Chapter 49: (Janessa’s POV)
Tumakbo ako paakyat ng apartment, tapos nagmamadali na pumasok. Nagulantang pa ko nung basta na lang bumukas ung pinto. Loko talaga ung si Joshua, di nanaman ni-lock ung pinto. Speaking of the horse, nasan nga ba un? Narinig ko ung shower sa kwarto nya, so malamang eh nag-sshower sya noh?
Tumakbo ako sa kwarto ko. As a reflex, sinarado ko ung pinto sa likod ko. Dumiretso kagad ako sa cabinet para hanapin ung wallet ko – nang biglang may nagtatawag sa may front door.
"Josh? Josh?"
Whoopsidaisies.O_O
Nag-freeze akong bigla. Oh my golay...totoo ba itich?
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ko. Dahan-dahan ko rin binuksan nang konti ung pinto tapos sumilip sa labas. Ahyun na nga! Sya nga! Si Trixie oh..
Kabute talaga tohng babaeng toh, bigla-biglang sumusulpot.
Sinarado ko uhlet nang dahan-dahan ung pinto. Di ko alam kung napansin nya ba ko since nakatingin sya sa kabilang direction. Pero I’m definitely not going out while she's still outside! Ooooohhhh awkward awkward awkward awkward awkward.
Narinig kong bumukas ung pinto ni Joshua. Malamang narinig nya na ang calling ng kanyang maiden fair. Umupo ako sa sahig, tapos sumandal sa pinto... Oh well, mukhang stranded pa muna ako dito.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(Joshua's POV)
Napatayo ako sa labas ng pinto. Langya, bagong bihis, tumutulo-tulo pa ung buhok ko from the shower. Pero nung narinig ko ung boses ni Trixie, halos di na ko nag-tuwalya. Diretso bihis na, tapos labas. Nasa loob na sya… Di ko ba ni-lock ung main door?
Ako: Trix... A-anong ginagawa mo dito?
Trixie: (napangiti) Haven't you heard? May nakaimbento na ng tuwalya.
Ako: Uh...eh...
Pahiya ako dun ah..
Trixie: Anyway, I came because I want to apologize dun sa nangyari last time. That was very rash… And I shouldn't have destroyed your guitar.
Ako: Okay lang un...
Tumingin sa paligid si Trixie.
Trixie: Nandito ba si Janessa?
Ako: Wala eh. Lumabas lang sandali.
Trixie: Ahh... That's good. I don’t want her to hear this conversation.
gulp.. bakit kaya?
Lumapit nang konti sa'kin si Trixie, tapos tumingin sa mata ko.
Trixie: Tell me the truth, Josh... Janessa... Does she really mean so much to you?
Ako: A-ano? A-anong ibig m-mong sabihin?
Trixie: You know... Do you feel something for her? Gano na ba sya ka-espesyal syo?
Ano bang tamang isagot sa mga tanong na toh ha?
Ako: Si Nessy... We're just friends -- roommates... Wala nang ibang relasyon... *gulp* She means something to me dahil kaibigan ko sya... Parang sina Paolo... They mean a lot to me dahil ka-tropa ko ung mga kumag na un.
Trixie: Are you sure?
Ako: Yeah... And if she ever becomes special to me, you should know, she'll never be as special as you are to me.
Trixie: Really?
Ako: ..…Really.
Tumingin si Trixie sandali sa'kin, tapos lumipat ung tingin nya sa pinto ng kwarto ni Janessa. Napangiti sya nang konti bago bumalik ung atensyon nya sa’kin.
Trixie: That's good to hear.
Umikot na sya para umalis.
Ako: Sandale, san ka pupunta?
Trixie: I already asked what I wanted to ask, so I'm going home.
Ako: San ka ba nakatira ngayon? Hahatid na kita.
Ngumiti uhlet sya sa'kin tapos sumulyap dun sa pintuan uhlet ni Janessa...
Trixie: You don't have to worry about me. I’ll see you later. Bye, Josh.
Tapos nun, lumabas na sya. Wala na... Ka-poof! Parang hangin lang na dumaan…
Biglang natigil ung pag-iisip ko nang all of a sudden eh bumukas ung pinto ng kwarto ni Janessa.
Multo!!?!?
"Oh my gosh..."
Nanlaki mata ko nang makita ko si Janessa na lumabas ng kwarto nya. T-teka... A-anong ginagawa nito dito?!
Janessa: (tingin sa'kin) Akala ko mamamatay na ko sa gutom dun. Grabeh, ka-choke ang tension ha!
Ako: K-kanina ka pa dyan?
Janessa: Nah! Lumipad ako galing sa labas tapos pumasok sa bintana ko... Haller?!? Whatchu tink, horsey? Nakita mo ba kong pumasok?
No…
Ako: B-bakit ngayon ka lang lumabas?
Janessa: Ano ka ba naman? Eh di nakaistorbo pa ko.. Di ba, di mo alam na nandun ako -- though parang nakita yata ni Trixie nung sinilip ko sya -- eh di nakapag-usap kayo...heart to heart.
Sumilip sya sa salamin sandali tapos tumingin sa'kin.
Janessa: Okay ka lang, horsey? Namumutla ka.
Ako: K-kung kanina ka pa dyan, i-ibig sabihin... Narinig mo lahat un?
Ngumiti si Janessa.
Janessa: Every word.

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...