. Tatakbo na ba ko o hihimatayin? Tahimik lang din na nakatingin sa'kin si Nessy. Nakakapikon talaga pag ganitong di mo mabasa kung anong iniisip nung isang tao.
Janessa: (tumingin bigla sa relo) Oops... Gotta go. Hinihintay na ko nung grocery.
Ako: Di ka pa namimili?
Janessa: Naiwan ko wallet ko. Binalikan ko pa.
Bwiset na wallet yan! Nagpa-iwan pa!Aalis na sana sya nang tinawag ko uhlet. Tinignan nya ko, naghihintay…
Ako: A-ano... Nessy...
Janessa: Hmm?
Ano bang iniisip mo?!?!?
Umupo ako sa couch, tapos tinawag sya para maupo sa tabi ko.
Janessa: B-baket? Anong meron dyan? May daga ba dyan?! Nako, horsey, pag dyan lang may daga, ipapakain ko syo un!
Ako: Anong daga? Wala noh! (napaisip) Pero tatandaan ko un for next time…
Janessa: Sipain kita dyan eh...
Dami pang reklamo, pero umupo rin naman sya sa tabi ko. Tumingin sya sa’kin expectantly. Huminga ako nang malalim.
Ako: Nessy... Galit ka ba?
Janessa: Eh? Bakit naman?
Di ako makatingin nang diretso sa kanya… Baka biglang umiyak toh... O kaya bigla akong sakalin! Ilambitin patiwarik sa labas!...Oh hindeeeeee!
Ako: D-dahil dun sa mga narinig mo... Ung sagot ko sa tinanong ni Trixie...
Janessa: Ay suz! Un lang? Di ako galeet noh...
Ako: No, really... (tumingin na ko sa kanya) It's okay if you wanna punch me...
Janessa: Ayoko nga.
Ako: Kick me?
Janessa: No.
Ako: Bite me?
Janessa: Eh batukan na kaya kita ngayon?
Ako: So you ARE mad!
Janessa: Oh, shut up. +__+
Tumahimik kagad ako. Baka nga bigla akong kagatin, wala pa namang anti-rabies yan.
Janessa: I understand naman why you said those things eh...
Nakatingin lang sya dun sa carpet sa carpet.
Ooooohhhh... mukhang seryoso na ah...
Janessa: I'm not trying to come between you and Trixie. Alam ko naman na sa tagal ng pinagsamahan nyo, syempre may bond na kayo na kahit ako hinde ma-bbreak.
Ngumiti sya nang konti. Ako naman, eh ehto, inaatake na ng guilt.
Janessa: I don't want to compete with Trixie. Kaseh di ko naman mapapantayan ung mga nagawa nya na. Di naman ako mabibigyan ng opportunity na makipag-all-out-war sa family ko. Ginayuma mo na lahat ng pamilya ko eh.
Ako: Anong gayuma? Kasalanan ko bang lovable ako?
Janessa: (tumingin sa'kin) Puppies lang ang lovable. Joshua, horsey ka, hinde puppy.
Hala! Anong ibig sabihin nun?! Di ako cute?!
Janessa: So, anyway, I kinda understand how Trixie feels. Like me, gusto nya lang din na makasama ka, at least for a while. Nung naisip ko un, I felt closer to Trixie, somehow, coz we're sharing something that no one else understands.
Ako: Nessy...
Janessa: (ngumiti sa'kin) That's why I decided not to let these things bother me anymore. After all, I can't tell you to forget about her o kaya naman iwasan mo sya. Coz that would be unfair to both of you, tsaka, as if naman kaya mong gawin. (tumawa) Wag kang mag-alala, di kita minamaliit. Masyado kang matangkad para maliitin~ All I'm sayin is, I'll just be here, mag-work out man kayo ni Trixie or hinde...ok?
Napatango na lang ako... Eh anong sasabihin ko? Dapat yata talagang pinagplanuhan ko muna ung script ko bago ko sya pinagsalita. Lalo lang akong na-guilty pagkatapos ng speech nya. Iba rin ang level ng pagkabait ni Janessa.
Nung di ako nagsalita, tumayo na si Nessy para lumakad paalis.
Janessa: Okay! Now that THAT's clear, eh pupunta na ko sa grocery. Naghihintay na dun ang aking mahiwagang rocky road ice cream. (tumingin sa'kin) Sama ka, horsey? Ibibili kita ng carrots… or oatmeal na lang kaya?
What the--!?Binabawi ko na! Hindi! Hindi sya mabaet!
Tumayo akong bigla sabay sigaw sa kanya.
Ako: Di ako kabayo!
Janessa: (tumawa) Oh sige na, horsey... Ree-lax... Nagmumukha ka lalong horse eh...
Ako: Janessa!
Tumawa lang nang tumawa si Janessa. Ako naman, dumiretso na dun sa lalagyan ng susi ng kotse.
Ako: Halika na nga! Bibigyan mo nanaman ako ng high blood eh!
Janessa: Eh? Hinahigh blood ang horse?
Ako: Sasakalin na kita eh!
Janessa: Pano? Wala namang fingers ang horse?
Ako: (ni-lock ung apartment) Manahimik ka na nga! Ang daldal mong meatball ka!
Janessa: Ooooh, alam ng horse ang meatball? Kumakain ba kayo nun? May halo rin bang tomato sauce?
Ako: Nesssssyyyyy!!!!!!
Tumawa lang si Janessa habang pumapasok sa kotse ko. Langya talaga. Ang lakas nanaman ng topak ng babaeng toh!
Napangiti ako. Pero gusto ko sya nang ganito...
Ung malapit sa'kin... kinakausap ako -- kahit sukdulan na pang-aasar pa ang favorite past time nya.
At least...
Nandito sya.

BINABASA MO ANG
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...