Gitara - Chapter 67

3.2K 38 1
                                        

Chapter 67: (Joshua’s POV)

 

"Nessy!!! Lika na!!!"

Christmas Eve -- ang araw na kinakatakutan ni Janessa... nyaha!  7:30 PM, papunta na kami sa bahay ng parents ko... Pero, ehtong si Nessy, nako, nagkulong ba naman sa kwarto nya!

Ako: (katok sa pintuan) JANESSAAA!!!!!  Anoh ba?!?!  Tara na! Nalagay ko na lahat ng regalo sa kotse ko! Ikaw na lang nawawala!
Janessa:  Di ako regalo noh! 

Bwiset na babae toh.  Papahirapan pa kong kaladkarin sya eh...

Ako:  Nessy, pag di mo binuksan tohng pintong toh, gigibain ko toh!!!
Janessa:  Bastah ba ikaw magbabayad ng pang-repair eh!
Ako:  Sinong may sabing papa-repair ko pa?!?!
Janessa:  Ayoookooooooooooo!!!!  I'm scared!!!!!
Ako:  Anoh ba?!?! Di nangangagat pamilya ko noh!
Janessa:  …Ikaw lang ba nangangagat snyo?

Ha?!

Ako:  Buksan mo na toh at halika na!  Kundi gigibain ko talaga toh!

Nagstep-back ako ng konti...para bumwelo sa pagsipa nung pinto... Di naman sa lagi kong ginagawa toh noh, napapanood ko lang...hehe... Di ba ganito ginagawa ni Jackie Chan?  Flying kick pa un!

Ako:  Isa!
Janessa:  Dalawa!

Hala, nakibilang ba?!

Ako:  Seryoso ako, kala mo dyan?!  Dalawa!

Tumahimik sa loob.

Ako:  Tat--

Dahan-dahang bumukas ung pinto tapos lumabas si Janessa.

Janessa:  Di ka man lang nag-dalawa't kalahati?

Napatitig ako kay Janessa. Bakit ba parang paganda toh nang paganda?

Pweesh!  Nag-wwander nanaman utak ko..

Janessa:  Whoy!  Lika na, bago ko pa itali sarili ko sa building na toh.

Hinaltak nya ko at talagang tinapon ako palabas ng pinto (amazona talaga eh noh?).  Pagkatapos nyang i-lock ung pinto, sumakay kami sa kotse.

Janessa:  (nagseatbelt) Fully equipped ba toh?
Ako: (inistart ung engine) Oo... Kumpleto lahat nung nasa listahan mo.

By “fully equipped”, ibig sabihin nya nun eh, may chips na mapapapak nya, CDs na sasabayan nya ng pagkanta, unan, tubig, cookies... Haaaayyyy...talagang pinalabas nya pa ko kaninang umaga para lang siguraduhing nasa kotse na ung mga un.  Sa bagay, isa't kalahating oras din ang byahe namen eh.  Parang field trip lang ba. :P


+++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(Janessa's POV)


Pagdating namin sa house nung parents ni Joshie, ahyan na ung heart ko...nagka-kaboom-kaboom na.  May tatlong kotse sa driveway nila -- malamang eh sa parents nya ung isa, tapos ung dalawa sa mga kapatid nya.  Napatingin bigla ako kay Joshua na kakapatay lang nung makina.

Ako:  Joshie--
Joshua:  Oh ano?  Di ka na pwedeng umuwi, nandito na tayo...  Halika na!
Ako:  Hala..  La pa naman akong sinasabi eh.

Wahehehe...pero deep inside, sasabihin ko sanang dalhan nya na lang ako ng pagkain at di na ko aalis dito sa kotse.

Joshua:  Anong sasabihin mo?
Ako:  La lang... Tatanong ko lang kung bunso ka ba talaga?

Palusot~

Joshua:  Oo, baket?
Ako:  La lang... Parang di bagay eh... ;D
Joshua:  Anoh?

Tumawa ako habang lumalabas na ng kotse -- para maiwasan ang any more questions...tsaka baka nga itali ko sarili ko sa kotse wag lang makapasok noh.

Kinuha na namin ung mga regalo sa likod -- syempre, mas maraming dala si Joshua.  Kaya nga sya naging horsey eh, para tulungan ang mga tao. :D  Nag-doorbell si Joshua, and maya-maya bumukas na ung door.

My golay!

Limang mukha kagad ang bumulaga sa'min!

Joshua:  (napa-stepback) Anoh ba yan?!

Pero might as well naging Casper si Joshie kaseh dinedma sya nung mga people at nagtakbuhan kagad sa’kin.  Kinuha nung isang guy ung mga regalo na nasa kamay ko (kuya nya siguro?)... Tapos nginitian ako nung mommy yata ni horsey.

Mom ni Joshie:  Nako, ikaw pala si Janessa!  (kuha ung kamay ko at shake kagad)  Ang tagal-tagal na naming gusto kang makilala!
Ako:  Ah...hehe... Thank you poh...

Lumapit naman sa'kin ung dalawa pang babae... Eh...di ko alam kung sino dito ung sister ni Joshie since mukhang halos magka-edad ung dalawa. Kaya sige, parehong ateh na lang lalagay ko.

Ate 1:  Nako, ang ganda mo pala.
Ate 2:  Oo nga... (bumulong sa'kin)  Ano bang nakita mo dyan sa kapatid ko?
Ako:  Heh?

Ahhhh... so ehto palang nasa right ko ung sis ni Joshie... She's really pretty din... Medyo chubby pero bagay naman sa kanya. Hindi sya mukhang 28 years old.
Nung nakita ni Joshua na pinaligiran ako ng mga kapamilya nya, na-panic yata.  Biglang sumulpot sa likod ko.

Gitara [Official] - CompletedWhere stories live. Discover now