Chapter 26: (Janessa’s POV)
Totoo ba itich? Ganun-ganun lang, papayag na syang i-play ung antique na gitara na un na model ng pader nya? Ava'y lakas naman pala ng hatak ko dito eh! nyaha
Tinitigan ko si Joshua na nakatitig din sa'kin habang naka-posisyon ung gitara nya sa lap nya.
Joshua: Oh, ano na?
Ako: Sige na. Ikaw bahala.
Joshua: Sigurado ka?
Ako: Oo na nga.He shrugged his shoulders, then pumosisyon na ung mga daliri nya sa chords. O_O Talagang tutugtog si kuya. Napatitig ako sa kamay nya..... Halata bang masyado akong atat na marinig ung tutugtugin nya?
Joshua: Ay, teka.
Poof!
Naputol ang concentration ko. -___- Naman.
Ako: Anoh nanaman?!
Joshua: Relax ka lang dyan. Mag-totono muna ako.Nyekz! Yan kaseh, ginagawang decoration ung gitara eh. Syempre, anoh pang magagawa ko kundi maghintay. Inaantok na ko, bago pa makatugtog tohng taong toh. -___-
Pero in fairnes, "Stay" yata ni Lisa Loeb ung pang-tono nya (kung tama ung rinig ko). Ahyuz noh?Maya-maya, after 10 years, ngumiti na sya.
Joshua: Yan na! Tapos na! Kakanta na ko!
Ako: (pikit mata) Oo na, sige na... Kumanta ka na nga lang... Dame mo pang ka-eck-eckan eh.Salbahe noh? Kunwari di ako curious. hahaha
Joshua: Okie pyn. Ahem!
G D7 G
Mary had a little lamb, little lamb, little lamb
G D7 G
Mary had a little lamb, it's fleece as white as snow--Langya! Napabukas bigla ung mata ko!
Ako: Ano ba namang kanta yan?!?
Joshua: (tumigil sabay tingin sa'kin) "Mary Had A Little Lamb". Di mo alam un? o.O
Ako: Kung nandito ung lamb ni Mary, kanina ko pa binato syo! Kala ko pa naman tutugtog ka ng kung anong matino.
Joshua: Sabi mo kahit ano tugtugin ko. Buti nga pinagbigyan pa kita eh. Tinakwil ko na pagtugtog ng gitara simula nung umalis si Trixie.
Ako: Si Trixie nanaman? Ano ba naman yang buhay mo? Masyado kang kumakapit dun, pati ung isang bagay na gustung-gusto mong gawin pinagtatakwilan mo. Anoh ba?! Tingin mo may sense yang pagtigil mo!?Nakz! Speech! nyaha! ;D
Joshua: (bulong) Di naman. Sya lang kaseh nagbigay ng gitara na toh eh...
Suz my golay sa palayan! Un lang pala!
Ako: Ano ka ba?! Ang gitara, binigay para tugtugin noh. Kaya nya binigay yan para naman i-continue mo ung music mo kahit wala na sya. Common sense naman.
Joshua: Hala, binigay nya toh dahil sinabi ko sa kanya noh.
Ako: My golay! Anong ka-senti dun?! Eh hiningi mo naman pala yan.Gulo rin ng lahi nito. Kaloka!
Joshua: Ang lakas mo mang-trip, parang ikaw wala kang kinakapitan sa nakaraan mo ah!
Ay! Sapul to the heart! Napatahimik ako. Naka-homerun si horsey, tinamaan ako.
Ako: . . . Sorry.
Napatingin ako sa paa ko sabay pahid ng luha. I know, ang bilis. Pasensya na, time of the month. Sensitive ang beauty ko. ;D
Joshua: Hala!!! Umiiyak ka ba!?! (pinagpapawisan yata bigla) B-baket?! Wag kang umiyak! Sorry na! O.O
Ako: Kaseh naman eh! I'm just trying to point out something syo, bigla mo kong dinadamay!
Joshua: Oo na nga. Na-turo mo na. Tahan na. O_O Anoh ba kaseh nangyari at pati birthday mo eh katakwil-takwil syo?
Ako: . . . . My sister died because of me.
Joshua: Eh?!?

BINABASA MO ANG
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...