Chapter 72: (Janessa’s POV)
Yaaawwwwnnnn..... Yaaa---- eh!?? Kama?
Napatingin ako sa paligid ko. Kama. Kalat. Regalo. Wait...kwarto ko toh ah!
Pano ako nakarating dito?
Last time I remember eh nakatulog ako sa couch kaseh naman because...kinakantahan ako ni horsey... wahahaha Kilig lang ako. Kalaglag bra ang boses eh. :D Grabeh... once in a blue moon na nga lang tumino ung kabayong un, tinulugan ko pa. Sayang.
Tumayo ako para magshower. Langya, tanghali na pala! Pag sinabi kong tangali, as in, tanghali na! Nasa gitna na ng Pilipinas ang araw at nanununog ng balat. As in oras na para magtanghalian at buksan ang TV dahil Eat Bulaga na.
Lumipad ako papunta sa banyo.
Gising na kaya si horsey? Kumain na kaya un?
Sscreeeeecchhhh!!!
Napatigil akong bigla sa paglalakad ko. Naalala ko na kung pano ako napunta sa kwarto.
----- Flashback ----
Joshua: Huy, Nessy... gising, lumipat ka na dun sa kwarto mo.
Ako: asdkjlkerhhfd
Joshua: Eh? Ano? (hinila nang konti ung buhok ko) GISING!!! Sa likot mong matulog, baka mahulog ka pa dyan.Umikot ako sa pagkakahiga ko para talikuran ung kabayong nang-iistorbo ng beauty sleep ko.
Ako: Shut up horsey... Natutulog ako...
At tumagal yang panggigising nya nang...ehwan ko dahil tulog nga ako. Bastah, next thing I know, eh lumulutang na ko!In fairness, binuhat talaga ako ni Joshua!
Joshua: Langya, ano bang kinakain mo?!
Sumiksik ako lalo sa arms nya, lapit pa ng mukha ko sa chest nya. Hmmmm...bango bango... Penshoppe ba toh?
Ako: *yawn* Shut up...nagbubuhat ka lang noh.
Joshua: Bagsak kita dito eh.
Pumasok sya sa kwarto ko tapos sinipa paalis ung mga kalat sa sahig... Tapos...
Bam!
Ako: Aray!
Langyang kabayo yan! Ibagsak ba naman ako sa kama!
Joshua: Ay, sorry.Tinignan ko sya nang masama tapos nag-collapse sa kama, sabay yakap sa unan.
Ako: Bukas na lang kita gagantihan... *yaawnnn* Inaantok na ko.
Natawa si Joshua. Inayos nya pa ung kumot para kumutan ako. Ang caring ng horsey ko~ :D
Joshua: Okay, Nessy... Sabi mo eh.
----- End of Flashback ----
Bubwit na kabayo un.
Nagshower lang ako nang mabilis tapos, bihis, punta sa kusina para magluto. As usual, tulog pa rin si horsey. Sa dami ko nang nagawa, ni di man lang sya nagising. Kumakain na ko, alangang gisingin ko pa sya noh. Baka mas puyat pa sa'kin eh. Kawawa naman.See? May puso pa naman ako.
Naghuhugas na ko ng pinggan nang makita ko ung videocam na nakapatong sa may TV.
Napatigil ako. Nag-isip.
Ooooohhhh... ^o^
Tinabi ko lahat ng hinugasan kong pinggan at nagpahid ng kamay. Tapos skipping-skipping papunta dun sa videocam, kinuha ko ung videocam at chineck para sure na di pa low batt. Nung nakita kong okay ba ung battery, dahan-dahan akong pumunta sa kwarto ni Joshua.Nag-tiptoe ako papunta dun sa side ng kama ni Joshua. Ayaw ko lang manggising~
Ako: (bulong) Joshieee~
Umupo ako sa tabi nung kama nya tapos tinutok ung camera sa tulog na face ni Joshie -- na nakaharap sa'kin. Siningit ko ung mukha dun sa may side para kita rin ako sa camera.
Ako: Psst... horsey....look mo oh... Your sleeping face~ Lam mo, weird talaga, mukha kang anghel pag tulog. Pero pag gising naman.. Napaghahalataang natulak ka na anghel. :D
Inikot ko uhlet ung camera para sya na lang ung nakikita.
Ako: So, anong napapanaginipan mo?
Joshua: Pakielam mo ba...?
WHOA! Nagsalita!
Napa-atras ako sa gulat. Tapos nung di na uhlet nagsalita or gumalaw si Joshie, lumapit ako nang konti.
Langya, nag-ssleeptalking ang loko.Nung naramdaman kong normal na uhlet ung puso ko, tinutok ko ulit ung videocam sa mukha nya.
Ako: Grabeh... Nagsasalita ka pala kahit tulog.
Teka...
Pinindot-pindot ko ung pisngi nya.. ung braso nya... pati ung abs nya (woohooo!!! abs! wahaha).
Tulog ka ba talaga?
Di naman sya gumalaw or nag-react... So tulog nga. Nag-ssleeptalking si horsey! :D
Interesting~
Inikot ko uhlet ung camera para makita uhlet ako katabi nya.
Ako: Ok, horsey. Question and Answer portion tayo. Sasagot ka ok? Hmmm…
Isip-isip ng nakakalokong tanong~
Ako: Horsey, bakit ang shtupid mo? Grabeh... Ang tagal-tagal na nating--
Joshua: Anong stupid?... Tina-ta-wag mo kong stupid?.....Loko kang meatball ka ah...... Pasa-lamat ka.......... Mahal kita....
WHOOSAHHH!!!OoOTeka… Teka… Teka!!!!
Ako: Anoh uhlet un?!?
Di sumagot si Joshua. Instead, tumalikod sya tapos pinatong ung paa nya dun sa isang unan. Yup, ganyan sya kagulo matulog na kahit queensize ung kama eh sakop nya lahat. May pagka-acrobat kung matulog eh.
Ako: Joshie...Uy!!!
Gusto ko nang mag-jumping alarm clock dun sa kama nya, kaya lang, baka naman...oh well... tulog sya eh...anong chance na totoo ung sinasabi nya?
Ngumiti na lang ako, tapos tumingin dun sa camera... Papanood ko na lang toh sa kanya someday.
Ako: (dun sa camera) You know, Joshie... Mahal din kita.
Pagkatapos kong sabihin un, nako, uminit ung face ko. Malamang eh namumula nanaman ako. Ang landi lang. hahaha First time kong sinabi nang malakas un ah. Pinatay ko na ung videocam tapos tumakbo palabas ng kwarto.
Kumuha ako ng papel and lapis tapos nag-iwan ng note kay Joshie in case magising sya at wala ako. Baka mag-freak out nanaman pag nakita nyang wala ako sa apartment at hindi nya alam kung nasan ako. Tapos kinuha ko ung susi ng apartment at nung kotse at lumabas na... La lang... na-feel ko lang na ipalagay sa DVD ung video.
Para pwede ko nang burahin ung video sa cam, tapos ung DVD, eh someday ko na lang ipapakita kay Joshie.

YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...