Gitara - Chapter 76

2.8K 39 4
                                        

Chapter 76: (Joshua’s POV)

 

Natulog ako sa ospital, tapos kinabukasan, dinalhan na lang ako nina Paolo ng damit. Dumaan na rin sina Mark at Ralph.  Tapos sabi ni Arianne, na-contact na raw nila ung parents ni Nessy.  Nakakuha raw kagad ng ticket kaya baka bukas din, nandito na sila.

Sheesh...ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila?

Nakaupo pa rin ako sa tabi ni Nessy.  Hapon na... Akala ko ba dapat gising na sya?
Makita ko lang talaga sina Victor, humanda sila! Titirisin ko silang parang kuto, tapos itatapon sa kalsada at pagtatalunan!

beep…beep…beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppp

What the--!?!?

Napatayo akong bigla nang biglang mag-flat line ung...kung anuman ung machine na nag-ddetermine ng heartbeat ni Janessa.  Marami na rin akong napanood na movies.  Di ba pag nag-flat line un, ibig sabihin nawala ung heartbeat nung tao?  Ibig sabihin…

Napahawak ako kay Nessy.  Halos i-shake ko sya nang sobra para magising sya.

Ako:   Janessa?!? Nessy!?

Before I knew it, may sandamakmak na nurse at doktor ang pumasok sa kwarto.  Natulak na lang ako sa isang tabi, may sinabi ung nurse pero di ko masyadong narinig dahil busy ako sa pagsigaw nang kung anong nangyayare.  Chineck nila si Janessa.  Hindi na yata nakatagal ung isang nurse, itinulak ako palabas ng kwarto.

Ooohkaaaayy... She tried to ask me nicely to step out, pero nung ayoko, eh tinulak nya ko palabas.
So mean…

Tamang pagsipa sa'kin sa labas dumating si Paolo.  Napatakbo silang bigla.

Paolo: Anong nangyayari?
Ako:  Di ko alam!  Bigla na lang tumigil ung heartbeat ni Nessy...tapos sinipa nila ako palabas.
Ralph:  HUWAAAAATTTT?!?!?  Anong mangyayari kay Nessy-Nessy ko!?
Mark:  Akala ko ba ok na sya?!
Ako:  EH BAHKET BA AKO TINATANONG NYO?!  MUKHA BA KONG DOKTOR?!?

Natahimik silang lahat.  Hinawakan na lang ako ni Paolo sa balikat na parang sinasabi nyang magiging okay lang ang lahat.  Napatango na lang ako.  Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na ung doktor.  Tumingin sya sa'min...

Doctor:  It’s okay.  Okay lang ang lahat.

WTH!??

Doctor: May nangyari lang dun sa monitor kaya medyo nawala ung heartbeat nya, pero she's fine.  Nag-lowbat ung machine.  Ang kinakatakahan lang namin, dapat gising na sya ngayon.
Paolo:  So may mali pa rin?
Doctor:  We're not sure.

“We're not sure”?!  Anong “we're not sure”?!?  Eh doktor ka?!?!  Dapat sure ka!!!

Doctor:  Pero may posibilidad na nag-take effect lang nang mas matagal ung anesthesia kaya tulog pa sya... Don't worry.  Pwede na ulit kayo pumasok.

Tapos nun, umalis na sya kasunod ung batalyon ng mga nurses kanina.  Kinalabit ako ni Ralph bago kami pumasok.

Ako:  Ano?
Ralph:  Now that THAT's over, sasagutin ko na ung tanong mo.
Ako:  Anong tanong?
Ralph:  Ung tinanong mo kung mukha ka bang doktor.
Ako: Rap…
Ralph:  Ang doktor, mukhang matalino... Tol, wala ka pa sa kalahati ng mukha ng doktor.
Ako:  Ano?!!??  Gusto mong sumunod sa ER?!

Hinabol ko si Ralph hanggang sa dulo ng hallway -- kung san may nakabunggo sya na dumadaan na babae.. At syempre, dahil sa NAPAKAGALING ng utak at ugali ng lalaking un...  Nilandi nya kagad.  Tinigilan ko na ung gunggong.  Bumalik ako sa kwarto ni Nessy, baka sakaling gising na sya… Baka lang…

Pero wala pa rin.  Naupo ulit ako dun sa upuan ko kanina.  Maya-maya lang, pumasok na rin si Ralph.  Pasipol-sipol pa ang mokong.  Laki ng ngiti.


...Mukhang nakakuha na kagad ng date sa kinausap nya kanina. -__-


Sheesh... Ralph talaga.

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now